Wakas

1.9K 114 26
                                    


Wakas

Bata pa lamang sila, madalas na niyang makita ang babaeng ito. Seryosong nagtatawanan sina Miguel matapos silang mag-gym. Nanatili niya namang pinagmamasdan ang babaeng seryosong pinatutumba ang lalaking coach at dinaganan ito sa sahig.

Mukhang napansin ni Miguel ang kanina pa niyang pagtitig. Lumapit na rin sila sa glass wall at ngumuso nang nakakaloko.

"Jack's sister, right?I dare you, get her number." Sabi ni Miguel.

Hindi siya nagsalita bagkus ay ngumisi siya sa hamon niya. He doesn't ask for numbers usually. Lahat ng babae, sila mismo ang nauunang magtext o 'di kaya ay may ilang bigla na lang maglalapag ng calling cards.

"Gago. I don't do family friends." Sabi niya kay Miguel at nagpatuloy sa paglalakad papalabas.

She looked at their direction dahil sakto na iinom siya ng tubig. Ngumisi siya rito.

Alam niyang kilala siya nito. They never talked to each other. Palaging nagkakakita but he's confident na hindi siya malilimutan nito.

"Good shape." He complimented.

Kumunot ang noo ng dalaga sa sobrang inis. Mukhang hindi niya nagustuhan iyon. Ngumiwi ito at bumalik sa mat.

Tumawa si Miguel at tinapik ang kanyang balikat.

"Wala ka pala, bro!"

Naestatwa si Gregory doon. Hindi niya akalain na mapapahiya siya. Umalis siya agad roon na sinundan ng mga kaibigan.

They saw some friends kaya tumigil muna sa lobby para sa maikling kuwentuhan. Nasa parking lot na ng makita nila na naroon muli si Victoria de la Vega.

"Bro, 'yung trip mo, oh!" sabi ni Jude.

Masama ang tingin na ipinukol ng babae sa kanila. Gregory had to smirk para mabura ang pagka-inis. Miguel seems to have fun at his misery.

"Sige nga, kung talagang matinik ka... I dare you, get her number." Hamon nito.

Nagkantyawan sila sa pagiging masungit ni Victoria at kung paano siya susupalpalin nito. His ego was hurt kaya naman lakas-loob siyang lumakad papalapit sa dalaga.

Pero matigas ang babae. Kaya wala siyang choice kundi magpaawa rito.

"Miss, can you please save my reputation? My friends are making fun of me, oh?" Mapaglarong bulong nito.

"What reputation? Cat calling and picking girls at the gym? Is that it?"

He's getting impatient and shamed. Mabilis niyang kinuha ang cellphone ng dalaga at sapilitang nilagay ang numero niya roon.

She's shorter pero hindi niya akalaing magagawa nito na baliin at kuhanin ang kanyang cellphone.

"Hey, kilala mo ba ako, huh?" Tanong niya, naiinis na.

Nilingon siya nito.

"Kilalang kilala. I am so sorry, Gregory Querio... pero hindi ako nadadala ng charms mo." She said directly.

He was dumbfounded. Akala niya, she was clueless kaya ganito ang treatment. But knowing that she knew him made it worse.

"Sa tingin mo, gusto talaga kita? Akala mo naman napakaganda mo kung magsuplada ka. Hindi kita gusto." He said.

Ni hindi ito kumibo. Tumango lang at pinanood ang sasakyan na ngayon ay tumitigil sa kanyang harapan.

"Good. The feeling is mutual." She said and slid in the car.

Camouflage (Querio Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon