Kabanata 12

1.2K 69 6
                                    

Kabanata 12
Goodbye

"Not even friends? May ganun?" Tanong ni Miguel sa kaniya.

Tumango si Victoria rito. Tamad siyang sumubo ng pagkain.

Gabi na ng ihatid siya ni Gregory sa kanila. Hindi niya namalayan ang oras dahil nag-enjoy rin siya kasama si Phoebe at ang ilang kaibigan ni Gregory.

Nagising siya na medyo late na. Nagmamadali siyang naligo at nagbihis ng gym clothes. May session siya ngayon sa judo.

Pagkarating niya, nandoon si Gregory na nakabihis na ng uniporme at nag-uumpisa na.

"You're late." Anito sa kanya at pinawisan ang kaunting pawis sa noo.  "Masyado ka atang kinilig sa nangyari sa school fair."

Nagtaas siya ng kilay sa binata at tinaas ang kanyang gitnang daliri.

Nagmadali siyang nagbihis sa locker room. Hindi na din sila nagpansinan dahil sa magkalayong area sila ni Gregory at magkaiba rin sila ng instructor. Hindi naman makatakas ang pagsulyap ni Gregory maya't-maya sa busy na si Victoria.

"Session's done, Tori. See you next week."  Sabi ni Mike. Kinamayan niya ito at hinayaan na maunang umalis ito.

Nakaupo ngayon si Victoria sa asul na mat para pakalmahin ang sarili. Umiinom siya sa kanyang tubig. Pinanood niya ang swift na galaw ni Gregory. Pinned ang kanyng instructor sa sahig at nag tap out.

Ngumisi si Gregory at binitiwan ito. Tinulungan niyang makabangon ang instructor at kinamayan. Gaya niya, tapos na rin ang session nito.

Ngayon, sila na lang ang natirira sa kwarto. Kinuha ni Gregory ang kanyang bote at umupo na rin sa kanyang tabi.

"You're doing better at judo." She said.

Ngumisi si Gregory at uminom ng tubig.

"Yeah but I have to pratice my pinning techniques." Sabi nito sa kanya.

Tumango si Victoria.

"Yes. I noticed some errors kanina."

Nilingon siya ni Gregory at ngumisi.

"Yeah? What, then?"

Tumayo si Victoria at hinila si Gregory papatayo. Nagpatianod naman si Gregory rito.

"I will show you a way to tackle someone. It works all the time." 

She started to put her hands around him and in a swift motion, she tackled and pinned him on the mat. Gregory was shocked but at the same time amused.

"See?" Binitiwan ni Victoria ang binata at tumayo.

Tinulungan niya ang lalaki makabangon.

"Now, try it." Victoria said.

Tumango si Gregory at ginaya ang mga ginawa ni Victoria. He tackled her and pinned her down on the mat. Ngumisi si Gregory at agad naman napagtanto ni Victoria na magkalapit na ang kanilang mga mukha.

Natigilan siya sa kanyang paghinga. Ngayon lang niya napagmasdan ng maayos si Gregory. He was really good looking. Makapal at pormado ang kilay. Almond shape ang mga mata, na halos nagiging kulay abo pag natatamaan ng liwanag. His lips... were enticing and luscious.

"Fucking hell," bulong ni Gregory na napagtanto na rin kung gaano sila magkalapit.

Lumunok si Victoria at sinubukang kumalas pero hindi iyon nangyari dahil mahigpit ang pagkakapatong ni Gregory. He steadied her and freaking smiled.

Camouflage (Querio Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon