Kabanata 10

1.3K 83 12
                                    

Kabanata 10
Passed

Hindi mawari ni Gregory ang nararamdaman niya habang naglalakad siya papalapit sa dalagang hindi man lang siya napapansin dahil sa kanyang laptop.

Simula ng dumating si Maria Victoria sa buhay niya, palagi na lamang niyang gustong asarin ang dalaga. Hindi nakukumpleto ang araw niya ng hindi niya gagawin iyon.

There's this feeling with Victoria. Hindi man lang nagdadalawang isip ang dalaga na sabihin ang saloobin niya at hindi man lang tinatago ang damdamin. She's very vulgar when it comes on hating him.

Ibang iba sa mga babaeng nakakasalamuha niya. That's why even his friends, is asking him about her.

"Napapadalas ang pagsama mo diyan kay Victoria ah? Kayo na ba?" Tanong sa kanya ng isa sa mga babaeng nakakasama niya sa tuwing clubbing.

Ngumisi si Gregory at uminom sa kanyang alak. Hindi niya sinagot ang babae.

At isa pa, hindi niya alam ang isasagot niya. They're not even friends according to the woman.

Dahan dahan niyang nilapag ang kanyang bag sa harap ni Victoria. The woman stopped reading something on her laptop.

"What?" Iyon ang bungad sa kanya nito.

Ngumisi si Gregory at nakuha pang uminom sa juice ni Tori. Her friend, Phoebe wasn't around kaya siya lang ang tumatapos ng report nila.

"Ang sabi ko, anong kailangan mo?" Tanong ni Tori at inagaw ang kanyang juice mula sa binata.

Natatawang tinaas ni Gregory ang kanyang dalawang kamay.

"Ikaw." Simpleng sagot niya.

"Asa ka."

Kumunot ang noo ni Victoria at pinagpatuloy ang pagtitipa sa kanyang laptop.

"Grabe ka naman, De la Vega. Bad day?" Tanong pa niya.

Umirap si Victoria.

"Yup. Nakita na kita eh." She snorted.

"Aray naman. Ang sakit naman no'n!" He faked it.

Hindi na siya pinatulan ni Victoria at kinuha ang kanyang juice. Pinanood ni Gregory kung paanong pinunasan ni Victoria ang straw at uminom doon.

"Ang arte! Wala naman akong virus." He said.

"Virus mo mukha mo." Irap ni Tori.

Tumawa si Gregory sa pagkamainitin ng dalaga. Lalo namang nagpainis iyon kay Tori.

"Balang araw, Maria Victoria... hindi lang laway ko ang matitikman mo." Makahulugang sabi ng binata.

Nawala ang kulay sa buong mukha ni Victoria. Halos masamid siya sa iniinom dahil doon. Gregory had to give her a napkin so she can cover her mouth.

"Chill ka lang, De la Vega. Masyado ka namang na-excite sa sinabi ko."

Hindi makapagsalita si Tori dahil umuubo siya. Tinaas niya ang kanyang middle finger para sa binata. Humagikhik naman si Gregory.

When she calmed down. Halos masasamang tingin ang ipinukol niya sa binata.

"Stop staring." Banta nito kay Gregory na patuloy pa din ang panonood sa reaksyon niya.

"Then, stop being pretty." He answered.

Lalong kumunot ang noo niya sa binata. Alam niyang papuri iyon pero hindi niya maiwasang mainsulto kung galing kay Gregory. It always made her feel na para siyang isa sa mga panandaliang babae sa buhay ng isang Gregory Thaddeus Querio.

Camouflage (Querio Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon