Kabanata 15

1.1K 79 8
                                    

Kabanata 15
Stop

Dahan-dahan ang paglalakad ni Victoria papunta sa malawak na hardin ng mga Querio. Marami ang tao roon. Kumakabog ang dibdib niya sa takot na makita niya si Gregory at ang ilan sa mga kaibigan nito.

"Hija," bati ni Judge habang sumisimsim sa kanyang wine.

Ngumiti siya ng tipid at hinalikan ang pisngi ng kanyang ama. Some familiar faces were there. Binalingan niya ang ilang kliyente at mga kaibigan ng ama.

"Have you seen Gregory? Did you say your congratulations?" Bulong ni Judge sa gitna ng dinner.

Umiling si Victoria.

"Not yet, Dad. He's busy and I don't have a gift." Aniya at uminom ng tubig.

"I have prepared a gift, hija. You should give it to him."

Inilabas ni Judge ang isang itim na box. Gulat ang mukha ni Victoria roon. Ayaw niya mang puntahan si Gregory, pero gumagawa ata ng paraan ang tadhana.

"Dad—"

"Judge de la Vega!" Natigil si Victoria sa pagsasalita ng dumating ang pinakamatandang Querio.

Nakangisi ito sa kanyang ama habang marahang nakahawak sa kanyang tungkod. Tumayo si Judge at agad na nakipagkamay rito.

"General Querio."

"Maria Victoria. You're the perfect copy of Jacquelyn when she's young." Papuri ng matanda sa kanya.

Tumango si Victoria at inilahad ang kanyang nanginginig na kamay. Tinanggap naman ito ng matanda.

"Thank you, General." She said.

Binigay ni Judge sa kanya ang itim na kahon at tinuro si Gregory sa hindi kalayuan. He's laughing at some of his friends. May hawak hawak silang alak at nagsasaya.

Napahinga ng malalim si Victoria. There's no point in saying no. Busy na nag-uusap si General Querio at ang kanyang ama. Hindi niya kayang makisingit doon dahil may kaunting takot siya sa Heneral.

Mahigpit ang hawak niya sa box. Walang ideya si Gregory Querio sa kanyang presensya. Panay ang tawa niya sa ilang kausap. Hindi pa man siya nakakalapit, dumating ang humahangos na si Althea at may madaliang binulong sa pinsan.

Halata ang gulat sa mukha ni Gregory at mabilis na tumakbo. Dahil doon, halos lahat ay tumingin sa banda nila. Kasunod noon, hagulhol ang umalingawngaw mula kay Lisanna na sa loob ng bahay.

"Hijo de puta! Ano ang nangyayari?!" Sigaw ng matandang Heneral at lumapit sa bahay.

"Papa!" Sigaw ni Athena at inalalayan ito. May ibinulong ito sa matanda.

Admiral Prescott Querio's eyes were bloodshot. Ang mga bisita ay naguguluhan sa nangyayari. The music also stopped.

Napatingin si Victoria sa loob ng bahay kung saan maririnig ang iyak ni Lisanna. The whole party's interrupted.

Nagmamadaling lumakad si General. May dina-dial ito sa kanyang cellphone. Lumapit si Victoria sa kanyang ama.

"W-What's happening, Dad?" She asked.

Nagkibit balikat si Judge sa kanya. Ilang saglit ay may katulong na lumapit sa kanila at may binulong sa kanyang ama. Gulat ang mukha ni Judge at hinarap siya.

"Hija, let's go." Anito.

Naguguluhan man ay tumango si Victoria at sumunod sa ama. She's really confused right now. Tumigil sila ni Judge sa home office ni General Querio. Humahagulhol si Felicity at Lisanna habang nakatulala sa isang tabi si Gregory.

Camouflage (Querio Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon