Kabanata 18

1.3K 94 26
                                    

Kabanata 18
Bottled Water

Sumapit ang hapon at ni anino ni Gregory ay hindi na muling nasilayan ni Victoria. Natapos ang kanilang training para sa operasyon. Basa ng pawis at kinakapos ang hininga niyang umupo sa damuhan.

Win seated beside her and offered her a bottle of water. Kinuha iyon ni Victoria at diretsong nilagok. Kinalma niya ang paghinga habang tinatagtag ang mabigat na vest na suot niya.

"You okay?" tanong ni Win habang kinakalas rin ang full gear niya.

"Yeah. Why?" tanong ni Tori at tinagtag ang kanyang sumbrero.

Nakaramdam siya ng ginahawa roon.

"You look distracted sa drills kanina. After you saw those two army you acted weird." Kibit balikat nito.

Tumawa si Victoria at umiling.

"Nope, Win. Pagod lang ako dahil kulang ako sa tulog. Manila is very hectic. I met some of my friends." Aniya.

Yeah, and you met him there.

"How's your Dad?" Tanong ni Win at humiga sa damuhan.

Nilingon ni Victoria ito. Hinayaan niyang humiga roon si Win. Nanatili lang siyang nakaupo at nakadungaw sa malawak na field sa harap ng kampo.

"He's okay. Overworked lang siya masyado. The doctor advised him to rest temporarily." Aniya.

Ngumuso si Win at bumangon din matapos ang ilang saglit. May ilang babaeng sundalo ang naroon at nakatingin sa banda nila. May maliliit na ngiti doon.

"Win, mukhang kahit sa army doctor ay sikat ka." Asar ni Tori at pinaypayan ang sarili gamit ang kanyang sumbrero.

Tumawa si Win sa kanya at umiling.

"I don't think so. Ikaw ang sikat. Narinig ko kanina na may ilang sundalo ang balak kang lapitan mamaya sa dinner."

Tumaas ang kilay ni Victoria. Lalapitan siya mamayang dinner? Talaga ba? Kung sinuman ang mga iyon, sigurado nang hindi niya papansinin.

Some of their colleagues thought that she and Win are an item. Out of the boys, ito lamang ang kinakausap niya tungkol sa personal na buhay. Dumagdag pa na wala masyadong babae sa kanilang mga SAF kaya naman pili lang ang kakaibiganin niya.

After all, Kyrwin Chavez is a good man. Palaging napupuri sa galing sa training. He's witty and considerate. Maraming nakakasundo at humahanga sa kanya.

Hindi na nakasagot si Victoria. Namataan niya na papasok mula sa kakahuyan ang mga sundalong kasamahan nila. Bitbit ang mgamabibigat na bag at armas, tumatakbo ito na naka-organisa habang kumakanta ng chant.

Paikot-ikot sila doon.

"Nakabalik na sila," ani Victoria at dumapo ang mga mata sa lalaking nasa bandang una, katabi ng pinsan nitong si Athos.

Seryoso ang mukha ni Gregory. Walang emosyon habang sinasabi ang bawat chant. Kinagat ni Victoria ang labi niya at umiling.

Kaya naman pala matinik sa babae. Walang dudang napakatikas ng isang Gregory Querio sa kanyang uniform. Dagdagan pa ng tanned na balat at ganda ng hubog ng katawan.

Camouflage (Querio Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon