Kabanata 24

1.4K 93 19
                                    

Kabanata 24
Commander

Kung susumahin, hindi ganoon katagal ang limang buwan buwan. Nakangisi si Victoria nang bumaba siya sa helicopter na sinasakyan. It was tiring week for her.

"Saan ka muna daw ilalagay na department?" Tanong ni Jack habang kinukuha ang kanyang bag para ilagay sa trunk ng kanyang sasakyan.

Ngumiwi si Victoria at hinayaan ang kapatid na ipagbukas siya ng pintuan.

"Masaya ka talaga na nalipat ako pansamantala, ano?" Naiirita niyang sabi.

Humalakhak si Jack sa kanya.

"Dad was amazed, too. Ano ba ang ginawa mo sa misyon mo at nilipat ka pansamantala? You angered the Police General. Tsk. That's not like you, Tori." He laughed.

"I did not. Talaga lang mainit ang dugo sa akin noong bagong Police General dahil De la Vega ako." Iling ni Victoria.

Ngumuso si Jack at pumasok na sa sasakyan. Hiniga ni Victoria ang kanyang ulo sa malambot na upuan.

"You look exhausted, Sis. You should rest." Ani Jack.

Tiningnan ni Victoria ang kapatid na ngayon ay seryoso nasa pagmamaneho. Nakasuot pa ito ng uniporme niya. She sat straight and looked at him.

"Kamusta si Olivia Villafuerte?" She asked.

Nilingon siya ni Jack at nagkibit balikat.

"Ayun, lovesick." He simply answered.

Kumunot ang noo ni Victoria. Lovesick?

"Huh?" She asked again.

Huminga ng malalim si Jack at nilingon siya. He smirked.

"She's whipped for Kristoff. Just like you, baliw na baliw sa Querio." He kidded.

Tila trigger iyon para kay Victoria. Mabilis niyang binatukan ang kapatid at sinamaan ito ng tingin.

"Alam mo, sana masamid ka diyan." Aniya sa kapatid.

Napuno ng tawa ni Jack ang sasakyan. Victoria tried to reclined her chair to get some sleep.

Natuluyang makatulog si Victoria. Nagising na lang siya ng maramdaman ang mahihinang tapik ni Jack sa kanyang pisngi. She blinked thrice para makabalik sa ulirat at bumangon.

May ilang katulong ang kumuha ng kanyang gamit sa trunk para iakyat iyon sa kanyang kwarto. She saw Judge Victor, sitting on his wheelchair.

"Bumaba ka na, Tori. Babalik pa ako sa mansyon ng mga Villafuerte." Ani Jack.

"You won't sleep here?" Tanong niya sa kapatid.

Umiling si Jack.

"Hindi ako puwedeng magtagal. Kristoff will discuss a plan later tonight. Kung hindi pa ako tutulak ngayon, maaaring hindi ko maabutan ng buo iyon. Kaya bumaba ka na."

Victoria nodded and tapped her brother's shoulder.

"Do well and stay safe, then." She smiled.

Camouflage (Querio Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon