Kabanata 33

1.1K 78 11
                                    

Kabanata 33
Demand

Nawala na si Olivia. Paniguradong papunta na iyon sa chopper na hinanda ni Kristoff. Nakaupo si Victoria  ngayon sa likuran ng police mobile katabi si Diana na nakaposas.

Mantsa ang mascara niya mula sa pagkaka-iyak. Nilingon siya ni Victoria. She was shaking so hard. Tulala siya.

"You can call your attorney when we get there." Aniya.

For sure, by now. Maraming media na ang naghihintay sa police station para sa kanila. Lumunok si Victoria. Hindi na lamang si Olivia ang nasa bingit ng panganib kundi siya na rin.

"My parents won't let you get away with this."  Banta ni Diana.

Diretso ang mga titig niya sa labas. Lumunok si Victoria at bumuntong hininga. She would not get back down.

"Well... I am ready for your parents, Diana." Sagot niya at pinili na lang na manahimik.

Pagkadating nila sa police station, sinalubong siya ng maraming kapulisan sa pamumuno ni SPO4 Jacob Martinez. Binuksan nito ang backseat at naglahad ng kamay sa kanya. Inalalayan sila nang mga ito hanggang sa makapasok sila sa loob.

"Guard the media." Ani Jacob sa mga kasamahan.

Tumingin si Victoria sa kanya.

"Salamat Martinez sa pagtulong mo sa operasyong ito." Aniya.

Nakaupo ngayon si Diana habang suot ang kanyang gown at tumatawag para sa kanyang abogado.

"Walang anuman. Bayad ko ito sa lahat ng tulong mo para sa kaso nang kapatid ko." Aniya.

Tumango si Victoria. Noong kausapin niya si Jacob para rito, hindi niya akalain na tatanggapin niya ito kaagad. Malaking panganib ito dahil sinuman at natatakot sa kakaharapin. Presidente ng bansa ang kalaban rito.

"Ma'am, may tawag kayo sa telepono."

Kinuha iyon ni Victoria at tinapat sa tenga. Sa kabilang linya ay ang galit na galit na boses ni Esmeralda. Histerikal iyon.

"Release my daughter right now." Sigaw nito. "You don't know how much you insult the first family you little witch!" Mura ni Esmeralda.

Pumikit si Victoria at umirap sa kawalan.

"Madame, calm yourself. Let's not embarass ourselves." Mahinahon niyang sagot sa ginang.

Diana was watching her. Mukhang may ideya kung sino iyon kaya naman naglakas loob na magsalita.

"Mommy! Get me out of here!" Sigaw nito.

Umiling si Victoria at naglakad na papalayo roon para pumasok sa opisina. Jacob followed her.

"Madame, may warrant of arrest para kay Diana. Can we just be a good example for everyone in the country? People would think that justice system works only for the oligarchs. We don't want that , are we?"

"I don't fucking care! Ilabas mo ang anak ko ngayon din. My husband is the chief-of-police. Napakalakas ng loob mo na kalabanin kami? I will make you regret this day you little shit."

Camouflage (Querio Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon