Kabanata 47
IdentityParang himala na gumana ang mga ginawa ni Mujer noong araw na iyon. Victoria's wounds healed up quickly. Lumakas na rin siya at nakakatayo na.
She ate all what they give to her. Kailangan niyang lumakas para sa mga plano niya. By this time, she knew that Kyrwin had plans in his mind.
Hindi siya dapat makampante. Kailangan niyang malaman lahat bago pa man mapunta rito ang mga ito para paslangin sina Gregory.
Nagising na lamang siya sa mabilisang katok ng isa sa mga kasapi. Sakbat nito ang kanyang baril. Nag-aagaw pa lang ang dilim at liwanag sa kalangitan.
Dahan-dahang bumango si Victoria at sinilip ang mga kasapi na may mga dalang gamit.
"Bumangon ka na diyan, prinsesita!" Utos ni Elena na masamang tingin ang binungad sa dalaga.
"Aalis kayo." Hindi iyon tanong para kay Victoria.
Sinira ng ilang kasapi ang mga tent at ngayon ay nakahanay na.
"Halata ba? Boba!" Insulto nito at tinanguan ang mga kasama.
Lumapit ang isa na may dalang tanikala. Padarag nilang tinayo si Victoria. May kaunting kirot sa kanyang binti pero hindi niya iyon ininda. Marahas na nilagay ng mga ito ang kamay niya at nilagay sa mahigpit na pagkakatanikala para hindi siya magamit.
"Hilahin niyo papalabas pagkatapos niyo diyan." Utos nito at umalis na.
Sumama si Victoria. Wala pa siya sa estado para makipagpamatigasan sa mga ito. Napapikit siya ng makita ang liwanag sa labas. Ito ang unang beses niyang makalabas pagkatapos ng tatlong linggo na pamamalagi niya sa kampo.
Ang hakbang niya sa medyo basang lupa ay nararamdaman niya dahil wala siyang sapin sa paa. Pinagmasdan niya ang sobrang dumi niyang paa at napamura.
Dinala siya ng mga ito sa gitna ng pila. Nakangisi si Alwari kay Victoria habang seryoso naman si Gregory sa tabi ni Elena. Nag-iwas siya ng tingin rito at tinuon ang pansin sa unahan ng pila.
"Victoria, Victoria..." masayang sabi ni Alwari at inakbayan siya. Pumiglas si Victoria rito pero wala ring nagawa ng muling ibalik nito ang kanyang mga braso.
"Akala ko mawawalan ka ng pakinabang sa samahan. Mukhang mahalaga ka pa rin naman pala sa mga militar." Ngisi nito.
Bumagal ang paglalakad niya at kuryoso rito.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.
"Simple lang. Hinahanap ka nila." Aniya at pinahinga ang kanyang daliri sa baba ng dalaga.
Hindi nakapagsalita si Victoria. Tama ang hinala niya. The military's already moving. Threatened ang mga ito. Nilingon niya si Gregory. Nakaalalay ito sa buntis na si Elena.
Siya ba? May kinalaman ba siya rito? Tanong niya sa kanyang isipan pero nanatili na lamang siyang tahimik.
Tumingin siya sa katawan niyang marumi na. Tatlong linggo na siyang hindi nakakapaglinis ng katawan dahil sa loob ng panahong iyon ay halos wala siyang malay.
She looked around. Wala roon si Mujer. Sa natatandaan niya ay may bisita ang mga rebelde noong araw na una silang magkita sila nito.
Bakit siya niligtas nito?
Umiling siya at pinagsawalang bahala iyon. Matarik at maputik ang daan kay halos mawalan siya ng balanse dahil na din sa pagkakatanikala ng kanyang mga kamay.
The rebels often laughed instead of helping her. Puno na siya ng putik. Ngayon lang siya napagtawanan ng ganito. She was respected her whole life.
BINABASA MO ANG
Camouflage (Querio Series #3)
Fiksi UmumMaria Victoria de la Vega was a woman of ambition. She already set her whole life in a strategic manner from finishing her degree to her career. But only thing was missing: her plan for love. She always believed that she'll never have it. As it wi...