Kabanata 46

1.3K 87 26
                                    

Kabanata 46
Leave

Nagising si Victoria sa loob ng isang make-shift tent. May nararamdaman siyang mga dahon sa ulo at sa binti niya. Napangiwi siya sa sakit na dulot ng kaunti niyang paggalaw.

She tried to sit but her hands were tied to the wooden column. Makapal ang tali noon. She looked at the surrounding. Marami ang makeshift tent sa paligid. Maraming armadong lalaki ang nagtatawanan sa labas at ang ilang kababaihan ay naglalagay ng kamote sa apoy.

Kumulo ang tiyan niya sa gutom. It was already past seven. Malamig at maputik din ang pinaglagyan sa kanya. She tried to look for something to cut the rope pero parang sinigurado ng mga rebelde na hindi siya magkakaroon ng pagkakataon an tumakas.

She stayed sitting for five more minutes ng bumukas ang pintuan. Pumasok ang isang babae na may dalang  dahon ng saging at kawayan na may lamang tubig.

May gasera ito. Seryoso ang tingin nito na tila ba kapag gumawa siya ng isang pagkakamali ay papatayin siya nito.

Nilapag nito ang dahon ng saging na may nilagang kamote. Lumapit kay Victoria ang babae at kinalagan siya ng kadena sa kamay at nilipat iyon sa kanyang paa. Hinimas ni Victoria ang palapulsuhan niya at nakaramdam siya ng kaunting ginhawa.

Muling bumukas ang pintuan at pumasok doon si Gregory.

He was holding an armalite. Umupo ito sa kanyang harapan at mariing tinuro ang kamote.

"Kumain ka," utos nito.

"Bakit mo 'to ginagawa?" Tanong niya.

Kumunot ang noo ng babaeng kasama ni Gregory. Huminga lang ng malalim si Gregory at hindi siya sinagot ng diretso. Kumuha siya ng isang pirasong kamote at walang sabi-sabing kinain iyon.

Nagtataka si Victoria. Uminom rin ito sa kawayan na may lamang tubig. Seryoso itong bumaling sa kanya.

"Kung natatakot kang kumain dahil sa tingin mo ay lalasunin ka, pwes sabay tayong mamamatay kung ganoon man. Kumain ka habang mabait pa 'ko sayo." Saad nito at lumabas na.

Tumango ang babae at tinuro muli ang pagkain.

"Kung ako sa'yo, makikinig ako sa kanya. Huwag mong sagarin ang pasensya ng isang 'yon." Banta ng babae at lumabas na din.

Walang sabing kinain ni Victoria ang pagkain. Kakaunti iyon at hindi nakakabusog pero sapat na para magkalakas siya. Nanghihina pa rin siya sa mga sugat niya.

Sumilip siya sa labas at nakita na busy na rin sa pagkain ang mga ito. Nakita niya si Gregory na naglalakad papalapit kay Alwari. Binigyan siya nito ng baso at sabay silang uminom.

"Ano ba talaga ang plano mo?" Tanong niya sa sarili habang nakatanaw sa binata.

Dahil hindi kaya ng mg dahon na gamutin ang kanyang mga sugat, nanghihina pa rin siya. Kaya naman sa pagkirot noon ay mas pinili niyang mahiga.

Nakatulog na din siya matapos noon. Nagising na lamang siya na may nagpapalit ng dahon sa sugat niya.

Umaga na. Bumalikwas siya at umupo. Bumukas ang pintuan at pumasok doon ang isang babaeng nakangisi.

"Kumain ka na raw prinsesita!" Asar nito at halos ibato ang kamote sa putikan.

Umirap ito at padabog na umupo sa unahan.

"Ewan ko ba kung ano ang meron sa SAF na 'yan at ayaw pang patayin ni Alwari. Kung ako pang ang masusunod hahayaan na kitang mamatay rito. Nakikihati ka pa sa mga supply namin." Aniya.

Ngumisi si Victoria sa sinabi nito. Sumama ang timpla ng mukha ng babae na hindi ata inaasahan na magiging ganito siya.

"Supply niyo na sapilitang ninanakaw niyo sa mga katutubo?" Asik niya ng maalala ang nangyari kahapon.

Camouflage (Querio Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon