Kabanata 17

1.2K 84 11
                                    

Kabanata 17
Work

Sa loob ng pitong taon, ngayon lang magkikita si Victoria at ang mga kaibigan niya. Kaya naman agarang naghamon ng inuman si Phoebe sa mga ito.

Hindi mawari ni Victoria kung bakit naririto siya ngayon at nakaupo sa pabilog na mesa. Maaga pa ang alis niya mamaya at wala pa siyang tulog. Ngunit, inaamin niyang namiss din naman niya ang magsaya. Bahala na at sa eroplano na siya matutulog.

"Ang ganda mo talaga friend! Gusto ko na tumira sa bundok kung ganyan ako magiging kaganda! Pulis ka ba o model?" Sabi ni Phoebe habang pinaglalaruan ang dulo buhok ni Victoria.

"SAF," sagot niya bago umirap at hinila pabalik ang kanyang buhok.

"You're in the Special Action Force?" Tanong ni Miguel na umiinom.

Sinalinan niya ang baso ni Victoria. Agarang ininom ito ng dalaga at tumango.

"Yes. After graduating PNPA, may ilan sa amin na pinili ng mga Police General na dumiretso sa training for SAF." Kibit balikat niya.

"Woah! So, you're really a big shot, ah?" Sabi ni Mike.

"Mike, kung big shot ako, edi sana general na?" Umirap si Victoria.

Tumawa ang mga ito. Ilang ulit oa ay naubusan na sila ng pulutan. Sinulyapan ni Victoria ang mga kaibigang halos malasing na sa kanilang bakuran.

"Wala nang pulutan!" Sabi ni Phoebe at tinuro ang pinggan.

Umiling si Victoria at kinuha iyon.

"Kuha lang ako," aniya at mabilisang pumunta sa may dirty kitchen nila kung saan naroon ang ilang barbecue na niluto ng mga kasambahay kanina.

Dahan-dahan niyang nilagay iyon sa plato ng maramdaman niyang may nagmamasid sa kanya mula sa likurang bahagi ng matataas na pine tree.

Kinagat ni Victoria ang kanyang labi at hindi ito pinansin. Tumahimik siya para pakiramdaman kung tama ang hinala niya. Hindi niya makita ang nagmamasid dahil sa kawalan ng liwanag sa bahaging iyon.

"Fuck," mura niya at nagkunwaring kukunin ang plato. Pero ang baril niya ang kanyang dinampot mula sa kanyang baywang.

Kinasa niya ito at dahan dahang naglakad sa bandang pine tree. Tinutok niya iyon doon.

"Labas!" Aniya at nanatiling nakatayo.

Hindi siya puwedeng magkamali. Trained siya sa bundok kaya alam niyang may kakaiba sa halamanan. There's someone there.

Pero ang hindi niya inaasahan ng hawiin niya iyon ay si Gregory na nakataas ang kamay. Seryoso ang tingin nito.

"Chill, de la Vega." Aniya at tinulak ang nguso ng baril na nakatapat sa kanya.

"Fuck! Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ni Victoria at binalik ang baril sa kanya.

Tinaas ni Gregory ang umiilaw niyang cellphone. At kailan pa siya nakarating?

"I came here when you're busy getting the barbecue. Dumiretso lang ako dito at may importanteng tinawagan." Paliwanag niya.

Tumango si Victoria. That explained kung bakit bigla na lang siyang sumusulpot rito sa damuhan.

"Next time, answer. I almost shoot you, Querio." Kinagat niya ang labi at binalikan ang plato ng barbecue.

Sabay silang naglakad pabalik sa inuman. Panay ang tawanan ng mga ito at walang kamalay malay sa mga nangyari. Nakipagkamay si Gregory sa mga kaibigan at umupo sa tabi ni  Mike.

Camouflage (Querio Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon