Kabanata 39

1.1K 86 28
                                    

Kabanata 39

Never Have I Ever

"You done, Tori?" Sumilip si Jack sa pimtuan ng kanyang kuwarto.

Tumingin siya sa kapatid matapos ibutones ang suot niya."Yes, I will go down ."Tumango si Jack at sinarado ang pintuan niya. Nasa Amerika pa ang hukom kaya naman silangdalawa ang naatasan nitong dumalo sa imbitasyon para sa mga de la Vega.Naimbitahan sila Victoria sa ika-labing anim na kaarawan ni Althea Querio. Masyadong malaking handaan iyon dahil ito na ang pinakabunsong babae ng mga Querio. Kinabukasan pa ang actual na party. Ngayon ay sa isang kilalang bistro lamang sila imbitado at para lamang iyon sa mga malalapit na kaibigan.

Kadalasan, tuwing kaarawan ng mga Querio ay parating may pre-celebration kung saan malayo ito sa pormal na handaan sa mismong araw ng kanilang kaarawan. Sa pre-celebration ay puro inuman at mga nakakabatang kaibigan lamang ang imbitado.

Tiningnan ni Victoria ang sarili sa salamin bago sinakbat ang isang bag. Niyaya siya ni Phoebe dahil imbitado rin sila ni Miguel pati na rin ang mga kapatid nito. She and Jack was invited too. Of course by Kristoff and Athos. Kilala rin nilang magkapatid si Althea and for sure, the kid will look for them.

Huminga siya nang malalim habang sinusuot ang seat belt. 

Jack looked at her.

"Scared, sis?" He said.

Kumunot ang noo ni Victoria.

"What do you mean by that, Jack?" Tanong niya.

Sumipol si Jack at bumusina para buksan ang gate ng mansyon. Tumungo na sila papalabas roon.

"Your ex will be there for sure... I heard from Kristoff that he's assigned to Sam."

Nilingon niya ang kapatid.

"S-Sam? Dad's mini-me? The Sam he adopted?" She asked.

Victoria clearly remembered Samuela the first time her Dad introduced her and her brother, Serge. Nasa elementarya pa lamang siya noon pero hindi na maganda ang kutob niya rito.She always disliked Samuela. It's too unrealistic to see someone so perfect like her. Naniniwala si Victoria na peke ang mga ngiti nito at may tinatago siya.

"Hey, it's been years since she moved out, Tori. Get over your jealousy."

"Tss. I am not jealous at all, Jack. You did not even listen to me. I told you, she's hiding something." Sabi niya sa kapatid.

Samuela moved out when she graduated college. Nagtrabaho naman ito sa law firm ng ama niya. Jack thinks that she's just jealous of her Dad's attention that was given to Sam. But she did not care about that. In fact, she's close to Serge when they're kids.

"Whatever, Tori. Sam will be there since she's Athos' girlfriend so keep your chill." Ani Jack.Hindi na nagsalita pa si Victoria dahil natanaw na niya ang maingay na bistro. Mukhang marami na ang bisita. Jack parked his car near Miguel and Phoebe's car.Jack was greeted by some colleagues. Ngumiti si Victoria kay Dylan at Lui. She even waved her hand para magpaalam na pupunta na siya sa mga kaibigan niya.She saw Phoebe there. Nakangiti na ito at halatang kanina pa siyang inaabangan na pumasok sa bistro. She tapped the seat beside her.

"Are you staying late? Jack might stay here. Uuwi na rin ako kung uuwi na kayo." Sabi niya rito pagkaupo.

"Boring mo naman, Tori! Nagpaalam si Miguel sa mom-in-law ko. Sila muna bahala kay baby. Baka umagahin kami rito."

Ngumiwi si Phoebe at uminom ng juice na binigay ni Miguel. Miguel was tipsy. Binati siya nito. Nilingon niya ang paligid. Mga usual na kaibigan ni Gregory ito pero wala siya rito kaya malaya siyang nakakainom.

Camouflage (Querio Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon