Kabanata 13

1.2K 75 9
                                    

Kabanata 13
Ties

Nakalipas na ang finals week. Hindi na rin talaga naglapit ang dalawa. Sa tuwing bibisita si Miguel sa kaibigan niyang si Phoebe, hindi sumasama si Gregory. They treated each other like they don't exost in each other's world.

"Tori, birthday ni Miguel bukas? You wanna come?" Tanong ni Phoebe nang sumapit na ang friday.

Nag-angat si Victoria ng tingin at agarang umiling.

"No, thanks. I will prepare for my exhibit." She said.

Kinagat ni Phoebe ang kanyang labi at agarang tumango. Ilang oras pa ay niligpit na nila ang gamit para pumunta sa susunod na klase bago ang lunch. Nagkukumpleto na lang sila ng clearance para matapos ng tuluyan ang school year na ito.

Maingay ang auditorium. Nasa labas ang lahat ng seniors dahil nagpapractice ang mga ito ng graduation. Ang tadhana nga naman, nataon pa na dito ang huling klase nila.

Katabi niya si Phoebe na naglalakad. Namataan niya ang maingay na grupo nina Gregory. They were laughing about what their other friend said. Sila lang ang tanging magulo sa pila at nagkakantyawan.

She stole a glimpse and saw that he's laughing like nothing happened. Nagawa pa nga nitong tumingin sa kanila ng kaibigang si Phoebe nang batiin ito ni Miguel.

"Class niyo rito?" Tanong ni Miguel kay Phoebe.

Victoria just looked at her shoes o hindi kaya ay sa ilang papel na nakalagay sa bulletin board na para bang nababasa niya iyon. She cannot look at him.

And she won't.

"No, Miggy. Magpapapirma lang siguro kami ng clearance after ipasa yung workbook." Phoebe answered flirtatiously.

Kinagat ni Victoria ang ibabang labi. Alam niyang alam ng mga ito ang nangyari sa kanila ni Gregory kaya ganito na lang katahimikan.

"Okay. See you later, Phoebs." Kindat ni Miguel.

"I will go inside, Phoebe." Paalam ni Victoria sa kaibigan pero bago pa man makapasok ito ay nagsalita si Miguel.

"Hey, Tori. Birthday ko bukas. If you won't mind, you can join Phoebe." He invited.

Pinasadahan ni Victoria ang mga kaibigan nito. They were all waiting for her answer. Sa huli, dumapo ang tingin niya kay Gregory na walang ekspresyong nakatingin sa kanya at nakasandal sa pader.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang bag.

"Thanks for the invite, Miguel. But I have to finish my artworks for the city art expo." She politely refused.

Kumunot ang noo ni Miguel.

"Woah. Okay. But if you change your mind, I will still put you on the guest list." He nodded.

Tumango na lang rin si Victoria at tumalikod na. She will not go. For sure, Gregory will be there. At iyon ang iniiwasan niya. She's serious on cutting all their ties. She was really out of her mind and distracted when he's around. And it was not good at all.

Umupo na siya sa pinakalikod kahit na ayaw niya dahil tapat na tapat noon ang mga nag-aasarang sina Gregory. Puno na rin kasi ang unahan. Suminghap siya at naglagay na lang ng earphones para kahit papano ay madivert ang kanyang atensyon.

She was busy looking at the blackboard. Nasa labas pa rin si Phoebe at nakikipag-usap kay Miguel dahil wala pa naman silang professor. Napalingon siya ng umalingawngaw ang sigawan mula sa labas.

She saw that there's this senior girl na nasa harapan ng nakangising si Gregory. They're being whistled by the other seniors.

Ang mga kaklase niya ay napapatingin na din sa bintana. They were all witnessing the confession of the girl. She's cute and petite. Maikli ang buhok pero mas lalo lamang iyon nag pa define sa kanyang mukha.

Camouflage (Querio Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon