"Ikaw, tinatanggap mo ba na maging kabiyak ang lalaking nasa harapan mo?" Tanong ng itim na pari.
"O-" biglang may tumunog na malakas.
"Itigal ang kasal!" sigaw ni mama.
"Ma," tinanggal ko ang kamay ko sa lalaking nasa harapan at lumapit kay Mama, nahirapan pa'kong tumakbo dahil sa suot kong itim na gown.
"Beatrix! Paano ka naka-alis?" Lahat ng mga krono at krona ay nakatingin saamin.
"'Wag na wag niyong gagalawin ang mga taong nasa paligid ko lalo't na ang anak ko!"
"Beatrix, 'yan ang nakatakda sa anak mo, hayaan mo nang ikasal silang dalawa" lumapit ang isang krona saamin.
"Wag na wag niyong gagalawin ang mga taong nasa paligid ko lalo't na ang anak ko!"
"Beatrix, 'yan ang nakatakda sa anak mo, hayaan mo ng ikasal silang dalawa." lumapit ang isang krona saamin.
"Alam ko na kapangyarihan lang ang habol niyo sa anak ko!" hinarangan ako ni Mama, biglang umilaw ang kaniyang kanang kamay at hinarap sa mga taong nasa harapan namin.
"'Wag na kayong lumapit!" hinigpitan ni Mama ang hawak niya saakin gamit ang kaliwang kamay niya.
Nagkatinginan ang mga krono at krona at nagumpisang magbulong ng mga salita.
Nagbubulong sila ng mga sumpa, palakas ang enerhiya na palapit saamin.
"Enerhiya ng Apoy! Pabagahin ang sahig ngayundin!" naging kulay berde ang mata ng aking ina at nagumpisa na akong makaramdam ng yanig ng lupa, nagkataranta ang mga taong nasa harapan namin.
"Tara na!" hinawakan niya ang kamay ko.
"Pigilan sila!"
May nagtangkang lumapit saamin pero bigla nang nagkaroon ng apoy sa gitna, hinila ako ni Mama palabas ng coven-stead.
"Anak bilisan mo!" pumasok kami sa loob ng gubat.
"Nandito kami!" may lalaking nakasuot ng itim na saplot.
"Pa!" agad kong niyakap si Papa.
Bigla kaming nakarinig ng yapak "Nandiyan na sila!" Wika ni Dexie at Erylise na may hawak na lampara.
"Tara na." bumuo sila ng bilog at ako naman ang nasa gitna, nagkatinginan muna sila at sabay silang tumango.
"Teleportes Doyan!"
Bigla nalang ako nakaramdam ng konting lamig at pagdilat ko nasa harapan na kami ng bahay sa syudad. Binuksan ni mama ang gate at tuluyan na kaming pumasok sa loob.
Agad na bumitwin ang dalawang kamay ni Mama at tinaas niya ito.
"Para saan 'yon" bulong ko kay Dexie.
"I think protection 'yan para hindi tayo matrack ng Coven" bulong pabalik ni Dexie.
"Tara na?" ngumiti si Mama at Papa saamin, at tuluyan na kaming pumsok sa loob ng bahay.
Nauna akong pumasok sa loob ng bahay nang may sumigaw.
"Lily!" pagkatalikod ko nakita ko si Dexie at Erylise na nakahalandusay sa sahig.
"Ma, Pa. An-Anong ginawa niyo" utal-utal kong wika.
Biglang nagbago ang kanilang mukha "Sin-Sino kayo?" Napaatras ako.
Ngumit silang dalawa "Irresponsableng babae ka Lily,"
Bigla nalang nila ako ginamitan ng kanilang mga majika, napatalbog ako sa pader at humigpit ang dibdib ko. "Kung ayaw mong ikasal, tatapusin ka nalang namin." Bigla nalang nila akong sinaksak gamit ang isang kahoy.
Napabangon ako sa higaan ko, Hingal na hingal, namumula na ang kamay ko dahil sa kadenang nakagapos.
"Bangungot lang,"
Tinignan ko ang harapan ko at may papasok na dalawang babae.
"Halikana at ikakasal kana," Hinila ako ng dalawang babae, ginamitan nila ako ngkanilang majika papunta sa lugar na hindi ko alam, pero sa palagay ko nasa bundok ito, hindi ko nga lang mapagtanto kung saang banda.
"Ayusin mo, huwag kang gagawa ng hindi tugma sa plano." bulong saakin ng isang krona.
I walked at the aisle habang suot ang puting dress ko, pero habang palapit ako ng palapit sa harapan nagiiba ang kulay nito, dahan-dahang naging kulay itim ito. Gusto kong humingi ng tulong sa pamilya ko ngunit kinulong nila.
Hindi ko kilala kung kanino o kay sino ako ikakasal, I was being forced.
Isang hakbang nalang papunta sa harapan ng bigla nalang kumulob ng sobrang lakas at may kumidlat na sobrang liwanag.
Mas dumilim ang paligid at dahan-dahang palapit sina-.
Biglang umulan ng mga apoy, agad akong napailag. Tumangla ako at nakita ko si Erylise na lumilipad, todo-todo sa pagtapon ng apoy sa paligid.
"Miss me!" Tumawa ito ng sobrang lakas.
Napayuko ako nang nakita kong may papatama na apoy sa itaas, tinakpan ko ang ulo ko gamit ang aking kamay at nanalangin na sana hindi ako mamatay sa kabalastugan ni Erylise.
Pero bigla ako nakaramdam ng anino at napakalakas na tunog "Erylise, nawindang ka na ba!" Sigaw ni Dexie na tinakpan ako.
"Sorry Insan," bumaba si Erylise.
"Okay kalang ba Lily?" Nag-aalalang tanong ni Dexie.
"Ayos lang, sa-salamat. Nasan si Mama?" Agad na tanong ko pero tinuro niya ang nasa giliran gamit ang kaniyang labi kaya tinignan ko ang tungo nito.
"Ma" bulong ko. May kadenang sira pang nakasabit pa sa kaniyang dalawang kamay, at palapit siya saamin.
Tumakbo ako palapit sakanya at niyakap agad "Ma, paano ka nakawala?" dahan-dahang tumutulo ang luha ko.
"Mamaya na ako magpaliwanag anak, importanteng makaalis tayo dito ngayon." Hinila niya ako pero nasa likuran na namin, nakabantay ang isang pamilyabg dumukot saakin at kumulong sa pamilya ko.
"Levisio." bulong ni Mama
"At saan naman kayo pupunta?" Tanong ng isang matandang lalaki at nasa likuran niya ang kaniyang asawa at ang anak nila.
"Huwag kayong lalapit!" umilaw ang kabilang kamay ni Mama.
Bigla namang tumakbo palapit si Dexie at Erylise para humarang.
"Ganyan na ba ang pagtrato niyo sa kataas-taasang minester? Kaya niyo na bang tapatan ang kapangyarihan ko?" Sarkastikong wika ng lalaki.
"Umalis na kayo at hayaan niyo na kami." malamig na sabi ni Mama.
"Sa tingin niyo hahayaan namin kayo?" Tumawa ang babae.
"Manahimik ka Palmora!" Putol ni Mama.
"Hindi ako magdadalawang isip na makipaglaban sainyo" Umatras ako--- kami.
"Holastos Erumumuk Selionos!" Biglang sunod sunod ang kidlat na dumating. My Mom's face is somehow creepy.
"Huwag mo nang tangkain Beatrix!" Tinaas ng kataas-taasang minister ang kaniyang kamay kaya umilaw ito sabay pagwala ng mga kidlat na ikinagulat naming lahat.
"Kostur Livernum!" Erylise casted a spell kaya nasabugan ang mga taong nasaharapan namin.
"Tara na," tumakbo kami pero agad namang natumba dahil sa enerhiyang tumama sa likuran namin.
"Mga taksil!" Tunawa ito "Dahil diyan, aalisin ko ang kapangyarihang ibinigay sainyo, bilang isang minister ng mga Krono at Krona tinatangkili kong kunin ang kapangyarihan ng mga taong nasaharapan ko, isinumpa kong maibabalik lang ito kapag nasunod na ang nakasulat sa libro!" Lumiwanag at umusok ng itim ang kaniyang baston.
Biglang lumiwanag at nakarinig ako ng sigaw nina Mama, Erylise at Dexie. Pero--- pero agad itong natigil dahil bigla nalang sumulpot si Papa sa harpan namin at tinakpan kami gamit ang kaliwang kamay niya. There was a white orb that shielded us. Tinuon niya ang kanang kamay niya saamin "Teleportes Doyan!"
-
-
-
-PUTI
BINABASA MO ANG
Cast of Spell [COMPLETED]
FantasyA magic that demands darkness. You can be one of them if you offer yourself to the underworld, by the power of the demon. A secretly born witch who crosses the land of mortals, she was destined to be the bride of the green blooded warlock to bring b...
![Cast of Spell [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/252837563-64-k598841.jpg)