"Sinabihan ko na nga si Tita na 'wag masyadong lumabas"
"Yeah, knowing that they won't stop chasing us until we die"
"Tsk"
Tahimik lang ako habang si Graychel at Denzel ay naguusap sa harapan. Tinuon ko ang paningin ko sa bintana at tinignan ang mga dinadaanan naming puno.
Tahimik lang ako habang nagbibiyahe, hindi pa naman gaano nagtagal it's been thirty five minutes.
Hindi ko alam kung ano ang iniisip ko at tumingin ako sa harapan. Agad kong tinuon ang mata ko sa rearview mirror ng sasakyan. At nakita ko ang mata niya, his eyes were almond brown, 'di ko lang alam kung paano niya naiiba ang kulay n'on. Dati kasi kulay pula iyon. The answers can only be answer by them.
While I was observing his eyes hindi ko inakala na titingin rin pala siya sa rearview mirror. Our eyes met for a couple of seconds at agad na akong umiwas ng tingin.
Gosh why do I feel like kakagatin niya ako at any moment.
Sumandal ako sa bintana habang ang tingin ay nasa upuan sa harapan ko. I want to sleep, okay lang naman siguro diba?
"Denz please stop gosh! Hindi ko na talaga matiis, sobrang sinag ng araw masakit sa mata" Graychel exclaimed when I was about to close my eyes
Pinarada ni Denzel ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "You're already wearing a shades" ani niya
"Gusto kong matulog. Pero yung sinag talaga ng araw tumatagos sa salamin ko" reklamo ulit ni Graychel
"What do you want me to do? Magrituwal para umulan?" Humarap na si Denzel kay Graychel
"You're not helping. Lily" tawag ni Graychel kaya napaupo ako ng tuwid
"Yes?" I asked
"Pwede bang change tayo ng seats? I also want to kay down. If it's okay?" Tumingin si Graychel saakin tilang hinihintay ang sasagutin ko
Tumikhim ako "S-sige" I mean I don't have any chance, pinaskaay na nila ako sa kanilang sasakyan
Pagbaba ko ay dumiretso na agad si Graychel sa likod. Nagpoprotesta ang mga paa ko kung papasok ba ako knowing na mas lalapit ako sakanya.
I sighed and at the end umupo nga ako sa front seat sa tabi. Tumingin muna siya sa likod at tumingin din saakin.
"Seatbelt" utos niya
"Ay! okay" nataranta kong sinuot ang seatbelt
"You okay there?"
"Oo-" napahinto ako at tinignan siya. He was asking Graychel
"Yes, finally" tinignan ko rin si Graychel on the other side at nakahiga na ito with her sunglass on her eyes.
Ilang segundo ang lumipas ay bumalik na rin kami sa pagbibiyahe. Tama nga si Graychel masyadong masilaw dito banda sa kinauupuan niya kanina. The silence was so deafening parang na estatwa ako, hindi ako gumagalaw pati na rin ang paghinga ko ay parang limitado.
I don't know what to feel, ba't ba ako kinakabahan?. Gosh his strawberry scent is strong
"You're sweating. Is it hot?" Agad lang ako bumalik sa modo nang tinodohan niya ang aircon ng sasakyan. Ngayon ko lang nalaman na pinapawisan na pala ako.
"Ha? Wala 'to" pinunasan ko pawis na namumuo sa noo gamit ang likod ng kamay
"You can sleep if you want. Though medyo masinag nga lang, Graychel was so inconsiderate" sabi niya habang ang mata ay nasa daan parin
"Hey I can still hear you" sagot ni Graychel sa likod
"Don't worry, hindi pa naman ako antok" sabi ko at tumingin sa bintana. Ilang minuto lang ako nakatingin doon nang dahan-dahang bumababa ang mga mata ko.
Halos mapamura ako nang naramdaman kong bigla bumababa ang ulo ko. Agad akong tumuwid ng upo
I looked at him at sa harap pa rin naka tuon ang kaniyang paningin. His side profile is somehow... Average? I mean it's close to perfection
Rose pale lips, matangos ang ilong, eyes were shimmering. Mukhang favorite ata siya ng diyos nila. And lastly, his jaw was bulging, maganda ang hurma nito.
I stared at him while he's still busy looking at the road. Ilan ba ang mga coat nito? Meron pa ba siyang samit bukod diyan? I never saw him wearing different kinds of clothes. Parating itim na coat at slacks ang suot nito. Marunong ba 'to maglaba? Do vampires know how to do laundry?
I noticed that he tucked his lower lip inside at tumikhim ito. Bigla niyang tinuon ang mata niya saakin kaya dali dali akong humarap. Did he noticed? Ganon ba katagal ang pagtitig ko sakanya kanina?
Tumingin ako sa bintana at ilang segundo palang ang nakalipas ay hinayaan ko nalang na lamunin ako ng antok hindi na nagprotesta sa pagpikit ng aking mga mata.
Nagising nala ako sa lamig ng paligid. Nagulat ako nang nakahinto na ang sasakyan, tinignan ko ang paligid at mga puno at cottages na ang nakikita ko. Wait so nakarating na kami? Ganon katagal ang tulog ko? Tinignan ko ang backseat at wala na rin si Graychel doon. 'Di ako nagdalawang isip na hininaan ang aircon dahil sobrang lamig talaga.
Bumaba ako at nakita ko na nakaparada na rin sa tabi ang dalawang van. Nahagip ng tingin ko si Denzel na nakatayo malapit sa puno habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa. Katabi niya si Lorcan at ang isang driver.
Sobrang puti talaga nila dalawa, kung hindi ko lang alam na mga bampira 'to baka mapagkamalan ko na silang mga taga estados unidos.
Kung ano ka pula ang labi ni Graychel ay ganon naman ka putla ang kay Lorcan.
"Nasaan sila?" Tanong ko agad
"Nandoon" turo niya sa isang bahay na may signage na front desk area, tumingin ako doon at nakatayo nga ang iba naming kasamahan
"Ba't hindi niyo ako ginising?" Ani ko
"I'm sorry, you're snoring. Graychel said na 'wag nalang daw muna kitang gisingin. Don't worry kakarating lang naman natin 5 minutes ago" Halos mamula ako sa sinabi niya, humilik ako?
"Please open the trunk" umalis na kaagad ako sa harapan nila bago pa ako lamunin ng kahihiyan. Dumiretso ako pabalik sa sasakyan niya at tumayo sa harapan ng trunk.
Sumunod rin siya at dumiretso sa driver's seat, agad na bumukas ang trunk at tinaas ko iyon para makuha ang maleta ko. Iyon nalang ang gamit na naiwan sa loob.
"Ako na" akma ko sanang kukunin 'yon pero nauna na niyang agawin. Sinarado niya ang trunk at nauna nang maglakad papunta sa front desk. Nilingon niya muna si Lorcan at ang isa pang driver at tinanguan. Agad naman silang sumunod kay Denzel na papuntang front desk dala dala ang maleta ko.
-
-
-
-PUTI
BINABASA MO ANG
Cast of Spell [COMPLETED]
FantasiA magic that demands darkness. You can be one of them if you offer yourself to the underworld, by the power of the demon. A secretly born witch who crosses the land of mortals, she was destined to be the bride of the green blooded warlock to bring b...
![Cast of Spell [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/252837563-64-k598841.jpg)