/04/ Skill

70 5 1
                                    

"Aray ko po" napangiwi ako sa sobrang sakit ng katawan ko sa pagkatumba

"Sorry nak" tumawa siya at tinulungan akong tumayo, nang nakatayo na ako agad na hinampas ni mama si papa

"You need to improve your flexes, just to be sure and in case" tinignan ko si mama at nag-aalala ang kaniyang expression sa mukha

"Pero-pero ayaw ko" reklamo ng aking mga bibig "Ma" tinawag ko si mama pero tumango lang siya ng mahinhin

"It's for your own good, we'll enroll niyo once you turn 18" hinawakan niya ang mga balikat ko

"Pero-"

"Okay na 'yan insan, mag e-eighteen ka naman next year diba?" Tinaas taas ni Erylise ang kaniyang kilay

"Sige, ano ba ang dapat gawin?" Tanong ko sakanila

"You'll see tomorrow my daughter" ngumiti si pap na mapang-asar at umalis na sa harapan ko, dumiretso kami sa hapag at pinagpatuloy ang pagkain

"Hayyy" pagpasok naming tatlo sa kuwarto ay agad akong humiga sa kama, hindi parin ako nakakamove on sa nangyari kanina.

Hindi ako makapaniwala na may bampira talagang nabubuhay. Well kami ngang mga krono nag eexist bampira pa kaya.

"Hoy!" Ginulat ako ni Erylise "Kanina kapa nakatulala diyan" dugtong niya

"Ano ba kasi 'yun?"

"Wala, sabi ko matulog kana. Parang lulutang kana sa kakaisip diyan" agad na umalis si Erylise sa harapan ko

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Dexie

"Oo naman, kayo dapat ang tatanungin ko. Okay lang kayo?" Tinignan ko sila dalawa ni Erylise

"Oo naman, medyo matamlay lang ng konti" ngumiti ng malawak si Erylise

"Maitanong nga insan, ba't gusto mo mag aral? Ba't gusto mo maging chef?" Agad silang sumeryoso

"Napanaghinipan ko kasi kanina, may isa akong restaurant at ako ang chef doon. Kaya naging interesado ako" tumango tango lang silang dalawa

"Excited na'ko sa gagawin ni tito sayo bukas, so mysterious" pumalakpak si Dexie, kaya tinignan ko siya ng masama

Hindi ko na sila pinansin at natulog nalang, I can still see the fangs and the smell of blood in his mouth. Kung hindi ako naabutan nina Papa ano na kaya ang nangyari saakin?

***

"Nak gising na" inalog-alog ni papa ang pisngi ko. Agad ko naman minulat ang mga mata ko. Nilingon ko ang bintana pero madilim pa naman

"Tumayo kana diyan" utos niya

"Anong oras na po ba?" Tanong ko

"Alas kuwatro ng madaling araw"

"Po?!!" Gulat kong sabi, anong oras palang naman. Ba't sobrang aga

"Wag ka ng mag reklamo at magbihis kana" agad akong tumayo at binuksan ang isang closet sa kuwarto. Pagbukas ko, nandoon ang mga damit ko dati nung nasa lumang bahay pa kami nakatira.

Hindi na ako naligo at agad na sinuot ang jogging pants na maitim at jacket na grey, sinabayan ko rin ng rubber shoes na puti at tinali ang buhok ko.

Pagkalabas ko ganon din ang suot ni papa, naka itim na jaggers at tshirt. Sinuot niya rin ang sumbrero niya.

"Tara na" hinawakan ng dalawang kamay niya ang balikat ko at bumulong "Teleportes Doyan"
Bigla ako nakaramdam ng lamig at nakatayo na kami ngayon sa tuktok ng isang bundok.

"Nasaan tayo pa?" Tanong ko at tinignan ang view

"Nasa itaas ng bundok malamang" sagot niya

"Foxfit po ba 'yan?" Tinuro ko ang mga bahay at mga gusali sa harapan namin at tumango siya, napakaganda ng aerial view ng town, nakakamanga kahit hindi siya masyadong kita

"Tara na" nilingon ko siya at lumayo siya saakin ng dalawang metro, nag snap siya at agad na may isang kahoy na sumulpot sa kamay niya, nag snap siya ulit at may kahot rin na sumulpot sa kanang kamay ko

"Aanhin po 'to?" Tanong ko pero hindi siya sumagot, bigla niya nalang akong inatake gamit ang kahot na hawak niya. Pinigilan ko naman ito gamit ang kahoy na hawak ko.

Ang bigat

At hindi ko na kinaya, napatumba ako sa lupa.

"My, my. My daughter you need to improve, paano nalang kung wala na kami. Sino magpoprotekta sayo?" Lumapit siya at inalalayan ako gamit ang stick niya.

"I won't let you loose then" agad akong tumayo at kinuha ang kahoy na gamit ko

"Bring ito on, father" I smiled at hinawakan ng maagi ang kahoy na nasa kamay ko

Umatake siya una malapit sa leeg ko at hinaranagan ko 'yon, sinunod niya inatake ang bewang ko pero nasundan ko naman agad 'yon. Hindi ako sanay na nakikipaglaban sa ama ko, nakakaramdam na ako ng hingal at pagod pero kinaya ko iyon.

Tinangka niyang hampasin ng kahoy ang bandang ulo ko pero nadepensahan ko agad ito. Pero nandoon parin ang lakas niya kaya napaluhod ako. Nakarinig ako ng tunog ng crack at bigla nalang naghiwalay ang kahoy na hawak ko, saka ko napagtanto na putol na pala ito.

"Now you're dead" tinuon niya ang kahoy niya sa leeg ko

"Ang daya, putol na 'yung akin" pinakita ko sakanya ang putol na kahoy

"Then try to improvise, maximize it if you can. As long as pwede mong magamit laban sa kalaban, you can win the fight. Tandaan mo 'yan Lily" payo niya

"Aye aye, Master Greg" kumunot naman ang noo niya nung narinig niya ang pangalan niya

"Loko" agad niyang ginulo ang buhok ko

Nagpanhinga muna kami dahil nakaramdam na ako ng pagod, at gusto ko rin tignan ang sunrise mula dito sa tuktok ng bundok. I wonder saan kaya nakatago ang mga bampira ngayon? Marami-rami kaya sila?

I want to be a normal human being that can defend myself and my love ones towards those creatures. I want to defend them without relying on magic.

"Pa" tawag ko, pero nakatingin lang ako sa harapan at inoobserbahan ang pag-angat ng araw

"Hmm?" Sagot niya, nakatingin rin siya sa harapan

"Promise me, we should stop using our powers anymore, let's start a new life, leaving behind the dark magic" I said

"That sounds impossible, pero subukan ko. Para sayo, anak ko" agad akong lumapit sakanya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.

He is the man whom I trusted the most. Gagawin ko ang lahat to protect them from our coven and I will do anything just to protect them from vampires.

-
-
-
-PUTI

Cast of Spell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon