I winced, minulat ko ang mga mata ko. Malakas pala ang ulan, bumaba ako para uminom ng tubig binuksan ko ang ilaw at bumungad kaagad saakin ang wall clock. Alas dos palang ng madaling araw, nagtungo ako sa kusina para kumuha ng mainom. Matapos kong mainom ang tubig aakyat na sana ako ng biglang may kumatok sa pintuan. I paused, biglang bumilis ang tibok ng puso ko
Hindi ko namalayan na kusa palang gumagalaw ang mga paako patungo sa pintuan, my hands are shaking as I grab the doorknob, pero bago ko pa tuluyang mabuksan ay may humampas na sa kamay ko
"Lily! Anong ginagawa mo?" Tinulak ako ni Mama palayo, humarap siya saakin at nasa likod na niya ang pintuan. She's wearing her usual silk night gown
"H-Hindi ko alam" I shake my head
"Alam mo bang delikado ang ginagawa mo-"
"Ma" Nanginginig ulit ako, nakita ko ang baso na may tubig at asin sa gilid ng pintuan, and it's all.... empty
"Ma" nanginginig kong tinuro ang baso, isa lang ang possibleng mangyayari
"May gustong pumasok" bulong ni mama. Tinignan ko ulit ang baso at asin nalang ang meron, suddenly biglang umusok iyon
"Ma, kailangan na natin gisingin ang iba, umuusok na. Hindi ito maganda"
Kapag nawala ang tubig sa basi at nagumpisang umusok ang asin, ibig sabihin may gustong pumasok na hindi maganda ang intention
"Sige gisingin mo ang iba" umilaw ang kamay ni mama at may binibigkas while facing the door. Agad akong umakyat at ginising sila Dexie, Erylise, at Papa. Tumakbo na kami para bumaba
"Tita tulungan na kita" umilaw na din ang kamay ni Dexie pero bago pa kami tuluyang makalapit kay mama ay nagbukas na ang pintuan
I saw them
Pumasok ang malakas at malamig na hangin, may mga taong nakabalot sa tela na nakatayo sa pintuan
"Ma!" Tumakbo kami palapit pero agad na hinatak na siya ng mga kulto, tumakbo si papa sa may drawer at kinasa ang baril, pero bago niya pa mapaputok ang baril ay naglaho na sila, naiwan ang itim na pulbura sa sahig
I was left there, dumbfounded. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin namin
"Dito lang kayo, wag na wag kayong lalabas. Hahanapin ko siya" nagsuot ng itim na sumbrero si papa at nilagay sa bulsa ang baril. Sinara niya ang pintuan kaya sinilip ko siya sa bintana.
Pagkasailip ko nahuli ko siyang nakatuon ang palad sa pintuan, may binigkas siya at agad na tumunog ang lock saka siya tumalikod at lumabas
"Hindi hindi" Sinubukan kong i-unlock ang pintuan pero hindi gumagalaw, sobrang tigas ng lock
"Hindi pwede" I started to cry, hindi parin bumubukas ang pintuan, gusto kong lumabas at hanapin si mama, I started to punch the door hoping na mabuksan pero nagumpisa nang dumugo ang kamay ko hindi parin nagbukas ang pintuan
"Lily ano ba" hinila ako ni Dexie at Erylise palayo sa pintuan
"Kailangan natin silang hanapin" tumayo ako galing sa pagkaupo "Diba hahanapin natin sila?" I asked them, yung mga mukha nila puno ng pagaalala
"Oo hahanapin natin sila, pero please huminahon ka muna" Sabi ni Dexie
"Hahanapin natin sila, pangako" niyakap ako ni Erylise
Naghintay kami ng ilang minuto bago ako kumalma, patuloy parin ang pag bundak ng ulan at hindi parin nakarating si Papa
"Ano ba ang ginamit ni tito ba't hindi natin maabuksan ang pintuan" sinipa ni Erylise ang pintuan
![](https://img.wattpad.com/cover/252837563-288-k598841.jpg)
BINABASA MO ANG
Cast of Spell [COMPLETED]
FantasyA magic that demands darkness. You can be one of them if you offer yourself to the underworld, by the power of the demon. A secretly born witch who crosses the land of mortals, she was destined to be the bride of the green blooded warlock to bring b...