/05/ 18th Birthday

83 6 2
                                        

Inakyatan ko ang balikat ni Erylise at tumalon, saka ako nag ikot at bumaba sa likuran niya. Sinipa ko ang tuhod niya kaya siya natumba.

"Aray, anduga. Malakas ka" reklamo niya

Tumawa nalang ako at inalalayan siyang tumayo. Alas sais na kaya matapos namin magpahinga sandali ay bumalik na kami sa bahay.

"Ma, pa? Nakabalik na po kami" medyo nilakasan ko ang boses ko para marinig nila, pero nananatiling tahimik parin ang bahay

"Umalis ba sila?" Tanong ko kay Erylise

"SURPRISE!" Nagulat ako ng bigla silang nagpakita sa harapan ko. Kumanta sila ng happy birthday at dahan-dahang dinala ang cake na may nakasinding kandila. As expected hugis heart ang cake at kulay pink dahil bukas ay Valentines Day na.

"Make a wish" sabi ni Mama kaya pumikit ako saka ko inihipan ang kandila. I just wished na walang mangyaring masama sa mga taong minamahal ko. Lalo na't Friday the 13th ngayon, I don't know if this is a bad luck or may paparating palang.

Sana nga wala

Agad naman silang pumalakpak matapos kong ihipan ang kandila. Umupo kami at sabay nag breakfast. Cake for breakfast, unique

Excited na'ko, dahil 18 na ako it means papasok na ako this year, ano ba ang kailangan gawin para maka enroll sa paaralan?

We've been living like a human

Sort of

After kong sabihin kay papa na gusto kong mamuhay kami na parang ordinaryong tao, inanuncio niya ito kina mama at pumayag naman sila. Pero si mama kasi gumagawa ng potions and charms and sa pagkakaalam ko kailangan ng majika para
do'n and nagteteleport rin kami everytime pupunta sa bundok kapag mag eensayo, kaya I can't really say na we're living like a human full time.

Speaking of potions, nilalayuan ko si mama everytime na gumagawa siya no'n. Paano kasi ginagawa niya ako bilang tester. Literal na pina-painom niya 'yung mga ginagawa niya and I might say na hindi maganda ang lasa. It taste horrible kaya nung last time na pinainom niya ako nagkunware akong nawalan ng malay, and from that time si Erylise na ang pinapainom niya.

I'm not being evil, It's a strategy. Kaya kailangan ko ng mag-aral para marami pa akong matutunan.

Si Papa nagreready na para pumasok sa trabaho bilang isang Taxi Driver dito sa foxfit at si mama naman minsan nagpapa-tarot reading sa may palengke.

At kaming tatlo naman, I'm referring to Dexie, Erylise and myself... ay pabigat lamang.

Minsan pumupunta kami sa bundok para magtrain at minsan tinutulungan ni Dexie si mama na humanap ng ingredients for potions and si Erylise ay umuuwi kina Tita Aryela at Tito Klenton.

Matapos namin kumain ay naligo ako at humiga, nag-iisip kung anong pwedeng gawin, pero gusto ko ulit mag ensayo sa bundok

"Erylise, punta ulit tayo sa bundok" sabi ko

"Ha?!" Gulat niyang tanong "Kakagaling lang natin do'n diba, kaya mo na mag isa 'yan. Matanda kana" agad ko siyang iniripan

"O sige paano" sabi ko

"Sabihin mo lang ang spell" utos niya

"Ano nga 'yon?" Nilagay ko ang kamay ko sa baba ko "Ah... Teleportes Doyan" pero walang nangyari

"HAHAHAHAHAH" humalagpak na tawa ni Dexie

"Hindi panga pala nag compact" sinabayan rin na tawa ni Erylise

Cast of Spell [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon