"Magandang umaga Chef. Lily gusto ka nga pala kausapin ni Mr. Gutierez regarding sa catering" tinanggal ko muna ang cap at aapron na suot ko tsaka lumabas ako ng kusina para kitain ang taong maglapa cater saamin.
"Good morning" bati ko agad sa lalaking nakasalamin at blue long sleeve na nakaupo
"Please, take a seat" inalok niya ang bakanteng upuan sa harapan niya. Umupo ako roon para makausap siya
"Yes, sir? Meron po bang changes sa nirequest ninyong food for the catering?" Tanong ko
"Ah yes, gusto ko sanang padagdagan ng dessert, no need to change the meals" request niya at kinuha ko ang notepad at ballpen sa bulsa ko at sinulat 'yon
"Ano pa po sir?" Tanong ko matapos ko masulat
"This is your restaurant right?" Nilibot niya ang ulo niya sa interior ng restaurant
"Yes sir" ngumiti ako
"I would like to be one of the investor sa restaurant mo, I'm already confident that your meals will be a good quality"
Hindi ko mapigilang kiligin at ngumiti "Thank you sir, I would like to invite you to a dinner here at my restaurant later, for the contract and meeting" sabi ko
"My pleasure" he offered his hands at tinanggap ko naman 'yon.
"But—"
"Lily, anak gising na" dahan dahan kong minulat ang mata ko, at nadatnan ko si papa na ginigising ako.
"Gising na anak" ngumiti siya "kakain na" dugtong niya
"O-opo pa" tumayo ako at direktang pumunta sa CR. Pagbalik ko ng kuwarto agad konh hinampas ng unan ang dalawang natutulog.
"Gising na kayo!" Hindi pwedeng ako lang ang maputulan ng panaghinip
"An-Ano ba!" Protesta ni Erylise,
"Gumising kana!" Hinampas ko ulit siya ng unan
"Oo na" tumayo siya agad. Tinignan niya si Dexie at sunod na tumingin saakin. Sabay kaming tumango at sunod sunod na hinampas si Dexie.
"What the- ano b- aray-aray" tinakpan ni Dexie ang mga mukha niya gamit ang kamay niya.
"Bleh bleh" singit mi Erylise
"Enough!" Bigla kaming lumutang sa itaas, tinitigan kami dalawa ni Dexie
"Dexie, ibaba mo kami!" Utos agad ni Erylise
"Hoy! Biro nga lang. Paki baba kami please" hindi ko magawang tumingin sa ibaba
"Dexie! Isusumbong kita kay tita Beatrix!" Biglang pinikit ni Dexie ang kaniyang mata at bigla kaming napahaplak sa sahig.
Matapos kaming ibaba biglang nanghina si Dexie kaya agad namin siyang inalalayan pabalik sa kama niya.
"Kanina ko pa kayo tinatawag na kumain ba't hindi pa kayo bumaba-" biglang napatigil si papa nung nakita niya si Dexie na walang malay.
"Lily, tawagin mo si mama mo" agad kong sinunod ang utos ni papa at diretso kong tinawag si mama.
Sabay kami ni mama umakyat at pagpasok namin ay nandoon na si Auntie Vixen
"Anong nangyari?" Nagaalalang tanong ni mama
"She uses her powers" maikli kong sabi
"Malala na 'to, kailangan ninyong maibalik ang lakas niyo. Nanghihina na kayo" tugon ni Auntie Vixen
Gumising si Dexie at agad namin siyang tinanong.
"Ayos kalang ba?" Tumango lang siya
"Dexie, maaring 'wag mo munang gamitin ang lakas mo hanggat maari" mahinhin na sabi ni Auntie Vixen
Pinapahinga muna namin si Dexie at matapos 'yon ay kumain na kami ng sabay sabay sa ibaba.
Tahimik kaming kumakain hanggat sa nagsalita ako.
"Ma pa" nilingon nila ako
"Pwede ba akong pumasok sa isang paaralan, gusto ko pong mag-aral"
"Ano ba ang gusto mo?" Tanong agad ni Papa
"Chef po, 'yan ang napanaghinipan ko kanina" ngumiti ako
"Hindi"
"Sige"
Sabay wika ni mama at papa
"Huh?" Naguguluhan kong tanong, paano ba yan hindi sila tugma
"Pag-isipan namin" tumawa si papa
"Kayong dalawa anong balak niyo?" Tanong ni Papa kay Erylise at Dexie
"Dito lang po kami tito, hahanap lang ako ng mga ingredients for potions" sagot ni Dexie
"Bibisita lang po muna ako kina mama at papa" sagot naman ni Erylise
"Sige pabati kami-" bigla kaming nakarinig ng malaka na tunog galing sa ibabaw ng bahay
Nagkatinginan kaming lahat at agad na lumabas "Dito lang kayo" agad na lumabas si Papa sa gate at sinundan naman agad ni Mama.
Ipang minuto na ang nakalipas pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag alala. Kaya lumabas ako ng bahay
"Sandali lang Lily, bawal tayong lumabas" saway ni Dexie
"Dito lang tayo insan" sabi naman ni Erylise
"Baka napano na sila" hindi ko sila pinakinggan at lumabas na ako diretso ng gate
"Ma, Pa" tawag ko. Maynaramdaman akong malamig sa likod ko, parang may dumaan.
"Ma, Pa?" Nanginginig na ako.
Nilingon ko ang likod ko at bigla nalang ako hinatak dikit sa pader, isang lalaking pula ang mata at may pangil. Bampira
"Bi-Bitawan mo'ko!" Pero mas diniinan niya ang pagsakal saakin
"Tul-Tulong!!" Sigaw ko nilapit niya ang kaniyang bunganga sa leeg ko
"Kustos Elerum!" Biglang napangiwi ang bampira at naging abo na ito. Nakita ko sa likuran si Mama at Papa na umiilaw ang kamay
"Lily, lumapit ka dito!" Agad ako tumakbo palapit sakanila
"Tita!" Agad sunulpot si Dexie sa aming likuran at kumalasag
"Dexie" tawag ni Papa
"Meron pang isa" wika niya
"Pa" pabulong kong sabi dahil sa takot
Tinuro ko ang direksyon kung saan may pulang mata.
"Punta kayo sa likuran ko" palapit siya ng palapit. Agad namang ginalaw ni papa ang kaniyang kamay ng pa circular motion at diniinan ang sa gitna, biglang nawala ang pulang mata
"Tara na sa loob" agad kami pumasok
Nilock ni mama ang gate at may binulong na mga salita, biglang umilaw sandali ang paligid ng bahay. Saka siya pumasok sa loob
"Ayos lang ba ang lahat?" Tanong niya pagkapasok
Tumango ako pati na rin si Dexie. Hinihintay akong pagalitan nina Mama
"Lily"
Pero iba ang narinig ko
"Papayag na kaming pumasok sa paaralan" agad naman bumusilak ang mukha ko
"Talaga ba?" Panigurado ko at tumango silang dalawa
"Sa isang kondisyon"
"Ano po 'yun?" Nagtataka kong tanong
Hindi ko namalayan dahil sa sobrang bilis, nasa sahig na ako, nangngiwi sa sakit ng binti. Sa pagkakaalam ko sinipa ako ni Papa sa may paanan kaya ako naptumba ngayon.
-
-
-PUTI
BINABASA MO ANG
Cast of Spell [COMPLETED]
FantasyA magic that demands darkness. You can be one of them if you offer yourself to the underworld, by the power of the demon. A secretly born witch who crosses the land of mortals, she was destined to be the bride of the green blooded warlock to bring b...
![Cast of Spell [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/252837563-64-k598841.jpg)