I don't even remember how I got back home. The time went fast, ngayon nakatunganga lang ako sa kisame.
Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Denzel. Seryoso ba siya? Or nababasa niya lang ang isip ko kaya napilitan siyang gawin iyon.
"May I court you?"
Agad ako nagpalit ng posisyon sa higaan, tinakpan ko ng kumot ang buong katawan ko. Bakit ba kasi hindi ako dinadalaw ng antok!
Sinubukan kong matulog at sa kabutihang palad nahampas narin ako ng antok.
"Ikaw ha. Anong oras kana umuwi kagabi?" Bungad na tanong ni Dexie sa kusina, meron kape sa harapan nila
"Don't even ask"
"Nako insan pagbutihan mo ang paglandi kay Denzel. Noong bata pa-"
"OA mo kaya wala kang jowa kasi matanda kana" Tumawa kami ni Dexie
"Ano ka! 26 palang ako no" kinuha na ni Erylise ang kape niya. Tinignan niya muna kami ng masama ni Dexie bago lumabas ng bahay.
'Di nagtagal dumating na rin si Magnus. He scolded me for the summoning I did yesterday, eh anong magagawa ko nagbabaga na si Denzel.
"Nako nako. Sobrang abuso mo gumamit ng majika. Remember Lily, too much usage of everything will not cause good" kinatok niya ang ulo ko kaya iniripan ko siya dahil sa sobrang sakit
"Oo na. But I did not regret" tumalikod ako at hinarap ang magandang view ng Foxfit
"You just ruined the fate Lily. Remember that you are training to become a witch, not a god" he snapped and a paper appeared in his hand. Lumapit ako sakanya para tignan kung ano iyon, akala ko isang spell pero isa itong sulat.
"Binigay saakin ng kortal na krona, galing daw sa Minister. Hindi ko alam kung paano niya ako natunton"
"Si Fiona?" My blood boiled, remembering what she did to... Alice
Tinignan ko ang sulat at agad ko itong nilukot. They will be starting the fight soon, kung hindi ako pupunta sa coven...... Sila ang pupunta dito.
"Anong plano mo?" Tanong ni Magnus
"Give me a time, gagawa lang ako ng plano" I clenched my arm, leaving the traces of my nail on my palm
After namin mag training.. Well it's not kinda training kasi talak lang ng talak si Magnus na akala mo magulang ko. Naligo ako at naghanda na para sa restaurant.
"Good Afternoon Chef" bati ko kay Chef Glenn na nagmimince ng bawang.
"Oh Lily, bakit ka nga pala wala kahapon?"
"There something happened" Totoo naman, meron nangyari hindi nga lang kapanipaniwala sa isang mortal na kagaya niya.
"Ganon ba? Sige paki handa yung balsamic nalang"
"Okay po" kinuha ko ang balaamic sa pantry at binigay sakanya.
"Lily yung pesto paki gawa"
"Yes po Chef" kinuha ko ang cashew sa pantry at isa isa itong binalatan, dinurog ko ito gamit ang mortar and pestle. Nilagay ko ang basil sa food processor at hinintay hanggang sa maging pino ito. I saute some garlic in olive oil and seasoned it with Himalayan salt and pepper, I toss the basil sauce and gridded cashew. Sa huli hinalo ko na rin ang pasta at nilagay na sa serving plate. I garnished it with parsley on top.
Nilagay ko ito sa island para ma serve na, I waited for some orders. Habang nakaupo ako merong pumasok na staff. My heart began to pound, it's either an announcement or someone complained.
BINABASA MO ANG
Cast of Spell [COMPLETED]
FantasyA magic that demands darkness. You can be one of them if you offer yourself to the underworld, by the power of the demon. A secretly born witch who crosses the land of mortals, she was destined to be the bride of the green blooded warlock to bring b...