/47/ Date

19 3 0
                                    

"It's good, you don't need to change" tinignan ni Denzel ang buong katawan ko

"Anong it's good, pangit kaya sige na madali lang naman ito" hinila ko siya papunta ng bahay, wala siyang nagawa kundi sumunod nalang. Palibhasa naka attire siya.

"I'll just wait here" huminto ito sa harapan ng gate. Tumango nalang ako at dali daling umakyat papuntang kuwarto.

Nakita kong nandoon na si Erylise at Dexie nakikinig sa radyo.

"Oh kumain kana?"

"Lalabas kami ni Denzel" binilisan ko ang pag-akyat dahil iniiwasan kong tignan ang mga reaksyon nila. Kinuha ko ang kulay puting dress at sinuot na iyon, nagpabango na rin ako dahil baka amoy kusina na ang balat ko.

Tumingin ako sa salamin at nung napansin kong ayos na ang lahat nagtahak na ako sa baba.

"Enjoy" kumaway sila Dexie bago umalis

"Puti rin naman pala ang suotin mo" lumapit ito saakin, both hands are in his pocket.

"Tara na" naglakad na kami, as usual hindi ko rin alam kung saan niya ako dadalhin.

"Nasaan sina Graychel?"

"Preparing for their graduation"

After that tumahimik ulit kami, nagasalita lang siya nung nasa harap na hami ng isang restaurant. Mukhang magarbo dito, binuksan niya ang pintuan at pinapasok ako. At tama nga mamahalin nga ang kainan na ito. Sobrang liwanag, chandeliers are floating above at marami ring mga tao.

"Denzel Thompson" sabi niya sa greeter malapit sa entrance

"This way sir" sinundan namin ang greeter hanggang sa huminto ito sa gitnang table.

Pinaglayad ako ni Denzel ng upuan. Napaka gentleman man naman nito, matapos kong umupo ay umupo narin ito sa harapan ko. I checked out table at halos matirik ang mata ko sa dami ng kandila at sa dami ng kubyertos. As a culinary student hindi na bago saakin ito pero hindi ako sanay na kumain na paiba iba ang kubyertos na ginagamit.

Pinalakihan ko ng mata si Denzel, his eyes filled with curiosity as he saw mine "Pst"

"What?"

"Magkano ba bayad mo dito? Mahal dito ah"

"You don't need to know that, like what I've said I will court you"

"I appreciate that pero ayaw kong gumastos ka para saakin" hindi na siya nagsalita dahil dumating na ang first meal. Isa itong manipis steak na nakahati sa lima, may kaunting sauce sa gilid

Inumisahan namin itong kainin, I didn't make an impression nung natikman kong sobrang alat nito. Denzel didn't touch his food at tinignan lang ako habang kumakain, the second meal is grilled salmon. Kung ano ka alat ang steak kanina ganon naman ka tabang ang lasa.

I checked again on Denzel at paunti unti niya lang kinakain ang pagkain. Mukhang walang gana

"Ayos ka lang ba?"

"Oo" I know he is not, probably he doesn't like the food. Of course he's a vampire he likes raw.

Tumayo ako at lumapit sakanya, agad naman itong nataranta "Why? You don't like the food? I know a nearby restaurant fine dining din doon nalang tayo" tumayo ito. Pauupuin ko sana siya pero he is stiff like a pole, sana hindi iyon mapansin ng mga tao sa gilid.

"Ayaw mo sa pagkain no?" I smile at him at yumuko lang ito

"Imoortante nakakakain ka, doon nalang tayo sa ibang restauran-"

"But I don't want you to get starve, you don't need to do this for me. I like you, just who you are" I held his chin para maiharap saakin, his eyes were black. He's maybe using different contacts

Cast of Spell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon