Tumalon talon ako at bumalik sa loob ng bahay. Pinuntahan ko si Dexie at Erylise na kumakape sa kusina.
"Tignan niyo" Pinakita ko sakanila ang hawak kong envelope
"Wow. Congrats" Na approved na ang immersion ko sa restaurant na pinasukan ko. Maguumpisa na raw ako bukas ng umaga hanggang sa hapon.
"At dahil diyan ipagluluto kaa namin" Tumayo si Erylise at binuksan ang ref. Ilang minuto kami humintay para humarap siya pero hindi ito kumibo
"Anong nangyari?' Nilapitan ni Dexie
Humarap si Erylise "Wala na tayong stock" Malungkot nitong sabi
"Baka meron pa? sa dulo baka nandiyan pa yan nakasiksik" Pumilit ni Dexie pero wala na talaga laman ang ref kahit itlog
"Paano na yan?" I said. Hindi pa ako makaka kita sa job immersion
"Baka may bakanteng mambubuhat sa pwesto nina aling Estring tignan ko kung pwede pa ako makapasok" Ngumiti si Erylise
"Pwede naman rin na ako mag card reading sa palengke. Tinuruan ako ni Tita" singit ni Dexie
"At ikaw Insan, kailangan mong pagbutihin ang immersion mo" Hinawakan ni Erylise ang dalawa kong balikat
"No. Hahanap rin ako ng pwedeng mapagkitaan. Kaya natin to. Pangako kapag magamit ko na ng husto itong majika na nakapalibot saakin ay ililigtas na natin sila mama" I convinced them
Tinignan ko ang dalawang palad ko
"Someday macocontrol rin kita"
Pinagpatuloy lang namin ang pagkape at pagpatak ng alas diyes ay sasamahan ko si Dexie na mag card reading sa palengke. Kinuha ko na rin ang ibang alahas ni Mama para maibenta iyon.
"Yan ba dapat ang susuotin" tanong ko sa proma ni Dexie. Naka Silk dress ito na abot paa tapos may see through na sarong na nakatabon sa ulo niya. Pinalibutan niya rin ng mga anting anting ang kamay niya
"Oo ganito dapat" naglagay siya ng mga incenso sa bag niya
"Tara na" tumayo ako at umalis. Nagpwesto na kami sa palengke at naghihintay kung sino man ang lalapit. Sobrang ingay kaya nakakalinla
Pinwesto ko na rin ang mga alahas sa mesa para maidislay iyon. Nilagyan ko na rin ang presyo ang bawat isa
"Ineng magkano magpabasa?" Tanong ng isang babae may bitbit pang plastic ang kaliwa niyang kamay
"200 lang po" sabi ni Dexie
"Basahan mo nga ako" umupo ang babae sa harapan namin
"Tungkol saan" tanong ni Dexie habang binabalasa ang baraha
"Iyong asawa ko kasi kakapasok lang ng barko. Sa tingin mo yayaman kami?" Tanong ng babae. Kinikilig pa
Binalasa ulit ni Dexie ang baraha at pinausukan ng incenso
Kumuha siya ng tatlong piraso at nilapag iyon malapit sakanya. Sinimulan niyang i-flip ang isa
"May possibilidad po. Inaatract niyo ng asawa niyo ang kayamanan kaya hindi malabo mangyari iyon" Binaliktad niya ang ikalawang baraha "Ngunit may humahadlang sa kayamanan na iyon hindi natin matukoy kung sino o ano man ito" Binaliktad niya ang panghuling baraha "At maykakaharapin na pagbulgar o paghihirap ang iyong asawa habang siya ay nasa barko"
Agad na nanlalaki ang mata ng babae "Talaga ba? pero sa tingin mo yayaman kami?" Tanong niya
"Opo" ngumiti si Dexie "But remember. The cards, never lies" Kinuha na niya ang bayad sa babae at tuluyan na siyang umalis
"Galing mo ah" binuksan ko ang isang sachet ng chocolate powder at inumpisahang papakin iyon
"Hija magkano 'to?" Tinuro ng isang lalake ang alahas na nakalapag sa mesa
"Ay ayan ho? Nandiyan po ang presyo" tinignan ko ang presyo "4,000 po"
"Ganda. Totoo ba 'to?" Tinignan niya mabuti ang kuwintas
"Oo po"
Pero ang hindi ko inakala agad niya iyon tinakbo. Tinayuan ko at sinundan siya. Binilisan ko ang takbo nong nakita ko na sumisiksik siya sa mga tao na lumalakad sa palengke. Sinundan ko siya at hindi ko inalis ang tingin ko sakanya.
This has to be kidding me.
Nawala siya sa panigin ko. I sighed in defeat. Kung kailan kailangan ko ng pera doon pa ako nakawan. Pambihira
"Psst!" Nilingon ko kung kanino galing iyon. Pero wala akong maynakitaa
"Psst! Here" Tawag ulit. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko siya. His usual outfits black slacks and coat
Hinahawakan niya sa braso ang lalaking kumuha ng alahas ko at ang kabilang kamay niya ay nakapamulsa. Agad ako tumakbo roon at bago ko kinuha ang alahas ko sakanya ay isang malakas na sampal ang binigay ko
"Nasaan na?" Tanong ko
"Pasensya po. Wala po talagaa kasi ako pambili kailangan ko ng pera-"
"Eh paano naman ako?! Kailangan ko rin ng pera tapos ikaw nanakawan mo lang?" tumingin ako sa gilid para kumalma
"Sorry po talga-"
"Ano nagsosorry ka ngayon kasi nahuli ka? Eh paano kung hindi?" I looked at him sharply. Guston gusto kong lamunin na to ng demonyo
Kinapkap ko ang bulsa niya at kinuha ang ninakaw niya. Tinignan ko si denzel at nakatingin lang ito sa gilid pero hawak niya pa rin ang braso ng lalaki.
"Salamat" sabi ko at binitawan niya na ang lalaki. Tumakbo naman ito palayo.
Tinignan niya lang ako at agad nang naglakad paalis. Babalik na sana ako ng may nasagi ang paa ko. Yumuko ako at tinignan kung ano iyon
"Lei?" Ngayon ko nalang siya ulit nakita
"Ba't ngayon kalang nagpakita? Alam mo bang matagal na kitang hinahanap?" Tumakbo ito "Hoy sandali!" sinundan ko siya. Baka kasi kung saan saan nanaman ito lulusot, pero ang hindi ko namalayan nasa loob na pala kami ng gubat. Hinanap ko si Lei at nakita ko siya na huminto sa gitna ng dalawang malaking puno. Hindi ito kalayuan kaya madali ko lang natunton
"Tara na, baka mawala pa tayo" Kinarga ko siya pero ang hindi ko inakala biglang lumakas ang hangin. Tinignan ko ang harapan ko at may bumuo na portal. Hinigpitan ko ng hawak si Lei pero kinagat niya ang kamay ko kaya nabitawan ko siya. Katumbas rin ay na out of balance ako at sa ilang sandali nakapasok ako sa portal na hindi ko alam kung saan patungo.
Hinimas himas ko ang ulo ko ng napansin kong nabagok ito sa bato. Tinignan ko nag paligid at napakunot ang noo ko. Parang pamilyar ito
Isang bayan na puno ng ulap ang kalangitan.
Nagpapakita ang araw at ang buwan
Nagbibigay sanag ang araw
At nagbibigay lamig ang buwan
Ang lugar kung saan matatagpuan ang mga kalahi ko
Ang coven ng mga itim...
![](https://img.wattpad.com/cover/252837563-288-k598841.jpg)
BINABASA MO ANG
Cast of Spell [COMPLETED]
FantasyA magic that demands darkness. You can be one of them if you offer yourself to the underworld, by the power of the demon. A secretly born witch who crosses the land of mortals, she was destined to be the bride of the green blooded warlock to bring b...