/09/ The Warlock

33 5 4
                                    

"Ano ba kasi 'yan?! Dapat kasi hinintay mo muna 'yan tuloy hindi pa luto ang kanin!"

"Ano ba, edi sindihan ulit"

"Hay nako parang hindi culinary!"

Ngumiti lang ako habang tinitignan si April at Blaze na nagbabarahan sa may kusina. Nasa dining kami ngayon ni Claire nagbabalat ng itlog

"Hoy ang ingay ninyong dalawa alas singko ng umaga palang" agad na suway ni Claire

"Ganyan talaga 'yan sila Lily. Hindi nila matiis kapag hindi nila ginagalit ang isa't isa"

Nasa bahay kami ngayon ni Blaze, hindi ko inakala na may pagkalakihan ito

Habang ginagawa namin ang mga nakatakdang gawin ay agad na lumabas ang isang lalaking may balbas at ang edad na sa tingin ko ay early 50's may hawak itong shotgun

Wait. What?!

"Ay, Dad" humakbang si Blaze palapit sakanya

"Mukhang masarap 'yang niluluto niyo ah"

"Ay hello po Mayor" agad na lumapit si April at saka ng mano. Sumunod na rin si Claire at pati ako

"Hello po" ngumiti ako at nag mano sakanya

"Oh an unfamiliar face, bago niyong kaibigan?" He asked

Tumango silang lahat

"Lily po" ngumiti ako ng malapad, he's looks kind kahit mga bata ang kausap niya

"Saan ka nga pala pupunta dad?" I looked down sa hawak niyang shotgun

"Pupunta kami sa gubat, kasama ang mga kaibigan ko. Sige mauna na ako sainyo, ingat kayo sa biyahe" sinuot ni Mayor ang sumbrero niya at naglakad na palabas

"Wag kayong mabigla, he's a hunter"

It suddenly caught my attention at nagtanong kaagad

"Wh-What kind of hunter?" Naptigil ako sa pag deshell ng boiled eggs

"Ah, animals. Sumaaama siya sa mga activities na nag huhunt ng mga wild animals. It's for the safety of the people" bumalik si Blaze sa ginagawa niya, and I sighed, kinabahan ako doon. I thought it was something else

Matapos ang ilang minuto ay natapos na namin i-prepare ang mga pagkain, nagpahatid nalang kami papunta sa driver ng ama ni Blaze papunta sa school, hindi pa masyadong bumubusilak ang araw dahil siguro sa pagiba iba ng panahon dito sa foxfit. Sobrang lamig pa ang hangin

"Dito lang po kuya" agad kami bumaba sa harapan ng school at binaba ang mga pagkain, nagtulong tulong nalang kami para mailabas 'yon sa likuran ng sasakyan

"So let's go?" Agad na wika ni Graychel pagdating ng tatlong van

"Diyan diba tayo sasakay?" Tanong nang isa naming kasama

"Yes" ngumiti siya "Boys, paki lagay ito sa likod" utos niya, kaya agad naman sinunod

Papasok na sana kami ni Claire at April sa loob, pero pagbukas palang namin ng pintuan ng van ay agad na kami inunahan nina Fiona, binanggan niya pa ako sa may balikat.

"This gir-" akmang susugod si Claire pero pinigilan nalang namin

"No it's okay" ngumiti ako at umupo nalang kami sa harapan dahil nauna nang umupo sina Fiona sa likod, sumunod rin si Graychel sa front seat at may suot pang shades, she's pretty parang manika, nagyon ko lang na appreciate ang blonde hair niya, nakakamangha

"This will be a long ride, pumikit muna kayo at magpahinga, alam kong maaga kayo nagising" wika ni Graychel at nag umpisa ng umandar ang van

Tinignan ko lang ang mga bahay at mga gusali na dinadaanan namin, and I might say na maganda ang pag rule ng mayor dahil malinis ang mga daan even thougj napaka chaotic ng mga tao dito marunong naman silang magtapon ng nga basura sa tamang tapunan








Cast of Spell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon