/30/ Bond

19 2 4
                                    

"Guys naka separate ang rooms ng boys and girls, kakakuha ko lang ng mga susi" agad kami napatingin kay Graychel

"Room number 304 and 305 and sa boys and 310 ang sa girls" dugtong niya. Napatingin siya sa kinatatayuan ko, katabi ko si Denzel

Lumapit siya saamin "Guys I want to introduce to you our drivers, this is Denzel and Lorcan my cousins and this is Manong Jovert" Pinakilala sila ni Graychel at halos manginang ang mga mata ng mga kababaihan pagkakita nila kay Denzel at Lorcan, but most of their eyes were on Denzel's

"Where should I put this?" Tanong niya saakin dahil hindi niya pa binababa ang maleta ko

"Diyan lang. Salamat" ani ko at sinunod niya naman

Aalis na sana siya kasama si Lorcan nang biglang may lumapit na babae, I think first year college to siya. She looks very young and she's wearing a cropped black tank top with shorts underneath. Bagay sakanya

"Hi! Denzel right?" Pangunguna niya, her smiles are so genuine

"Yes" yumuko ito para mas makausap ang babae

"I'm Pamela, nice to meet you" nagalahad ito ng kamay at tinanggap naman ni Denzel. Her white cheeks suddenly turned red after Denzel accepted her hand.

Bagay sila

Umalis na kaagad ang babae at lumapit sa mga kasamahan niya, tinignan ko ulit si Denzel and his eyes were on me now. Umiwas nalang ako at lumapit sa mga kaibigan ko

"April!" Tawag ko at lumapit sakanya

"Buti naman nahanap mo kami. Hinahanap ka rin namin" ani niya

"Gusto mo Lily?" Alok ni Blaze sa chichirya

"Nahiya kapa, durog durog na nga lang laman niyan" umirap si April

"Dala ko camera ko guys. Let's take a photo" pinakita ni Claire ang camera niya at inutusan niya ang isang kasamahan namin na sa palagay ko first year college rin na kuhanan kami ng litrato.

Na co-conscious pa nga ako sa suot kong maong na shorts at polo na kulay blue habang ang mga kaibigan ko naka sleeveless.

Conservative ako, wala silang magagawa.

"One, Two, Three. Smile" ngumiti kaming apat sa harap ng camera

"Isa pa" utos ni Claire

"One, Two, Three. Smile" nag wacky kami

"Again"

"Okay"

Ngumiti kami ulit

"Candid" Ani ni Claire

And we posed again

"Last"

Bakit sobrang dami?

After that tinawag na kami ni Graychel para pumunta sa kuwarto. Nagpsalamat muna kami sa kumuha ng litrato. While were heading to the room ay nag s-scan lang si Claire sa kaniyang camera. She looks unsatisfied. Si April naman ay tinitgnan ang paligid ngayundin si Blaze na may hawak hawak parin na chichirya.

Pumasok kami sa building kung saan makikita ang mga kuwarto na tutuluyan namin. May mga staffs na bumabati at ang tanging maririnig mo lang ay ang mga tunog ng mga gulong galing sa maleta namin.

Nasa third floor ang rooms namin kaya sumakay kami sa elevator. Nauna na ang iba kaya medyo kaunti nalang kami.

Pagkabukas ng pintuan ay bumungad saamin ang hallway na sobrang tahimik.

"Sobrang tahimik" pagbasag ni April sa katahimikan

"Oo nga" sagot ni Claire

"Guys dito na room ko" huminto si Blaze sa room number kung saan mags-stay ang boys.

Cast of Spell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon