/26/ Minister

11 3 0
                                    

"Nice! Subukan mong bilisan" pumalakpak si Magnus habang tinitignan akong pinapalipad ang isang gunting.

Agad akong huminto kaya napakunot ang noo niyang tinignan ako.

"Magnus" Tawag ko, heck I won't call him mentor. It will just make him satisfy

"Ano? Ba't ka huminto?" Lumapit ito saakin upang tignan ang kalagayan ko

"Ang hirap mag ensayo dito sa loob ng bahay, hindi malakas ang elements" I said

"Saan mo gusto-"

"Lily- AHHH!! Sino 'yan?!" Napalingon kami ni Magnus kay Dexie na kakababa lang

"Dex calm down" lumapit ako para mapahinahon siya

"Sino 'yan? Andugyot" Nanlalaki ang mata ko sa sinabi niya. Even Magnus was shocked

"Psst" suway ko

"Hoy babae! Sinong dugyot?" Ungas ni Magnus

Crap

"Calm down. Dexie this is Magnus" I said as calmly as possible, ayaw kong nag away ang dalawa

"Ang Magnus this is Dexie, my best friend"

"Bakit nandito siya? Alas diyes na ng gabi. Ba't gising pa kayo?" She looked at me. Parang gusto niyang ako ang mag explain.

Pinaupo ko muna siya sa sofa at inexplain sakanya ang lahat. It took me a while to catch my breathe dahil bawat detalye ay sinabi ko

"Okay na?" I asked nang matapos kong ipaliwanag sakanya ang lahat

"Angas mo ah" nilingon ko si Erylise na kakababa lang rin sa hagdan. Sana narinig niya lahat ng explanations ko. Ayaw kong magpaliwanag ulit

"Kanina ka pa?" Tanong ko at tumango siya

"Bakit nagising kayo?" Tanong ko ulit

"Sobrang ingay niyong dalawa eh" sagot ni Dexie

"Erylise brad" lumapit si Erylise kay Magnus at inalok ang palad. Tinanggap naman ito ni Magnus

"You've mentioned na nandoon sila tita sa coven hindi ba?" Tanong  ni Dexie kaya lahat ng mata ay nasa amin na

"Oo, nakita ko na sila ang nakagapos" I said

"Anak ka nga talaga ng dating kasintahan ng Minister" Nagulat kaming tatlo sa sinabi ni Magnus

"Ano?!" Sabay naming tanong. Puno ng gulat ang aming tono

"Hindi niyo alam? Hehe" napakamot sa batok niya si Magnus. We just stared at him

"Hindi niyo talaga alam?" Ano bang trip nito

"Spill" I said

"Anong sinasabi mo batang dugyot?" Dexie glared at Magnus

"Si Beatrix, ang mama mo ay isang magiting na sorcera dati at dating kasintahan ng Minister na si Levisio. Pero naghiwalay sila dahil dumating ang papa mo" Magnus gasped

"And?"

"Hindi sila pinaalis ni Levisio sa coven. Dahil buntis na si Beatrix at baka mapahamak ang bata kung aalis sila. Long story short hindi nila alam na nasaktan si Levisio at sinulat sa libro ng propesiya na ikakasal ang kanilang anak sa isang krono na may dugong berde. At ang anak na tinutukoy nila ay ikaw, Lily" silence filled the room

"Sinong krono?" Ulit kong tanong

"Walang nakakaalam" ani Magnus

"Wala ba kayong nakita noong dinukot nila ako 5 years ago?" Binaling ko ang tingin kina Dexie. Kumakapit na sana naalala nila ang eksenang iyon

"Hindi masyado. Matapos kaming kuhanan ng majika ng Minister biglang nanlabo ang mga ala-ala ko tungkol doon. Ikaw Dex?" Sumandal sa pader si Erylise

Tinignan namin si Dexie at bakas sa kaniyang mukha na may ina-alala siya "Hindi rin"

"Isa 'yan sa rason kung bakit hindi ninyo basta basta kinakalaban ang Minister. Masyado siyang mapanganib at malakas" tumayo si Magnus

"Aalis na ako. Bukas nalang ulit ng umaga tayo magkita" ngumiti siya ng matipid saamin. Tumayo na rin kami para ihatid siya sa gate

"Salamat" sabi ko bago siya tuluyang naglakad palayo hanggang sa mawala na siya sa pangingin namin

Kinabukasan ay umaga ako nagising dahil umaga rin dumating si Magnus. Alas sais palang kumakatok na siya sa gate kaya pati na rin sina Erylise ay nagising.

"Ba't ba ang aga nito" bumaba ako ng kuwarto dahil bubuksan ko siya ng gate.

"Sobrang aga-" hindi ako nagpatuloy dahil nanlalaki ang mata ni Magnus nang nakita ako

"Bakit anong masama-" napapigil ako at agad na pumasok sa loob. Nakalimutan kong nakasuot lang pala ako ng sando na puti at shorts. Dali dali akong pumasok sa kuwarto at nagbihis. Pagkatapos kong magpalit bumaba na agad ako para kausapin siya.

"Sorry about that" nakaramdam ako ng awkward

"Ba't ba kasi ang aga mo" protesta ko

"Hindi mo naman sinabi kung anong oras. Malay ko ba" iniripan niya ako

"Sandali lang maliligo lang ako" padabog akong umakyat at dumiretso sa banyo. Matapos kong maligo ay nagbihis na ako at agad nang bumaba.

"Saan ba tayo pupunta?" Bungad na tanong ni Magnus

"You'll see" I smirked at agad nagiba ang kaniyang expression

"Tara na" hinila ko ang kaniyang kamay

"Hoy, saan tayo?!" Protesta niya

"'Wag kang makulit. Wala ka bang tiwala saak-"

"Wala!"

"Lily, may bisita ka!" Agad akong pumunta sa gate at nakita si Dexie na may kinakausap sa labas hawak ang kaniyang kape na nakatimpla sa tasa

"Sino 'yon?" Tinanong ko siya pero hindi siya nagsalita kaya tinignan ko nalang kung sino ang nasa labas

I froze when I saw Denzel standing in front of our gate "Bakit?" Still wearing his all black coat

Ang weird umagang umaga tapos nag co-coat

"Graychel told me to give this to you" inabot niya ang isang envelope

"Salamat" binuksan ko iyon at sumilip naman si Dexie sa papel

"No worries" umalis na siya sa aming paningin

"Ano iyan?" Tanong ni Dexie

"Letter, meron daw kami pre-farewell party ng org" I said at bumalik na kami sa loob

"Tara na" sabi ko kay Magnus

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Erylise na nakaupo sa counter

"Oo nga. Saan kayo pupunta?" Sunod naman ni Dexie

"Alam mo gaya gaya mo" agad na nanliliit ang mata ni Dexie dahil binara nanaman siya ni Erylise

"Usual spot" I said kaya tumango tango lang sila

"Saan mo'ko dadalhin?" Halos maiyak na si Magnus dahil hindi ko pa sinabi sakanya at wala akong balak sabihin kung saan kami pupunta

"Maganda doon brad. Refreshing" kumindat si Erylise, halos mapatawa ako dahil sinakyan niya ang kalokohan na ginawa ko

Kasalanan 'to ni Magnus kung sana hindi siya dumating ng sobrang aga edi sana hindi ko siya pagtitripan. Lokohin mo lang ang lahat 'wag lang ako na kulang sa tulog.

"Hoy batang dugyot! Huling araw mo na 'to" ngumiti na mapag asar si Dexie

"Tele-"

"Teka lang. Marunong ka ba?" Putol niya

"Oo, kaya shut up!"

"Teleportes Doyan!"

-
-
-
-PUTI

Cast of Spell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon