/31/ Kiss

20 3 0
                                    

I let my bare foot step on the soft white sand. Habang palapit ako sa dagat ay mas nagiging basa ang buhangin na tinatapakan ko.

"Lily!" kunuway kaway sina Claire saakin

Agad akong tumapak sa maligamgam na tubig at lumangoy papunta sakanila. Umahon ako at sinuklay ang basa kong buhok papunta sa likod ko.

"Hindi mo sinabi na maypasabog ka pala" Bahagyang tumawa si April sa harapan

"Akala ko hindi ka maliligo?" Takang tanong ni Blaze

"Mukhang masarap maligo eh. I changed my mind" Ngumiti ako

"Lily, good thing naligo ka. Maganda ang tubig right?" Limapit saamin si Graychell, her wavy hair is already wet

"Yup" ngumiti ako

"Flex that body, you have a nice one" she winked at me at tumingin sa malayo. Tinignan ko kung saan ang gawi niya at tinitignan niya ang mga lalaki naming members na naglalaro sa malayo.

"I know what you're thinking. But no" tumawa kaming dalawa

Naligo lang ako kasama ang mga ibang memebers at ang mga kaibigan ko. We played different kind of games, I enjoyed every bit of it kaya hindi ako nagsisi na naligo ako. Nang maramdaman namin na medyo masakit na ang sinag ng araw ay napagisipisipan na namin na umahon. I fixed my underwear bago pa tumapak sa buhangin.

Pumasok kami sa cottage at kumuha ng towels. Provided na daw kasi nila kaya hindi na kami nahirapan pa na bumalik sa kuwarto. Pinunasan ko muna ang buhok ko at sinabit na ang towel sa baga, pinuntahan ko ang puno kung saan ko iniwan ang damit ko and I was surprised that he's still there.

"Hindi ka naiinitan? Kanina ka pa riyan" I docked down para makuha ang damit ko na nakatupi sa buhangin

"You said to guard your clothes, that's what I did" tumayo ito at kinuha ang coat na inuupuan niya, pinagpag niya ito at nilagay sa balikat niya

"Denzel! You're so sweet, salamat sa pagbantay. I want to hug you pero I'm basa pa so later nalang" ngumiti si Pamela at kinuha na rin ang damit niya na nakalatag sa buhangin.

Bumalik ako sa cottage at nagpahinga muna. After I regained again my energy napagpasiyahan ko nang bumalik sa room para magbanlaw.

As soon as I stepped inside bigla akong nanginig sa lamig ng kuwarto, dagdagan pang naka two piece lang ako. Coldness crawled around my raw body.

Kinuha ko ang shampoo, conditioner at sabon sa maleta plus dry clothes at dumiretso na sa banyo. It took me half an hour to be fully finished, eh paano sobrang hina ng tubig.

Tinuyo ko muna ang katawan ko at nagsuot na ng bagong underwear. Sinuot ko na kaagad ang puting shorts at off shoulder. Nilagay ko rin sa plastic ang pinagliguan ko at binalot ang buhok sa towel bago lumabas.

Pinunas ko ang paa ko sa basahan bago tumapak sa malamig na tiles. Agad ko nakita si Claire na inaayusan ng buhok si April.

"Tapos na kayo magbanlaw?" Tanong ko at umupo sa kama sa tabi nila

"Oo doon kami sa baba nagbanlaw" nilagay ko sa baba ng kama ang plastic

"Nakakapagod" ani ko at humiga

"Kakain pa raw, may fruit boodle sa baba" Gusto ko sanang tumanggi pero hinila na ako patayo ni Claire

"Basa pa buhok mo bawal matulog" Kinuha niya ang towel na nakabalot sa buhok ko.

"Anong nanaman ang gagawin niyo?" Usal ko, nakita ko si April na may hawak hawak na na hair blower

"Ayusin natin buhok mo, sayang sobrang healthy pa naman" ngumiti sila at hinayaan ko nalang na pagdiskitahan nila ang buhok ko. Wala na naman akong magagawa.

"Diba machie machie tayo" pinakita ni Claire at April ang buhok nila na naka double braid. Napatawa ako dahil ganon rin ang ginawa nila sa buhok ko, I find it cute.

"Salamat, ang ganda" I said while looking at the compact mirror

"Tara na" hinila nila ako at bumaba na kami papuntang cottage, marami na rin kami doon at gaya ng sinabi ng kaibigan ko meron ngang fruit boodle na mangyayari. It's basically a table filled with different kinds of fruits, nothing special pero natakam ako sa pakwan na sobrang pula.

"Guys let's eat" lumapit na kami sa mesa at nagumpisa ng kumain ng prutas. We're just standing since medyo malayo ang bench sa mesa

"Denz! Lorcan! Join us" tinawag ni Graychel sina Denzel nakatayo lang sa isang shed

"Saan si Manong?" Tanong ni Graychel nang makarating na ang dalawa palapit saamin

"Nagpapahinga" maikling sumbat ni Lorcan

"Join us, Denzel you can stand besides me" ngumiti si Pamela while holding a manggo on her hands. Nakasuot ito ng flower crown kaya nagmukha siyang bouquet.

Lumapit naman si Denzel sa tabi niya at kumuha ng strawberry, he started leaning his left arm on the table. Nasa right side sila sa harapan ko kaya makikita ko ang bawat gawi nila. Bumalik ako sa pagkain ng pakwan.

"Oh I forgot to do this" tumingin ulit ako sakanila at aktong niyakap ni Pamela si Denzel, sumandal pa ang ulo niya sa kaniyang dibdib at napapikit. Bakas sa mukha ni Denzel ang pagkagulat.

"Nice one!"

"Auh, so sweet"

Puno ng hiyawan ang cottage. All of us witnessed that one

"You'll be a great couple" sabi ng isa sa mga kaibigan ni Pamela

"Right!" Bumitaw ito sa pagyakap kay Denzel at hinarap ang kaibigan.

Akala ko 'yun lang ang mangyayari pero biglang tumingkayad si Pamela and patted Denzel's head pero agad na umiwas si Denzel

"Please don't touch my hair" ngumiti ito kay Pamela

"Oh you don't like it ba?" Nagpou si Pamela at agad ring ngumiti matapos bigyan ng halik si Denzel aa pisngi "Do you like that one?" She smiled and once again napuno ulit ng mga hiyawan ang paligid. I glanced on Graychel and she's smiling

"Masarap ba? Baka mabilaukan ka sa pakwan" kakagat pa sana ako ng pigilan ni April ang kamay ko sa pagsubo ng pakwan

"Masyado kang bumilis kumain. Hindi naman halata na favorite mo ang pakwan no?" Kumuha si Claire ng tissue at pinunas sa bunganga ko

"Mabilis ba?" Naguguluhan kong tanong

"Oo tignan mo naka lima ka ng slice" tumawa ito at bumalik sa pagkain ng ubas

Kinuha ko ang saging at binalatan iyon matapos ko iyon tanggalan ng balat ay sinubo ko ng buo iyon.

"Sure ka bang ayos ka lang?" Nagaalalang tanong ni April, nang mapansin ang paglobo ng bunganga ko dahil sa saging

Tumango ako habang dahan dahang nguyain ang saging

"Hindi ka gutom?"

"Hindi ah, ayos lang ako" kumuha ako ng bottled water at tinungga iyon ng dire diretso "Walang problema" ngumiti ako sakanya. But I think she was no satisfied with my answer.

Totoo naman talaga na ayos lang ako. But somehow gusto ko rin magpaturo kay Magnus kung paano gumamit ng voodoo doll. I think I will be needing those in the future.

-
-
-
-PUTI

Cast of Spell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon