Nakapalibot kami ngayon sa gitna ng apoy. May ca-campare daw kasi sabi ni Graychel. Kakatapos lang namin kumain sa isang restaurant dito sa loob ng beach.
The sound of the waves, the cold breeze and the warmth of the fire made me so relaxed. Sarap tuloy matulog. It's already eight thirty pm.
"Guys kwentuhan tayo" suggest ng isa naming ka member
"Sige dahil ikaw nag sabi, umpisahan mo" sagot ng isa
"Sige sige, makinig kayong mabuti ha" lahat kami napatingin sa mukha niya, hinihintay ang sasabihin
"Diba 'yung kapatid ko ay nurse sa Jekolo Hospital" umpisa niya "Sabi niya 'yung kaibigan niya raw na nakasama sa night shift biglang namatay"
"Oh tapos?" Sagot ng isa
"Bakit?"
"Kasi isa lang si ate sa nurse station sa second floor noong oras na iyon. Ilang minuto niya raw hinihintay ang kaibigan niya pero hindi parin dumadating, ang sabi may i-va-vitals lang daw siya na pasyente pero ilang oras na ang nakalipas wala parin. Take note alas dos nangyari iyon" kuwento niya. "Tapos nung hahanapin na sana siya ni Ate biglang tumunog ang cellphone niya kaya sinagot niya ito. Narinig niya ang boses ng kaibigan niya na halos mawalan ng hininga pero nasabi niya kung nasaan siya"
"Kailan lang ba nangyari iyan?" Tanong ni Pamela
"Last week" sagot naman nito
"Continue" utos ng isa
"Noong nakarating na si Ate sa lugar na sinabi ng kaibigan niya ay nakita niya itong nanginginig na sa sahig" biglang tumayo ang balahibo ko roon "Nilapitan niya ito pero hindi na umimik ang kaibigan niya, pero gumalaw ang kamay niya at tinuro ang pasilyo sa harapan nila"
"Babae ba iyan o lalaki?" Tanong ulit ng isa naming kasamahan
"Babae"
"Pinilit siya ni Ate na magsalita, dahil ang tinuro niyang pasilyo ay madilim. Pero alam niyo ba kung ano ang huling sinabi ng kaibigan niya bago mawalan ng hininga? 'Anino, Bata'" at doon nakaramdam na ako ng lamig sa likuran ko at ang pagnginig ng ulo ko dahil sa takot
"Girls I'm scared!" Nilingon ko si Pamela na nakayakap na sa kaibigan niya
"Ba't ka pa ba nag kuwento, kinakalibutan tuloy ako" reklamo ng isang babae
"Pero alam niyo kung ano ang mas nakakatakot?" Bumalik ng tingin sakanya "Ito ay gawa gawa lamang ng aking isip. Joking only!" Humalagpak ito ng tawa, kasabay non ay ang sunod sunod na batok galing sa mga kaibigan niya na lalaki
"Seryoso ka? Hindi totoo?" Panigurado ni April at tumango ito
"Pero guys, speaking of nakakatakot. My uncle who is a priest at Foxfit witnessed a witchcraft objects near the forest" singit ni Marine, isang sophomore
"Weh?" Pinalakihan siya ng mata ni Blaze
"Yes, papasok sana sila sa gubat because people saw traces of blood inside the forest. Kaya tinawag nila yung uncle ko para mapa blessed ang gubat" seriousness covered her face
"Dugo? Hindi naman 'yan siguro panibago. Alam mo namang usap usapan ang mga bampira sa bayan natin" nasamid si Graychel sa tabi ko matapos marinig ang sinabi ng isa naming kasamahan
I turned my gaze to Denzel and Lorcan. But their face seemed unbothered
"Long story short, meron nakita ang uncle ko ng isang bottle with a black doll inside, mukhang covered yun ng isang oil and the bottle was tightly tied with a skewer" I don't have any idea on what kind of witchcraft is that but as long as it involves doll, it also involves a specific person. Hindi ko nga lang alam kung kanino iyon. Impossible na akin iyon, hindi naman ako marunong gumamit ng mga manika.
BINABASA MO ANG
Cast of Spell [COMPLETED]
FantasieA magic that demands darkness. You can be one of them if you offer yourself to the underworld, by the power of the demon. A secretly born witch who crosses the land of mortals, she was destined to be the bride of the green blooded warlock to bring b...
![Cast of Spell [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/252837563-64-k598841.jpg)