"Diba sabi ko sayo maganda dito eh" Suminghap ako sa malamig na hangin dito sa bundok kung saan kami parating nag eensayo
"Maganda nga" tinignan niya ang tanawin
"Sa hangin umihip paliparin ang nasa tabi" Wait did he just-
"Hoy" protesta ko dahil unti unti na akong lumilipad, dahan dahan ng kumakawala ang mga paa ko sa lupa
"Hoy ibaba mo ako" pilit kong pabigatin ang sarili ko pero hindi parin iyon gumagana
Tunignan niya lang ako sa itaas habang ang dalawang kamay niya ay nasa likod. What the heck bakit ba ngumingiti ito
"Ibaba mo ako now!" Madiin kong sabi
"Pangako muna na pakainin niyo ako" He smirked
"Ano?!"
Hindi siya nagsalita. Ngumit biglang bumilis ang paglutang ko papunta sa itaas
"Oo na!" I sighed in defeat
Mas lumapad ang ngiti nito at dahan dahan akong ibinaba pabalik sa lupa.
"Sana sinabi mo nalang. You don't have to scare me like that" I rolled my eyes
"Oh" binato niya saakin ang spell book
"Aanhin ko 'to?" Binuksan ko iyon
"Titigan mo" Tinignan ko siya ng masama "Sabi mo meron kang alam na spells. Subukan mo kaya"
Tumikhim ako, hindi ko alam pero biglang tumibok ng mabilis ang puso ko, parang bigla ako kinabahan na animoy nasa isa akong pagsusulit
I confidently stand at tinignan ang mga damo sa bundok. "Tanumeso Emeralden" tinuon ko ang mga palad ko sa damo at ngumiti ng dahan-dahan itong humahaba mas tumatak ang kulay berde nito na parang bagong tanim.
"HAHAHAHAH" napahinto ako at nilingon si Magnus na nakahiga na sa kakatawa
"Anong tinatawa mo?" I crossed my arms
His high pitched laugh echoed. Na tila wala ng bukas, his perfectly set of teeth showed up. Wait is he making fun of me?
"Seryoso ka ba?" Huminto ito sa pagtatawa. Pulang pula na ang kaniyang mukha. Mukha tuloy siyang kamatis dahil sa brown niyang buhok
"Tinatawanan mo ba ako?" Prangka ko
"Hindi ah- sinong tumatawa?" Tumayo ito at pinagpag ang pantalon
"Marunong rin ako tumawag ng hangin" I said, hindi ako magpapatalo. I open my palms widely and manifested for the winds to come near us, nang makaramdam na ako ng orb sa kamay ko ay binato ko ito kay Magnus, the strong wind directly headed to his face causing his hair to distort pati ang kaniyang bangs.
Medyo napalakas ata ang hangin na natawag ko. I checked him again at biglang sumeryoso ang kaniyang mukha a few seconds has passed humalagpak ulit siya ng tawa.
"Are you belittling me?" Kung plano niyang inisin ako then I might say that he did a great work. Sobrang epektibo
Hindi parin siya sumasagot, tawa parin siya ng tawa. Tinuon ko ang kamay ko sa damo malapit sa kinakatayuan niya, while he is busy laughing at my capability ay dahan dahan na ring gumagapang ang damo palibot sa kaniyang mga paa.
"Tanumeso Emeralden" bulong ko kaya mas napabilis ang pagbalot ng mga mahahabang damo sa kaniyang paa.
"Hoy!" Huminto na siya at pilit na kumawala sa halaman
I smirked as I watch him having a hard time.
He then looked at me and smirked "Kumuwala ang nakabalot at bumalik sa kaniyang pinagkaroonan" my mouth formed an 'o' after hearing those spells with his serious tone voice. Dahan dahang gumapang palayo ang mga damo. Ba't parang andali lang sakanya? Memorize niya ba? Edi siya na!
BINABASA MO ANG
Cast of Spell [COMPLETED]
FantasiA magic that demands darkness. You can be one of them if you offer yourself to the underworld, by the power of the demon. A secretly born witch who crosses the land of mortals, she was destined to be the bride of the green blooded warlock to bring b...