/06/ Escape from the Hunters

37 6 1
                                    

Pumapatak ang mga pawis sa mukha ko, kinuha ko ang bimpo na nakasabit at pinunas iyon sa mukha ko, sinabit ko naman ito sa balikat ko pagkatapos

"Nakakapagod" hingal na hingal na wika ni Dexie

"Weak Freak kasi" pang asar pa ni Erylise kaya iniripan lang siya ni Dexie

"Bumaba kaya tayo?" Biglang pag aya ni Dexie, hindi naman ako nagdalawang isip at pumayag naman kaming dalawa ni Erylise, kahit ako curious rin kung saan ba tong bundok na ito

Dahan dahan kaming bumaba hanggang sa nakatapak na kami sa patad na lupa, pagtingin namin para kaming nasa loob ng gubat

"Gagi mukhang delikado" pabulong kong sabi sakanila, madilim ang paligid dahil nahaharangan ng matataas na puno ang araw, dahan dahan ring nahuhulong ang mga dahon nito at sobrang dami ring tuyong dahon sa lupa

"Wait, shshshs. May naririnig ako" yumuko si Erylise at dahan dahang naglakad padiretso

"Eh ano namang pake mo kung meron?" Pambara agad ni Dexie

"Guys I think we don't have anytime para mag explore pa dito" kinakabahan na ako

Biglang may nahagip ang aking mata na parang kulay itim na dumaan. Pagkasunod non ay maynarinig rin kami ng yapak

"Tago" utos ni Erylise kaya tumago kaming tatlo sa isang malaking puno

"Bakit anong meron?" Pabulong kong tanong

"Mortal"

Sumilip ako ng kaunti, at may nakita akong isang lalaking mayhawak hawak na mahabang baril, parang may hinahanap siya sa paligid. Habang sinisilip ko siya ay biglang napatingin siya sa direksyon namin kaya napabalik ako sa tago.

"Ano?" Biglang umilaw ang index finger ni Dexie, na parang humihingi ng permission para gumamit ng majika

"Wait baka mapano ka ulit, remember when you used your power last time?" Suway ko

"No, dati pa 'yun. Naka cope up na ang katawan ko ngayon. No worries" ngumiti siya kaya tumango nalang ako

Bubulong na sana siya pero napahinto ito.

"Ano mas maganda English or Tagalong?" Napasapo naman ako ng noo ko. Ngayon oa talaga

Nagulat ako ng may mabilis na yapak, parang palapit saamin kaya sinilip ko kaagad at may isang lalaki na dumating may hawak na bow and arrow.

"Nahanap mo na ba sila?" Tanong niya

"Shsh, 'wag kang maingay. Nararamdaman ko ang presensya nila dito" umikot sila sa paligid

"Wala na tayong oras, makikita nila tayo dito" bulong ko pa dahil nagpapanic na ako

"Wait chill. Dexie English" sagot ni Erylise

"Okay okay wait" binuksan niya ang palad niya at nag bulong "Energy from the wind, make this two flinch so we can escape, with the help of the barricade" agad na may lumutang na parang bola na clear sa palad ni Dexie at diniretso niya ito sa dalawang lalaki sa gubat.

Agad na napuwing ang mga mata ng lalaki na tinataguan namin, ginamit ni Dexie ang kaunting oras na iyon para ipunin ang enerhiya sa kamay niya, she swang her both hands upwards at agad na gumalaw ang mga tuyong dahon sa lupa at naging harang para hindi kami makita. Nilingon agad ni Dexie si Erylise

"Erylise sige na" utos niya kaya hindi na nag aksaya ng oras si Erylise

"Teleportes Doyan" agad ako nakaramdam ng hangin at pagkurap ko nasa bahay na kaming tatlo.

"That was close" umupo si Dexie sa sofa

"Galing mo" akmang mag fist bump sana si Erylise "Parang hindi nabawasan" sinipa lang siya ni Dexie sa sikmura

"Tita, pwede pahingi ulit ng Energy potion?" Request ni Dexie

"Oh bakit? Napano kayo?" Nag aalalang tanong ni Mama

"May na encounter kaming mga armadong lalaki, we don't have any choice but to use this" pina-ilaw ni Erylise ang kamay niya at nag make face pa

"Oh buti naman marunong pa kayo, halika" sumunod naman sakanya si Dexie

"Insan anong oras na?" Tanong ko kay Erylise na kumakain ng saging

"Quarter to 8, bakit?" Lumingon siya saakin

"Ha?! Wait" hindi ko namalayan, may entrance exam nga pala ako ng 9:15, Agad akong dumiretso sa banyo at naligo ng mabilisan

***

Tumakbo ako papunta sa babae na nakabantay sa labas ng classroom

"Lewis po, Lily Lewis" sabi ko, hingal na hingal pa

"Oh, your just in time, kakapasok lang ng proctor" agad akong nagpasalamat at dumiretso na papasok ng classroom, inuna kong tinapak ang right foot ko sa loob at umupo na sa pinakalikuran.

Agad naman lumapit ang proctor at binigay ang test sheet "Goodluck" bulong niya at saka ngumiti

I just need to pass this exam pwede ko na kunin ang kursong gusto ko. 'Yan ang pinapaulit-ulit ko sa sarili ko

Dito kasi sa Foxfit hindi mo na kailangan ng any validation like ID, pictures, or any certificates para makapasok sa mga schools. You just need to pass the average score and you will be automatically acquire to choose your chosen degree. Pero may tuitions pa na babayaran monthly.

Sa pagkaka-alam ko 'yan lang ang sinabi saamin nung nag apply kami dito, natuwa naman ako kasi less hassle at hindi ko na kailangan pa mag fake ng personal identity.

Kinuha ko ang ballpen sa bulsa ko at sinagutan na ang exam, simple topics lang naman ang lumabas sa questions, although hindi ko alam ang iba. I don't need to be on top, I just need to pass the average score.

Hoping..

Habang nag tetake, ay bigla ko nahulog ang ballpen na gamit ko, I flinched at nagdadalawang isip kung pupulutin ko o hindi.

I sighed... at kumuha ng bago sa bulsa. Buti nalang tatlo ang nadala ko

Pagkatapos ko magtake ng exam ay sinipa ko ng mahina ang upuan at hindi na lumingon pa, iniwan ko sa sahig ang ballpen ko at agad naman akong naglakad pabalik ng bahay, may nasalubong akong isang tindahan kaya bumili ako ng chocolate bar, binuksan ko ito at kinain habang nagalalakad pauwi.

Habang naglalakad ako, nagdodoubt na ako kung mapapasa ko ba ang exam or hindi. Augh! Ba't ngayon pa ako sinumpaan ng mga negative thoughts! Sumpa ng negatibo umalis ka!

Sinunod ko naman ang mga pamahiin na tinuro ni mama, I don't need to worry that much.

Nang makarating na ako sa bahay ay agad kong tinawag sina Mama para ipaalam na nakauwi na ako.
















After two weeks ay bumalik na ako sa school para malaman ang result.

"Goodmorning po" bumati ako sa guard at tinanong ko kung saan pwede makita ang result ng passers, tinuro niya naman ito at doon na ako nagtungo

Nakita kong naagkukumpulan ang mga tao kaya hindi ko masyadong makita ang mga pangalan na nakadikit sa bulletin board. Nung kumonte nalang sila ay agad akong sumiksik sa gitna.

"Excuse me, Excuse me" nagpikit muna ako bago ko hinanap ang pangalan ko.

Napabuntong hininga ako....








I passed

-
-
-
-PUTI

Cast of Spell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon