2 weeks na ang nakalipas nung first day of school namin, so far so good. Naka recover na rin si April sa mga masasamang salita na binitawan sakanya ni Fiona. Naglalakad kami ngayon papunta sa Bakery ng department, may baking daw kami.
Ng makarating na kami, kinuha ko ang aapron na nakalagay sa bag at sinuot ito, 'yun din ang ginawa ng mga kasamahan ko.
"Okay, I hope you already prepared your ingredients for this session. I will be giving you 2 hours to prepare your brownies. Babalik lang ako" huling sabi ni Chef. Eldon bago siya umalis ng bakery
Tinignan ko ang mga ingredients na nasa harapan ko. Okay, I don't know how to bake. Hindi ako naka-panood ng tutorial kagabi
Madali lang naman siguro ito? Close enough sa pag gagawa ng potions.
Tinignan ko ang harina at binuksan.
"Okay let's do this" bulong ko at nagumpisa ng mag mix ng mga dry ingredients
I'm starring at my brownie na nakalagay sa plato waiting for it to be judge by Chef. Eldon
Naririnig ko yung tibok ng puso ko, nararamdaman ko rin ang mga pag-galaw ng mga paa at kamay ko dahil sa sobrang kaba. Parang feel ko bumagal ang oras, as he picked up the fork at kumuha sa brownie ko.
Tinikman niya ito.
I closed my eyes at nagmanifest na sana masarap. Hindi ko pa naman natikman kanina dahil kailangan pang palamigin, sobrang last minute na.
"Mmm. It tastes good, great job" nag thumbs up si Chef Eldon, ngumiti naman ako at nag pasalamat. Did I just casted a spell? Or masarap lang talaga?
Well, at least hindi ako babagsak, kumuha ako ng panibagong tinidor at kinain ang binake ko.
Ng matapos na kaming lahat, sabay sabay kaming umalis nina April, Claire, at Blaze para kumain sa cafeteria, hindi na ako nag pasabay mag order dahil busog pa naman ako, I volunteered na manatili nalang sa table para maytaga bantay ng spot at pati na rin sa mga gamit namin
Tinitigan ko lang ang mga paparating na estudyante at sa mga kaibigan kong nakapila
"Hi, you're Lily right? Remember me?" Napatingin ako sa babaeng naaa harapan ko na may dala dalang papel. Siya 'yung founder ng org na sinalihan ko
"Oh hello, yes po? Bakit?" I asked casually
"We'll have a meeting at 5:30pm tapos na rin diba 'yung classes niyo by that time?" She asked kaya tumango ako
"Good, sa may auditorium, doon tayo mag gather. See you" ngumiti ako at tumalikod na siya
"Ay wait" tumalikod ulit siya "Graychel" nagpakilala siya, agad naman ako ngumiti at nakipag shake hands sakanya
"Nice to meet you" sagot ko
Ng maka alis na siya ay tama tama lang na dumating rin sina April na may dalang pagkain, sinabi ko sakanila ang sinabi ni Graychel dahil parehas lang naman kami ng sinalihan na org.
Maagang natapos ang class at dumiretso na gad kami sa Auditorium, wala pang tao doon kaya malaya kaming nakapagpili ng spot, pinili namin ang nasa gitna.
"Hoy saan ka pupunta?" Tanong ni April kay Blaze na kakatayo lang
"Bibili ng pagkain" diretsong sagot ni Blaze
"Bilhan mo'ko" utos ni Claire at April
"Edi sumama kayo, bahala kayo diyan" agad na umalis si Blaze palabas ng Auditorium
"Ikaw Lily sasama ka? Maaga pa naman" tanong ni Claire at naghihintay rin ng sagot si April
"Ah sige lang, dito lang ako" ngumiti ako, seriously hindi pa sila nabusog kaninang lunch?
BINABASA MO ANG
Cast of Spell [COMPLETED]
FantasiA magic that demands darkness. You can be one of them if you offer yourself to the underworld, by the power of the demon. A secretly born witch who crosses the land of mortals, she was destined to be the bride of the green blooded warlock to bring b...