"Okay naba 'tong suot ko?" Tinanong ko si Dexie, inaayos ko ang colar ng pink long sleeve na suot ko
"Oo, okay na 'yan. Ay wait parang may kulang" agad na umilaw ang kaniyang index finger kaya sinuway ko kaagad
"Whops! No Magic" agad kong sinalo ang kamay niya. "Ano nga ulit?" Ngumiti akong sarcastic sakanya
"No using of magic unless if needed" malamya niyang sabi
"And if making a potion" masaya kong dinugtungan 'yon
"But it's your first day, kailangan mo ng full glam. Kaya needed natin 'yon" agad niya ulit pinailaw ang index finger niya at hinampas ko 'yon ng mahina, tinignan ko siya ng masama
"Oo na" she said helpless
"Sure ka okay na 'to?" Panigurado ko, baka kasi mukha akong ewan kapag lumabas na sa bahay
"Yes, trust me" I smiled at tinignan ang wall clock, malelate na ako kaya kinuha ko agad ang scarf at bag na nakapatong sa higaan.
"Bye" paalam ko kay Dexie at nag wave naman siya
Bumaba ako at sinuot ang boots at kinuha ang long coat na nakasabit sa pintuan
"BYE MA!" sigaw ko bago maka alis
Binilisan ko ang paglakad para maka abot ako sa first day ng klase. I can't believe na mangyari to first day of school pa. Habang naglalakad ay sinuot ko na ang coat at pinalibot ko na sa leeg ang scarf, dahil mag yeyelo na ako sa sobrang lamig
"Hi" masiglang bati ko kay manong guard na nakasuot rin ng coat at beanie
Dinalian ko ang paglakad at pumunta agad sa Culinary Department, may mga nakasalubong na akong mga iba't ibang student at patungo sila sa kanilang prespective courses. Tinignan ko muna ang mapa na nakadisplay sa isang board para siguraduhin kung tama ang patutunguhan ko.
Pumasok ako sa room at tamang tama wala pang guro na nakapasok, as usual umupo ako sa pinaka likod, at hindi ko inexpect na makikita ko ang pamilyar na mukha.
"Uy suki! Magkaklase tayo?!" I flinched dahil sa sobrang lakas ng boses niya. What's her name again? Sa pagkakaalam ko weird ang pangalan niya. Wait isipin ko
"Ay hehe, hello April" mahinhin kong sabi
"Dito, umupo ka dito" hinatak niya ako paupo sa bakanteng upuan sa tabi niya
"Culinary ka din?" Ngumiti siya
Hindi ba obvious? I said sa isip ko
"O-" hindi na niya ako pinatapos dahil nagsalita ulit siya. Sobrang dami niyang sinasabi
"I think we're gonna be a good friend" kinilig siya, seriously?
"Ahhh" I laughed
"So ano sa tingin mo?" Tinaas taas niya ang dalawa niyang kilay sabay open ng bunganga
"I think that will be a good idea-"
"Great, mamaya sabay tayong pupunta ng cafeteria" huli niyang sabi bago dumating ang professor namin
Ng matapos ang subject namin sa umaga ay agad akong hinila ni April papunta sa cafeteria. Na surprised ako dahil magkaparehas lang ang ganap sa tuwing first day of class dito sa mundo ng mga mortal at dati nung kasama ko pa ang mga Krono at Krona.
"Bilis, baka maubusan tayo ng pagkain" sumabay naman ako ng takbo kay April. Nang nakarating na kami ay pinaupo niya lang ako at sabi niya siya na daw mag oorder. Wala naman akong piling pagkain kaya I don't mind
BINABASA MO ANG
Cast of Spell [COMPLETED]
FantasiaA magic that demands darkness. You can be one of them if you offer yourself to the underworld, by the power of the demon. A secretly born witch who crosses the land of mortals, she was destined to be the bride of the green blooded warlock to bring b...