"Salamat, bukas naman" Agad kong iniripan si Magnus. Sobrang kinacareer na niya ang pag kain tuwing dinner dito saamin.
"Wala ako bukas at sa susunod na araw. Pupunta kami sa dagat kasama ang org" sabi ko kay Magnus
"Sige, kung kailan ka babalik. Pasundo mo lang ako sa pusa mo. I'll wait" ngumiti ito at nakipag fist bump kay Erylise. Tinarayan niya naman si Dexie
Nang makaalis na si Magnus ay nagumpisa na kaming magligpit dahil tapos na kaming kumain lahat, pinakain ko na rin si Lei
"Kumusta Lily. Is everything alright?" Pagbasag ni Dexie sa katahimikan
"Oo nga insan. Maganda ba magturo si Magnus?" Tanong naman ni Erylise
"Ayos naman" I sighed
"Pasensya na, kailangan rin kasi talaga namin mag minimize ng pagamit ng magic. Alam mo naman diba?" Ngumiti ako sakanila. Their face was drawn with concerns
"Ayos lang. Magaling magturo si Magnus, 'wag kayong magalala. Kapag na master ko na 'to mababalik na rin sainyo ang powers ninyo" ngumiti ako sakanila for assurance
Matapos namin magligpit sa kusina ay sinirado na namin ang gate pati na rin ang pintuan. Pinatay namin ang ilaw at sabay ng umakyat, nauna na silang pumunta sa kuwarto at dumiretso pa ako sa banyo para maligo.
Habang hinahayaang mabasa ang aking katawan hindi ko mapigilan ang pag-iisip kung ano na ang susunod kong gagawin. Sapat ba ang nalalaman ko para patumbihin ang minister? Matapatan ba ng kakayahan ko na maibawi ang mga magulang ko at mabigyang hustisya ang pagkapatay ni Alice at Wilma?
I sighed at nagptuloy na sa pag sabon ng katawan. Nang matapos na ay nagpunas na agad ako at humarap sa salamin.
I stared at my face na blanko ang expression. I don't need to worry anything, alam kong kaya kong mabawi ang mga magulang ko, alam kong kaya kong mabigyan ng hustisya sina Alice. I just need to focus on my core, and that is to destroy our coven.
Pumasok na ako sa kuwarto at naabutang tulog na sina Erylise at Dexie sa kanilang sariling kama. Pumunta na rin ako sa kama ko at nahiga, 'di nagtagal naalimpungatan na ako ng antok at tuluyan nang natulog.
Alas singko palang nagising na agad ako at kinuha ang mga naimpake kong gamit. Naligo muna ako at nag ayos bago tuluyang bumaba. Tulog pa sina Erylise kaya hindi ko na sila inabalang gisingin pa. Nakapag paalam na naman ako sakanila.
Lumabas na ako ng gate at sumakay ng tricycle patungo sa bahay nina Blaze. Pumunta kasi siya nong nakaraan, sabi niya doon nalang daw kaming apat sa bahay nila magkita para sabay kami pupunta ng park dahil doon raw ang meeting place. Namiss ko na ang mga kaibigan ko dahil matagal na rin kaming hindi nakapag usap dahil busy sa job immersion namin.
Nasa harapan na ako ng gate nila, pipindutin ko sana ang door bell peeo agad na pinagbuksan ako ng guard.
"Doon po sila ma'am" turo niya sa likod
"Salamat po" nagtungo na ako sa garden nila at nakita ko ang mga kaibigan kong nakaupo sa mga bench.
"Lily!" Bumungad agad ng yakap si April. Sinundan rin ni Claire at Blaze
"Kumusta kayo? Na miss ko 'to" ngumiti ako sakanila
"Hay buti nalang talaga nagkita tayo. Sobrang stress ako sa restaurant na pinasukan ko" reklamo ni April
"Oo nga 'yung pinasukan ko rin sobrang kalat ng kusina" dagdag ni April
"Gusto mo ng pagkain Lily?" Binigyan ako ni Blaze ng tinapay
"Kayo tapos na kayo?" Tanong ko at tumango sila
Nagusap lang kami at pagpatak ng alas sais ay pumunta na kami sa park para magkita-kita. Naroon na ang iba at may naghihintay na rin ng dalawang van.
"Hi Graychel" lumapit saakin si Graychel, as usual her red lipstick is always where my attentions get caught.
"Hi Lily! I'm glad you make it" nakasuot siya ng sunglass kahit hindi pa naman sumisinag ang araw
"Hi Pres!" Bati ng ibang members ng org na kakarating lang
"Wait" paalam ni Graychel at agad silang kinausap
"Are we all complete?" Ilang minuto kaming naghintay bago makumpleto
"Yes" sabi ng lahat
"Okay so please get inside the van now" utos ni Graychel kaya pumasok kami sa isang van at ang iba doon na sa kabila. Naunang pumasok sina Calire at Blaze at nahuli kami ni April
"Una na" sabi ko at pinauna ko na siyang pumasok. Tinignan ko ang kabilang van at nakapasok na rin ang lahat doon
"Hala Lily wala ng space" tinignan mabuti ni April kung may bakante pa. Bumakas sa kaniyang mukha ang pag-alala
"Ayos lang baka meron pa sa kabila" sabi ko at kusang isinara ang pintuan ng van
Umikot ako papuntang driver's seat ng kabilang van habang hawak hawak sa kabilang kamay ang maleta ko. Kinatok ko ang bintana at napauwang ako kung sino ang bumungad saakin.
"Yes my lady?" Ngumiti na parang manyak 'yung lalaki. I've seen him before, isa siya sa mga kasamahan ni Graychel and I think his name was Lorcan
"May bakanteng upuan pa ba diyan?" Tanong ko. Awkwardness took over my head, ako nalang kasi ang hinihintay bago umalis ang van
"Wala na"
"Kumakandong na ang iba dito"
Sunod-sunod na sabi ng mga tao sa loob. I sighed mag cocomute nalang siguro ako
Sinarado na ni Lorcan ang bintana. Naglakad ako sa gilid ng nakita ko si Graychel na papalapit.
"Oh my gosh Lily, wala na bang vacant seat sa loob?" Nag aalalang tanong niya
"Lily wala na bang bakante?" Lumabas ang mga kaibigan ko sa van para tanungin ang kalagayan ko
"Wala na eh" I awkwardly said
"Gusto mo doon ka nalang sa upuan ko, pwede naman ako magcomute" alok ni Blaze
"Hindi-"
"No, don't worry. 'Yung service ko meron pang extra seats, you can join us if that's okay with you" wika ni Graychel
"Sige" ngumiti ako sa mga kaibigan ko at bumalik na sila sa pagpasok sa loob.
"Kuya pwede na kayong mauna" sabi ni Graychel sa isang driver ng van
"Dito Lily, follow me" sinundan ko lang si Graychel hanggang sa makarating kami sa isang itim na BMW na kotse na nakaparada sa gilid. Binuksan ni Graychel ang trunk at nilagay doon ang maleta ko.
Pumunta rin siya sa passenger seat na pintuan at akmang bubuksan ako "Graychel sure kang ayos lang?" Panigurado ko
"Ano ka ba? Ayos lang" tumawa ito ng mahina at binuskan na ako ng pintuan, lumabas kaagad ang amoy ng strawberry scent galing sa loob ng sasakyan
Tinignan ko ang driver at halos mahiya ako kung sino iyon. I don't know why I feel like this pero naiintimidate ako sa presensya niya.
"Hi" bati niya habang ang tingin ay nasa harapan. He's tapping with his fingers on the steering wheel.
Sinirado na ni Graychel ang pintuan at nagtungo na sa front seat. They buckled their seatbelts at nagumpisa na siyang magmaneho.
Sabi ni Graychel sa labas ng Foxfit daw ang beach na pupuntahan. So approximately three and a half hours ang biyahe
I sighed. Hindi ko alam kung makakaya ko ang ganon ka haba na oras ng biyahe. Knowing that he is driving and we're breathing the same air.
-
-
-
-PUTI
![](https://img.wattpad.com/cover/252837563-288-k598841.jpg)
BINABASA MO ANG
Cast of Spell [COMPLETED]
FantasíaA magic that demands darkness. You can be one of them if you offer yourself to the underworld, by the power of the demon. A secretly born witch who crosses the land of mortals, she was destined to be the bride of the green blooded warlock to bring b...