/02/ New Town

220 11 1
                                        

"Pa nasaan ba tayo?" tanong ko, hindi kasi ito ang bahay namin

"Nasa ibang lugar tayo, mas mahirap tayong mahuli dito kaya pumasok na tayo" inalalayan kong pumasok si Erylise at Dexie at inalalayan naman ni Papa si mama

Pagpasok namin sa loob, nilock ni papa ang gate at bumulong ng mga salita. Binuksan ko ang pintuan at nilapag sina Dexie at Erylise sa malapit na sofa ngayundin ang ginawa ni papa.

Pumikit si papa and nilawakan ang kaniyang kamay. At bigla nalang lumabas ang babaeng naka duster na itim at may maliit na sumbrero nag-aagaw pansin rin ang kaniyang pilik mata na sobrang haba, si Auntie Vexan

"Hi lovely" kumaway siya gamit ang kaniyang daliri, ngumiti naman ako

"Oh ano nangyari sa mga 'yan?" Tanong niya sa mga nakahigabg tao na nanghihina

"Ang Minister, binawian sila ng mga kapangyarihan. Hindi ko nga lang alam kung nakuha ang lahat dahil sumipot ako agad-agad" tiniklop ni papa ang kaniyang long sleeve na suot

"Ah. Eh paano na 'yan?" Tumakbo kaagad siya kina mama

"Ang kailangan natin ngayon ay maibalik ang kanilang lakas at sa tamang malay. Saka na natin problemahin kung paano maibalik ang kapangyarihan" lumapit si papa kina mama at hinawakan ang noo

"Sandali, babalik ako" biglang nawala si Auntie at matapos ang ilang segundo ay bumalik na siya "Eto, ipainom niyo ito sakanila" inabot niya ang isang likido na kulay berde na parang lumiliwanag

Pinainom ko kina Dexie at Erylise ang likido na iyon at pinainom naman ni papa si mama. Matapos namin ipainom sakanila ay nilapitan sila ni Auntie Vexan, tinaas niya ng konti ang kamay niya at pinagalaw ang mga daliri.

"Healuson Kostin Oslominus Nurve" pinaulit-ulit na wika ni Auntie Vixen, matapos ang ilang minuto tumigil na siya

"Okay na po ba sila?" Agad kong tanong

"Gigising na sila maya-maya" tinignan ulit ni Auntie Vixen sina mama na nagmamahinga at tumingin ulit saamin

"Una na ako" paalam niya kaya tumango at nagpasalamat kami ni Papa.

"Tsaa muna anak" aya saakin ni Papa kaya umupo kami sa kusina ng bahay. Maganda ang interior niya at may pangalawang palapag

"Saan nga tayo pa?" Tanong ko

"Nasa——"

"Ahhh" tumalikod kami at nakitabf gumising na sina Mama, hingal na hingal. Agad na inabot ni Papa ang niready niyang tsaa at pinainom kina Mama.

"Ma, okay lang po ba kayo?" Tanong ko

Umubo siya ng dirediretso ay nagsalita "Maynapanaghinipan ako.."

"Ano 'yun ma?"

"Ikaw....."

"Anong meron sakanya?" Singit ni Papa

"Pinatay ni Levisio"

"Ako?? Papatayin ng kataas-taasang Minister?" Ulit ko at tumango siya

"Nasaan tayo?" Tanong ni Erylise kay papa

"Nasa Foxfit, walang makakaalam kung nasan tayo ngayon" explain ni Papa

"Regarding sa Dream ni Tita, I think kailangan nating bantayan si Lily" singin ni Dexie

"Oo nga" sumipsip si Erylise ng tsaa

"Kung ganonay kailangan ko ng gumawa ng aksyon" tumayo si Mama

"Anong gagawin mo Beatrix? Hindi kapa maayos" sagot ni Papa

Pinaupo ako ni mama at pintong ang kamay sa uluhan ko "Kustor Sayloso Amdor" pinaulit-ulit niya ito hanggang sa may nararamdaman akong enerhiya na pumapasok sa katawan ko

"May naiwan pa akong kapangyarihan kaya pinasa ko ang iba kay Lily" tumingin siya kay Papa

"Anak, wag mong gamitin sa kasamaan ang kapangyarihang pinasa ko sa'yo. Proteksyon mo 'yon, naiintindihan mo ba?" Tumango ako

"Paano po ba gamitin 'yon ma?" Tanong ko

"Hindi siya matuturo anak, sadiyang matutunan mo lang 'yon kung kinakailangan mo na" ngumiti siya at niyakap ako

"Aray!" Lumingon kami kay Dexie na napatumba

"Dexie?! Ano nangyari?" Nilapitan namin siya

"Dexie? Anong nararamdaman mo?" Mahinang tanong ni mama

"May paparating, at hindi ko masigurado kung maganda o masama ang intention nila"

"Ako rin, maynararamdaman akong paparating" singit ni Erylise

"Kung ganon, kailangan natin maghanda" nilingon ni mama ang paligid "kumuha kayo ng asin at baso" utos niya kaya sinunod namin

Nilagyan namin ng asin ang baso at nilagay sa bawat bintanan ng bahay, pati na rin ang pintuan

"Para san ba 'to?" Nagtatakang tanong ko kay Dexie, nasa itaas na palapag na kami ng bahay

"Para maabsorb ng asin ang negative energy na galing sa mga tao. If their intentions are not good" saka nag blink si Erylise

Habang nag uusap kami biglang may kumatok sa baba. Sabay-sabay kaming naptingin at saka bumaba agad.

Binuksan ni mama ang pinto at may bumungad na mga lalaking nakasuot ng vest.

"Bakit ho?" Tanong agad ni mama

"Magandang araw, nabalitaan naming kayo ang bago sa lugar na 'to. Gusto lang namin kayo batiin at paalalahanin na medyo mapanganib dito tuwing gabi. Saka nga pala kami ang mga tanod rito. Ikinigagalak namin na makilala kayo." Inalok niya ang kamay niya at isa isa naman namin itong tinanggap

Pagkasara ng pinto agad kaming nag buntong hinga, kinabahan kami.

Pumasok kami sa kuwarto sa itaas at nag pasyahang magpanhinga muna, matutukog ako dahil sabi ni papa gigisingin niya lang daw ako kapag kakain na.

Sa isang kwarto kasama kongmatulog si Erylise at Dexie.

"Insan bakit hindi ka pa pwede gawing krona?" Tanong ni Erylise

"Di ko rin alam, ayaw siguro nila mama na mapahamak ako?" Patanong kong wika

"Gusto gawin natin ngayon?" Kumuha siya ng gunting

"Hoy! Magagalit saatin si Tita Beatrix lagot ka" sawat sakanya ni Dexie

"Yan rin ang bumabagabag sa isip ko hanggang ngayon, pero alam kong may nakatakdang panahon para diyan. At isa pa gusto ko ring mabuhay ng normal katulad ng mga Mortal." Binalutan ko na ang sarili ko ng kumot para ready ng matulog

"Sabi mo eh" umubo si Erylise

"Saka nga pala, kamusta kayo?" Tanong ko dahil sa pagkakaalam ko kinuha ng Kataas-taasang minister ang kanilang mga lakas

"Maayos pa naman, medyo nanghihina pa" humiga na si Dexie

Hindi na kami umimik pa, natulog na kaming lahat at gigising nalang pagkakain na. Isa sa mga pangarap ko ay mabuhay na parang tao, gusto kong mag-aral at magkaroon ng mga kaibigan. Dati kasi sa lugar namin sa kagubatan puro krono at krona ang mga tao doon. At ngayon na nandito na kami sa panibagong lugar sana hindi na kami mailapitpa sa mga kapahamakan.

-
-
-PUTI

Cast of Spell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon