/17/ The Red Lips Vampire

34 4 0
                                        

I'm waiting for their answers kung papayag ba sila

"Hindi" Agad na umalis si mama

"Pero?"

"Wag mo nang pilitin Lily, hindi ko gusto na mas mapalapit sila sayo"

I sighed, walag patutunguhan to kung magmamatigas ako


"Sorry insan pero, hindi ko rin gusto" Nasa kuwarto kami ngayon kasama ko si Erylise at Dexie

"Me too, masyadong mapanganib ang pagiging krona, and it needs proper attention in order for you to control your power" ngumiti ng matipid si Dexie

"Pero si Fiona?"

"Nakita ko kung gaano sila kadami, hindi si Fiona ang kumukontrol sa kapangyarihan niya. Kundi ang mga coven. Desidido talaga silang makuha ka"

Kumain lang kami ng dinner at natulog na kaagad ako, kailangan kong makahanap ng restaurant para makapasa sa sem na ito.

Nagising ako, hindi pa masyadong maliwanag ang paligid kaya tinignan ko ang oras at alas kuwatro palang, tinignan ko si Dexie at Erylise at tulog parin sila. Sinubukan kong matulog ulit pero hindi na talaga, I sighed in defeat, tumayo ako at dahan dahang naglabas sa kusina, uminom ako ng tsaa at nagisip isip. Tutal hindi pa naman masyadong maaga plano ko nalang na puntahan ang puntod nina Alice.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at sumisikat palang ang araw, wala pang mga tao sa paligid, natandaan ko rin naman kung saang gubat 'yon kaya hindi na ako masyadong nahirapan sa direksyon. Namimiss ko na rin ang bundok kung nasaan kami nag eensayo dati pero sabi ni Papa wag daw muna ako pumunta doon kasi  baka mapanganib. Hindi na ako nag paalam sakanila na pupunta ako sa puntod nina Alice dahil alam kong hindi sila papayag.

I just need to be careful

Hoping that all the elements will help me kapag nasa panganib ako

Pumitas ako ng bulaklak at naglakad na papunta sa gubat. Agad ako napahinto nung nakita ko na ang puntod nila, may pagakiba ang kulay ng dahon kaya napagtanto kong puntod na nila iyon. Pero napatingin ako sa pusa na nakapatong sa lupa kung saan nakalibing si Alice

"Hello" umupo ako "May I?" Hinimas ko ang kaniyang balahibo

"Meow"

"Oh. you like it?" I smiled. Tinignan ko ang collar na nakapalibot sa leeg niya, may hugis puso na pendant at ang nakalagay ay 'Aly"

"You're Alice's cat isn't it?" I smiled, sa pangalan palang alam ko ng alaga ito ni Alice, Herbalists usually has their pets

"Meow"

"You missed her? Ako rin"

Ilalagay ko sana ang bulaklak sa lupa pero may narinig akong pagputok, parang baril. Masyadong malakas kaya alam kong malapit lang ito sa lugar kung nasaan ako nakatayo, May narinig rin akong mabilis na pagyapak, palakas ito ng palakas.

"Lei tara na" binuhat ko ang pusa at sinimulang tumakbo, this can't be. Baka hunters ito or worse...


Baka kulto

Tatakbo pa sana ako pero nakita ko ang babae. With her blonde hair and red lips

"Graychel?"

"Lily? Bakit ka nandito?"

"You- You" napaatras ako

Nangaagaw pansin ang kaniyang pulang mata

"Nandito siya" rinig ko sa kaliwang direksyon

"Lily sumama ka, may mga hunters dito. They're looking for me at baka mapagkamalan ka kaya sumama kana"

"Pero Graychel-" She holds my hand

"Alam kong natatakot ka. I'll explain everything later kaya sumama kana" Tumango ako

"Hop on" nag bend siya

"Pero-"

"Hindi kakayanin ng mga paa mo ang bilis ng takbo" sumakay ako sa likod niya, and by that tumakbo na siya, sobrang bilis. Dahil din sa bilis niya ng pagtakbo pinapalid ng hangin ang mga buhok ko. Hinigpitan ko ang hawak kay Lei dahil baka maiwan siya. Don't ask me kung paano ko siya nadala, I just maximized everything para makapit siya at hindi mahulog.

Mas binilisan niya pa ang pagtakbo at pumasok sa marogue kung saan namin nakuha ang bangkay ni Wilma

"Okay kalang?" She asked after closing the front door

"Oo" hindi parin ma sink in sa utak ko ang na witness ko

"I'm sorry, you discovered this side of me" Pumasok siya sa isang room ng morgue at lumabas na may dalang bottled water

"Here" ininom ko ang tubig, nilapag ko muna si Lei sa isang upuan

Pagkatapos kong malagok ang tubig at napansin kong okay na ako agad kong tinignan si  Graychel. Hingal na hingal siya, parang kinakabahan

"Graychel.. Bampira ka?" Kalahi niya ang muntik ng pumatay saakin dati

"Ye-Yes " I widened my eyes "But please don't freak out" Agad niyang pahinahon

"P-Pero"

"We don't eat humans like most vampires do. Animals! we only eat animals" Hindi ko mabasa ang expression niya, she seems so scared na nalaman kong bampira siya, It's quite shocking knowing that the founder of the org. na sinalihan namin ng mga kaibigan ko ay isang bampira

"My family are also vampires... correction" yumuko siya. But wait

"Paano m-mo" napaatras ako

"Your mind is open, nababasa namin" she clarified

"Oh"

"What the heck! Sino ba ang nagdala ng pusa-"

"Meow"

Napatingin ako sa lalaki na kakalabas lang sa isang silid, his stares are familiar. Ang titig na hindi mawawala sa isipan ko, ang boses na hinndi ko malilimutan. Ang lalaking nakabangga ko dati

"Ahmm. Graychel I-I think I need to go" Inayos ko ang magulo kong buhok

"Pasensya na sa pusa" sabi ko at kinuha si Lei sa upuan

"Pero Lil-"

"I won't tell anyone" I smiled at her at niyakap siya. That's why her temeprature is always cold, kaya pala parating pulang pula ang labi niya dahil sa lipstick

"Bye" I waved and open the door

Nagmamadali akong naglakad papuntang bahay, masinag na ang araw pero  konting tao palang ang lumalabas sa kanilang mga bahay. Nangmalapit na ako sa bahay ay nakita ko ang mga taong nagkukumpulan kaya agad akong lumapit doon

"Parang awa niyo na" Pinapaypayan ng mga tao ang isang babaeng umiiyak

"Sigurado ka bang kinuha siya? hindi ba niya kasama ang mga kaibigan niya?" tanong ng isang matandang lalaki

"Hin-Hindi, sigurado ako. Sabay kami natulog ng anak ko at pagkagising ko bukas na ang pintuan at wala na siya" Patuloy parin ang pag-agos ng mga luha sa mga mata niya. I immediately ran papasok ng bahay

"MA! PA!"

"Alam namin" Bumungad silang dalawa

"Anong gagawin natin?"

"Just stay calm. Gagawa tayo ng paraan" Pagpakalma ni mama. Ba't parang hindi sila natatakot?

"Akala ko mag aaply ka sa immersion mo? meron akong pasahero na may ari ng isang restaurant ito oh" Dinuhol ni papa saakin ang isang calling card

"Sige subukan ko"

Umakyat na ako para maligo

"Balitaan mo kami" pahabol na sabi ni papa


-

-

-

-PUTI

Cast of Spell [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon