(A/N: sorry medyo natagalan. Zombie apologize)
Tinignan ko ng mabuti ang paligid at tama nga ako. Coven nga namin ito. Sa malamang nandito ang mga magulang ko. Dahan-dahan akong lumabas ng gubat, siniguardo kong walang tunog na maririnig galing sa mga paa ko.
Nagtataka ako kung bakit walang tao sa paligid, sobrang tahimik ng village. Are they on a sleep?
Hinanap ko rin si Lei at nakita ko sa sa di kalayuan kaya sinundan ko siya. Hindi siya pwedeng magpkita rito knowing na alaga siya ni Alice. Habang naglalakad sa karahimikan ng paligid, biglang nanginig ang bahibo ko sa ihip ng hangin. The coldness brings shivers through my spine.
"Alam mo kahit saan kalang talaga pumupunta" akma kong kukunin si Lei pero agad na tumakbo ito palayo.
Itong pusang to, hindi ko alam kung paano natitiis ni Alice.
"Psst, bumalik ka rito" bulong ko at binilisan ang habol sakanya. Naphinto ako nang pumasok siya sa loob ng covenstead. Triple ang laki nito dahil ito ang simbahan ng mga itim na krona. Tanda ko pa kung paano kami tumakas dito. Hinawakan ko ang pader at pinasadahan ng mga daliri ko. Gawa ito sa obsidian, medyo mainit ito galing sa kandila na nakasindi malapit sa dingding.
"Korelstus Ornomis Eselu" napaatras ako nang marinig ang dasal na iyon galing sa loob. Mukhang dito silang lahat.
Gusto ko man umalis pero pinili kong pumasok dahil nandito sa loob si Lei. Yumuko ako at dahang-dahang nagtago. Nasaan na kasi ang pusang gala na iyon!
Tinignan ko lang ang mga libo-libong tao na nakatalikod saakin. Tama nga dumadasal nga sila, hindi ko nga lang alam kung ano ang ibig sabihin no'n.
Nagtago ako sa isang kahoy sa likod at tinignan sila sa harapan. Pero 'di nagtagal ay napako ako sa dalawang tao na nasa gilid. Nakagapos sina Mama at Papa, may panyo rin ang kanilang mga bunganga.
"Meow" halos mapatalon ako
"Lei! 'Wag kang maingay" bulong ko
"Meow"
Binuhat ko ito at binalik ang tuon sa mga magulang ko. Gusto ko silang pakawalan. Gustong-gusto, but I know that it will be a risky decision knowing my capability. Umaasa nalang talaga ako sa swerte at chansa tuwing magagawa ko ang paggamit ng majika.
Aalis na sana ako habang bit-bit si Lei nang biglang nasagi ng kamay ko ang isang stand ng kandila kaya napatumba iyon. Biglang tumunog ang pghulog na metal kaya alam kong lilingon sila.
Bago pa man ako makatakas ay naplingon na silang lahat saakin. Pati si Palmora at Levisio ay nakita na rin ako. Tatalikod na sana ako para lumabas ng biglang sumara ng malakas ang pintuan. Humarap ulit ako sakanila at nakita ko si Levisio ang minister na naka tuon ang palad sa pintuan.
Napamura ako sa isip ko, hindi ko alam kung ano gagawin ko. Hingpitan ko ang hawak kay Lei nung napansin kong palapit ang Minister saakin. Umiiwas sa daan ang bawat krono at krona na nakakasalamuha niya, walang nagsalita sa paligid. Tanging kabog lang ng dibdib ko at ang tunog galing sa sapatos ng minister ang nagbibigay ingay sa paligid.
Hindi pa nakarating ang Minister papunta saakin ng may biglang humablot sa likod ng damit ko. Isang malakas na pagsabog ang narinig bago ako nagpakaladkad palabas ng covenstead. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero naging panatag ako.
It feels like he will not do anything that could harm me, is that even possible? Trinaidor namin ang coven at aasa pa ba akong tutulungan nila ako?
BINABASA MO ANG
Cast of Spell [COMPLETED]
FantasyA magic that demands darkness. You can be one of them if you offer yourself to the underworld, by the power of the demon. A secretly born witch who crosses the land of mortals, she was destined to be the bride of the green blooded warlock to bring b...
![Cast of Spell [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/252837563-64-k598841.jpg)