/10/ Unlucky Day

48 6 1
                                        

Maganda ang gising ko ngayong araw, it's been 3 years. After nito matutupad ko na ang pangarap ko, ang pangarap ko para sa aking pamilya

"GOODMORNING INSAN!" Niyakap agad ako ni Erylise, napansin kong may bitbit siyang maleta

"Saan ka pupunta? Uuwi ka ba?" Tinuro ko ang maleta sa tabi niya

"Oo, babalik rin ako agad agad. Bye" tumango ako at naglaho naman siya bigla bigla, parang hindi na tumatak sa isipan nila ang 'No magic rules" ah. Well, wala akong magagawa it's their powers anyway

"Ma, Pa kain na po" tawag ko sa mga magulang ko, si Dexie naghahanap pa raw ng sangkap para sa potion ni Mama, I wonder ano nanaman kaya ang ine-experimentuhan niya

Kumain lang kami, at matapos 'non nagbihis na ako dahil magkita kami nina April, Claire, at Blaze sa isang cafe para mag aral

Since sobrang init sa foxfit ngayon nagtsinelas at shorts nalang ako, binuksan ko ang closet ni Erylise at kunuha ng isa sa mga tshirt niya doon, mas komoortable kasi kung maluwag ang suot.

Pagkalabas ko ay nakita ko si Papa na pinupunasan ang kotse

"Aalis ka?" Tumango ako

"Diyan lang Pa sa may cafe malapit sa school" sagot ko

"Magingat ka ha" tugon niya at hinalikan ako sa noo

"Okay po" niyakap ko siya at matapos 'yon ay umalis na kaagad ako, hindi na ako nakapagpaalam kay mama dahil nasa palengke na siya

Lumabas ako ng gate at sinuot ang face mask, dahil sobrang baho talaga dito sa lugar namin, sobrang ingay rin dahil sa mga nag aaway na mga tao at nagchichismisan na kapitbahay

Habang naglalakad I can't believe kung ano ang nangyari, Nakatapak ako ng tae ng aso. Biglang uminit ang dugo saaking ulo, dahil tsinelas lang ang suot ko. Wala akong nagawa kundi bumalik sa bahay at hugasan ito

"Oh saan ka galing?" Nakita ko sa loob si Dexie, pero bago pa man ako makapasok ay nabangga na ang ulo ko sa isang kahoy sa bahay

"Aray"  hinimas ko ang parteng natamaan

"Saan ka gali- oh my gosh nakatapak ka ng tae?" Biglang tumaas ang kaniyang boses

"Hindi ba obvious?" Iniwan ko sa may labas ang tsinelas at dumiretso sa banyo para hugasan ang paa ko, mag rurubber shoes nalang ako

Pagkatapos kong hugasan ang mga paa ko ay nagtungo ako ulit sa labas at tinapon ang tsinelas sa basurahan, I won't clean that, bibili nalang ako sa bayan

"Ughh, ang malas ko ngayon!" Sabi ko habang nagsusuot ng medyas

"Saan ka ba galing?" Tanong ulit ni Dexie

"Aalis na sana ako pero nakatapak ako ng tae, nabangga pa ang ulo ko sa lintik na kahoy na 'yan" tinuro ko ang kahoy kung saan natamaan ang ulo ko

"Malas mo nga" tumawa ito pero biglang naputol "Malas?" Nagtungo siya sa kusina at kumuha ng itlog at bowl

"Dali biakin mo" utos niya. Kinuha ko ang itlog at biniyak sa bowl

"Expired?" Tanong ko ng mabiyak ko ang itlog, mabaho kasi at kulay itim ito

"No"

"Eh ano?"

"May sumpa ka" biglang nanahimik si Dexie

"Huh? Paano mangyari 'yon?"

"Siguro nagbago ang energy sa iyong paligid, yan ang isa sa mga possibilities"

"Bakit marami pa bang possibilities?" Natataranta na ako

"Yes, at yon ay-" biglang nanginig si Dexie

Cast of Spell [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon