Third Person's POV
May apat na babae na nagtatawanan sa parke, isa sa kanila ay isang morena na nakasuot ng palda na hindi lalagpas sa tuhod. Nakabuhag hag ang buhok nito na abot sa balikat.
"Oo nga, tara na girls punta tayo sa cafè" tumayo na sila pero pinigilan sila ng isang lalaki na nakasuot na kulay itim na polo.
"Hi Girls" bati ng isang mysteryosong lalaki
"Ahm.. Yes?" Tanong ng babaeng tinutukoy kanina
"Pwede ko bang makausap ang isa sainyo?" Tanong nito
"Yeah sure, ako nalang. Girls mauna na kayo sa cafè, I'm gonna talk to this guy first. See you there" Umalis na ang mga kasamahan niyang babae at tanging sila nalang dalawa ng lalaki ang naiwan sa dulo ng parke
"Ano 'yon?"
"Malakas ang enerhiya na dumadaloy sa katawan mo. Mukhang malaki ang iyong galit" bahagyang tumawa ang lalaki
"What? Paano mo naman nasabi yan?" Nagtatakang tanong ng babae
"Bagay na bagay sa hinahanap ko" ngumiti ito, hindi na mabasa ang mukha nang babae, hindi niya alam kung ano ang tinutukoy ng lalaking kinakausap niya
"Anong pinagsasasabi mo?!. Look I don't have anytime sa mga pranks na 'yan so I better get going" tangkang umalis na ang babae pero may binigkas ang lalaki
"Kilala mo ba si Lily Lewis?" Huminto ang babae at tumayo ulit sa harapan
"O-oo, she's in our school" kumunot ang mga noo nito
"That's great. I will give you a deal. I-alay mo ang katawan mo saamin mamayang alas dose ng hating gabi kapalit ng isang 'di pangkaraniwang kapangyarihan"
"And then?"
"Pabor ka ba doon?"
"Bakit nga?"
"Oo o hindi. Sumagot ka" nakakatakot na ngumiti ang lalaki
"Hindi naman ako mamamatay diba?" Tumitibok na ng sobrang bilis ang puso ng babae
Umiling ang lalaki "Hindi, bagkus maging malakas ka. Gawin mo lang ang inuutos namin sayo"
"Sige papayag na ako"
"Mamaya bago mag alas dose ng hating gabi, pumunta ka sa pinakadulong gubat ng foxfit. Pumasok ka at nandoom kami sa kahuyan sa may gitna"
Tumango ang babae. Pero kitang kita sa mukha niya ang pagkagusto sa gantimpala na ibibigay ng lalaki.
"Ano ba ang kailangan kong gawin?" Tanong niya
"Dukutin mo si Lily Lewis"
"Madali lang iyan" ngumiti siya
"Mahirap siya kalabanin, pati ang kaniyang pamilya"
"Tsk. As if" sarkasitik na sabi ng babae
"Siguraduhin mong nakasuot ito sayo bago ka pumasok sa gubat" dinuhol ng lalaki ang nakatuping itim na cloak sa babae
"Masusunod" at bigla nalang nawala ang lalaki sa harapan niya.
Agad niya tinawagan ang mga kasamahan niyang babae
"Girls, sorry pero may kailangan akong gawin. Hindi na ako makakasunod" agad niya binaba ang tawag at umuwi sa kanilang bahay na may taglay na ngiti
Kakarating lang ni Erylise pabalik ng Foxfit, galing siya sa kaniyang mga magulang na nakatira rin sa ibang syudad.
Pumasok siya sa loob at nakitang madilim na ang paligid, tinignan niya ang oras at mag aala-una na ng hating gabi, akmang iikutin niya na sana ang doorknob ng kuwarto nila pero hindi pa siya nakaramdam ng pagod. Napabugha siya at iniwan nalang muna sa sala ang maleta at pumunta sa lugar kung saan kita ang buong foxfit.
BINABASA MO ANG
Cast of Spell [COMPLETED]
FantasyA magic that demands darkness. You can be one of them if you offer yourself to the underworld, by the power of the demon. A secretly born witch who crosses the land of mortals, she was destined to be the bride of the green blooded warlock to bring b...