Chapter 15 (Public)

5.4K 157 3
                                    

My Runaway Wife

By: CatchMe

Chapter 15

: Dahil marami ang nagrereklamo na hindi mabasa ang Chapter 15 na naka-private kahit naka-follow naman daw, eh, heto at post ko na lang din in Public... Lol.

-------

PARANG itinulos sa kinatatayuan si Noorell na nakaawang pa ang labing sinalubong ng tingin ang komportableng mukha ng asawa niya.

Ni nakalimutan na yata niya ang mga kasamahan niya sa opisina na nakapaligid lamang sa kanila.

At ni hindi niya natapunan ng tingin ang kaibigang si Neszie na siniko siya dahil ang mga mata niya ay nakatutok lamang sa kanyang asawa.

At ang hudyo!

Ang tamis-tamis pa ng ngiti nito sa kanya habang siya ay nagrarambolan ang mga daga sa dibdiban niya.

"Are you okay?"

Saka pa siya napapitlag nang marinig ang baritonong boses nito na nakatayo na pala sa harapan niya.

"Hi, hello, Russel," narinig naman niyang bati ng kaibigan niyang si Neszie na siyang nginitian lamang ng asawa niya. "Ehem! Tikom-tikom din ng bibig kapag may time..." siko pa muli nito sa kanya bago nakangiting tinalikuran sila at nagpaalam na sa asawa niyang si Russel na mauna na ito.

He bow his head as an answer and look at her again.

Mabilis tuloy niyang iniwas ang paningin dito saka naayos ang sarili at ibinalik ang nawawalang poise niya. Hindi pa niya napigilang mapalunok ng sariling laway nang makitang nagsusulyapan ang mga kasamahan niya sa opisina. Maging sina Jhoana at Ruzielle ay nagsikohan pa na halata ang kalitohan ngunit hindi maiwasan ang kilig na nakatingin sa kanila.

Bigla tuloy ang pag-akyat ng init sa mukha niya at dinagdagan pa iyon nang mahinang ipinitik ng kanyang asawa ang daliri nito sa harapan niya.

"So? Magtitigan na lang tayo dito?" sumilay muli ang nakakalokong ngiti sa labi nito nang tingnan niya ito na siyang nagpainit sa ulo niya.

At ang magaling niyang asawa! Na tila bang walang pakialaam sa nararamdaman niya ng mga oras na iyon at tila proud na proud pa sa sariling ipinag-cross ang mga braso sa dibdib nito habang nakangiti sa kanya!

"Anong ginagawa mo dito?!" matalim niya itong tiningnan dahilan para magsalubong ang makakapal na kilay nito sa kanya.

"Sinusundo ka," tugon nito sa kanya. "Hindi ba't sinabi ko na sa iyo kanina na---"

"Excuse me? Wala akong sinabing pumapayag ako sa---"

"Oh, c'mon, Noorell," putol nito sa pagrereklamo sana niya. "Stop acting like a weird, will you?"

"Aba't---"

"Ops!" mabilis nitong itinaas ang palad sa harap niya at pinatigil ang pagsasalita sana niya. "Don't make it too hard to me, Noorell. Dahil hindi ganoon kahaba ang pasinsya ko. So, I'm warning you...weither you like it or not, sasama ka sa akin. Mag-uusap tayo para magkaliwanagan tayo pareho!"

May awtoridad ang boses na wika nito. Maging ang mukha nito ay sumeryoso at hindi na niya nasilayan ang kanina'y naglalarong ngiti sa labi nito.

Bigla tuloy siyang nakaramdam nang pagkabahala na hindi niya alam kung para saan. Kaya hindi na niya nagawa pang magprotista pa nang walang paalam na hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya palabas ng kanilang opisina, habang nakasunod ang nakakaintrigang tingin ng mga kaopisina niya sa kanilang dalawa ng kanyang asawa.

Nang nasa pasilyo na sila ay patay malisya siya sa mga tinging ipinupukol sa kanila ng mga nakakasalubong nila.

Ang iba ay nasorpresa nang makilala ang kasama niya. Samantalang ang iba ay nagsasalubong ang mga kilay na napapatingin sa kanila. Partikular na sa kamay niyang hawak-hawak ng magaling niyang asawa.

Kaya pilit niyang binawi ang kamay niyang hila-hila ni Russel at nag-iwas siya ng tingin nang lingunin siya nito.

Ayaw niyang salubongin ang mga mata nito dahil nadadagdagan lamang ang pag-e-eratiko ng tibok ng kanyang puso. Dagdagan pa ng makulit niyang imahinasyon na pilit isinisiksik sa utak niya ang nangyari kanina sa kanilang dalawa sa loob ng elevator.

"I can manage," aniyang binilisan pa ang hakbang at nilampasan ang asawa. Hindi kasi niya matiis ang mga mapanuring mga tingin ng mga taong nakatingin sa kanila kapag magkasabay silang dalawa ng asawa niya.

Hindi naman siya 'attention seeker' na klaseng babae at pakiramdam niya ay natutunaw siya sa mga taong nakatingin sa kanya. Okay lang sana kung siya lang mag-isa at hindi niya iyon papansinin, pero ang makasama ang unknown so-called-husband niya ay pakiramdam niya ay ginigisa siya.

Hell!

Bakit ba kasi sugod nang sugod ang lalaking ito dito sa opisina nila?

Bakit ba kasi ito sumulpot bigla sa harapan niya?

Bakit ba kasi ito pa ang naging anak ng boss niya?

Bakit ba kasi ito pa ang lalaking napagbuntunan niya ng kabaliwan niya.

At bakit ba kasi pinatol-patulan pa nito ang kabaliwan niya!

Pinagsisihan tuloy niya ang kabaliwang nagawa niya noon! At kung pwede lang sanang ibalik niya ang kahapon ay sana ibinalik na niya!

Pero paano???

Ahhh!

Nakakaasar!

As in nakakaasar lang talaga!

"Noorell..."

Narinig niya nang tawagin nito ang pangalan niya. Ngunit hindi siya nag-abalang lingunin ito bagkos ay mas lalo pa niyang binilisan ang paglakad.

"Ouch!

Dahil sa pagmamadali niya ay hindi niya napansin ang nakasalubong niya at nagkabanggaan sila. Napa-aray pa siya nang maramdaman ang mainit na likidong tumapon sa dibdib niya na siyang ikinatigil niya't ikinataranta.

What the hell?!

Anong kamalasan na naman itong nangyayari sa kanya? At pinaliguan pa siya nang mainit na kape??!!

"Naku! Sorry. Sorry. Hindi ko sinasadya!" anang babae na nakabangga niya.

"What the---are you okay?" bakas naman sa boses ang pag-alalang umalalay sa kanya ang asawa. Saka ito mabilis na may kinuha sa bulsa ng pantalon nito habang ang babaeng nakabangga niya ay hindi alam ang gagawin. Sa mukha nito ay nakalarawan ang pag-alala, pagkabigla at pagtataka na napaawang pa yata ang labi na napatingin sa asawa niya.

At hindi pa man siya nakasagot sa tanong ng asawa niya ay mabilis nang lumapat ang kamay nito na may hawak na panyo sa dibdib niya na siyang ikinasinghap niya.

Hindi pa niya naiwasan ang mapamulagat nang idiin pa nito ang kamay nitong may hawak na panyo sa dibdib niya na siyang tila nagparalisa sa katawan niya.

-----

Oh, hayan na...naka-public na siya... Hhaha!

Ayaw ko talagang maniwala na hindi niyo to nakikita sa private post kahit follower kayo... So imposible kasi nababasa naman ng iba... Heto't napilitan na namn akong i-repost or public, LOL.

Huwag mahiyang magcomment, votes or magfollow..hhhaha!

See you later!

I'll update chapter 16 later...in PRIVATE po ang chapter 16... It means, only followers can read that chapter...

Kapag di niyo makita o walang notifs na nag-pop sa news feed niyo it means hindi po kayo nakafollow hehehe...

Just click the follow button on my profile to see the public post...

Thanks much and enjoy!

See you next chapter! Mwaaahh! Hahaha

Dont forget to vote, comment and follow also...LOL.

My Runaway Wife (Second Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon