My Runaway Wife
BY: CatchMeChapter 69
"SO BEAUTIFUL," paulit-ulit na sambit ng kaibigan ni Noorell na si Cattleya. Napapangiti na lamang siya sa papuri nitong tiningnan ang sarili sa malaking salamin na naroon. At tulad ng sinabi ng kanyang kaibigan ay kahit siya ay hindi siya makapaniwalang ganoon nga siya kaganda ng mga oras na iyon.
She was wearing her boat neck princess wedding dress with beautiful silk lace over sheer body. It was spectacular tattoo-effect with long sleeves and v-back with long skirt in silk lace with great volume that made her looks like a real princess in that moment.
Muli siyang napangiti sa sariling repleksyon sa salamin. Hindi pa siya nakuntinto at dahan-dahan pa siyang umikot at para lang muling mapangiti sa sariling kagandahang nakikita niya ng mga oras na iyon.
Sino ang makakapagsabing ang simpleng babaeng tulad niya ay nagmistulang prinsesa ng mga oras na iyon? At iyon ay dahil sa asawa niyang si Russel na siyang may pakanan ng lahat ng mga nangyayaring iyon sa kanya. At aaminin niyang isa sa pangarap niya ang maikasal na suot ang magandang wedding dress tulad ng suot niya ngayon. At iyon ay naabot niya ang pinapangarap niyang iyon dahil sa asawa niya na hindi niya inaasahang gagawin nito iyon para lamang sa kanya.
It was all his plans, ayon sa kaibigan niyang si Cattleya.
Kanina habang inaayusan siya ng make-up artist na akala niya ay dating kasintahan nga talaga ng asawa niya ayon sa palabas na ginawa ng mga ito kanina lang sa hotel ay panay naman ang kwento ng kaibigan niyang si Cattleya.
Ayon dito ay personal daw umanong nakipagkita ang asawa niya sa kanyang matalik na kaibigan at nagpakilala na siyang ayaw paniwalaan ng kanyang kaibigan kung hindi raw nagpakita ng ebedensya ang kanyang asawa rito. At ang ebedensyang pinakita nito ay ang rehistradong kontrata ng kanilang kasal na dalawa.
Ipinaliwanag din ng kanyang asawa ang planong pakasalan siya sa harap ng kanilang mga magulang at ginawa ngang kasabwat ang kaibigan niyang si Cattleya sapagkat ang kaibigan niya lamang ang may alam ng tungkol sa pagkatao niya at mga gusto niya sa buhay.
At ang traidor niyang kaibigan mas pinili pang makipagsabwatan sa asawa niya kaysa sa ipaalam sa kanya ang plano ng mga ito. Ni hindi man lang siya nito sinumbatan kaagad nang malaman nitong kasal na siya sa iniidolo nitong artista na siyang asawa niya at sa paglilihim niya rito ng kanyang sekreto na wala man lang siyang kamalay-malay na ibinulgar din pala siya ng kanyang asawa. At hindi lang pala sa magulang niya sinabi ng kanyang asawa ang tungkol sa kanilang pagapakasal kundi pati na rin sa matalik niyang kaibigang si Cattleya. At malamang dahil sa kasal na magaganap mayamaya lang kasama ang magulang nila ng kanyang asawa at nalalapit na kamag-anak nila ay tiyak na handa na ngang ipakilala siya ng kanyang asawa sa lahat ang tungkol sa kanilang dalawa---na siya si Noorell De Vera ay kasal nga sa asawa niyang si Russel Medina.
"Tara na at naghihintay na ang groom mo sa labas. Malamang aawang ang labi ng groom mo kapag nasilayan na iyang kagandahan mo."
Hindi pa man nakabawi sa pagkamangha sa kanyang sarili ay hinila na siya ng kanyang bridesmaid na si Cattleya na siyang nagpabalik ng kanyang isip sa kasalukuyan para lumabas.
Tila mas excited pa yata ito sa kanya na siyang bride dahil halos kaladkarain na siya nito para tungohin ang garden kung saan ay naghihintay na ang magulang niya at mga guest na dumalo sa kasal nilang iyon.
"Wait, madadapa ako sa iyo," natatawang sambit niya sa kaibigan na malawak lamang ang ngiting tinulongan siya sa paghatak sa laylayan ng suot niyang wedding dress para hindi niya iyo maapakan.
Pagkarating sa garden ay narinig niyang napa-wow ang ilan na napalingon sa kinaroroonan niya at masayang nakatingin sa kanya.
Maging ang magulang niya ay hindi naitago ang paghanga sa mukha na masayang lumapit sa kanya at kapwa yumakap sa kanya ang kanyang ina at ama.
"You look so beautiful, hija," sambit ng kanyang ina na siyang ginantihan niya rin ng yakap.
"More beautiful to be exact," sabad ng kanyang ama at tumawa.
"Thank you po, saan pa po ba ako nagmana kundi sa iyong dalawa," malawak ang ngiting biro niya sa magulang na siyang natatawang sinang-ayunan ng dalawa ang biro.
Saka siya inalalayan ng mga ito na humakbang para tongohin ang entrada ng garden kung saan ay may nakalapag na pulang carpet na siyang nagsilbing aisle papunta sa dulo kung saan naman naghihintay ang asawa niyang si Russel kasama ang magulang nito malapit sa hindi kalakihang altar na ginawa ng kung sino mang organizer ang nag organize ng venue na iyon ng kanyang kasal.
Sa magkabilang banda naman ng aisle na iyon ay may nakahelirang mga silya na natatakpan ng puting tela at iilang bulaklak na nakasabit sa bawat silyang naroon na siyang ukopado ng kanilang mga bisita.
Agaw pansin din ang mga nakasabit na mga lantern na iba't iba ang kulay na siyang mas lalong nagpaganda't nagpatingkad sa paligid at nagbigay liwanag sa arcade na iyon na siyang ginanapan ng kasal niya.
Sa kaliwang banda naman ng altar ay isang grupo ng mang-aawit na siyang kinabibilangan ng kanyang asawa kung saan naroon nakatayo ang mga kibigan nitong sina Jz, Raffy at Gerald na may kanya-kanyang hawak na mikropono sa kamay. Ang grupo ng kanyang asawa ang nagmistulang choir ng mga oras na iyon na siyang lihim na ikinangiti niya.
Saka siya napatingin sa kanang banda sa dulo malapit sa altar nang marinig niyang ang pagsimula ng pagtunog ng wedding march hudyat na maglakad na siya sa aisle kasama ng kanyang magulang patungo sa altar kung saan naghihintay ang kanyang asawang si Russel..
At tulad ng kanyang mga magulang at ng kanilang mga bisita ay nakalarawan din sa gwapong mukha ng kanyang asawa ang saya at paghanga na nakatingin lamang sa kanya habang dahan-dahan siyang naglalakd sa aisle.
Ang mga mata nitong tutok na tutok sa kanya na animo'y hindi ito makapaniwalang naroon siya at papalapit sa kinaroroonan nito para sa pangalawang pagkakataon ay mag-iisang dibdib sila kasama ang mga mahal nila sa buhay ng mga oras na iyon.
Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi niya habang nakatingin sa kanyang asawa na hindi inalis ang mga mata sa kanya habang naglalakad siya papalapit dito.
Ang gwapo-gwapo nitong tingnan sa suot nitong tuxedo na naghihitay sa paglapit niya rito. Dagdagan pa tulad niya ay matamis din itong napangiti nang tuloyan niyang marating ang kinatatayuan nito kasama ang magulang nito na masayan silang sinalubong ng kanyang magulang.
Humalik pa at yumakap saka nakipagkamay at nagpasalamat ang kanyang asawa sa kanyang magulang bago kinuha ang kanyang kamay mula sa kinikilala niyang magulang na siya namang paghawak ng mga kamay niya sa braso nito at kapwa masaya at may matamis na ngiting tinungo ang altar kung saan nakangiti ring naghihintay ang paring magkakasal sa kanilang dalawa para basbasan ang pag-iisang dibdib nila sa pangalawang pagkakataon kasama ang mga mahal nila sa buhay para maging saksi sa pinakaimportanteng okasyon na iyon ng kanilang pag-iisang dibdib.
BINABASA MO ANG
My Runaway Wife (Second Version)
RomanceAlak ang naging sagot ni Noorell para makalimot sa kanyang pagkabigo sa buhaypag-ibig. Kaya natagpuan na lamang niya ang sariling naglalasing sa isang bar. Ngunit isang pakialamerong ubod ng gwapo ang walang pakundangang nakialam sa kanyang pananahi...