My Runaway Wife
By: CatchMeChapter 39
GUSTONG sampalin ni Noorell ang sarili dahil sa lumabas sa labi niya nang makita ang ekpresyon ng mukha ng asawang si Russel.
Ang ekpresyon ng mukha nito nang marinig ang sinabi niyang iiwanan niya ito muli. Ang ekpresyong pagkabigla, pagkalito at nasasaktan na mabilis na nakalarawan sa gwapong mukha ng kanyang asawa.
It was not her intention to hurt him, in fact she was just joking of what she said to him, pero mali yata ang nabitawan niyang joke sa kanyang asawa.
Bagkos ay bigla na lamang napabulalas ito dahil sa pagkabigla sa sinabi niya at mapapamura pa yata sa kanya ang asawa kung hindi nito napigilan ang sarili.
At sa kabila nang reaksyon nito ay ang mabilis na pagkaguhit ng sakit sa mukha nito partikular na sa mga mata nitong hindi naitago sa kanya.
Dagdagan pa nang mahigpit na hawakan nito ang mga kamay niya na ang nasasaktang mga mata ay nakatitig sa mga mata niya.
Damn.
Napakagat sa sariling labi na nagsisisi siya sa kanyang sinabi habang sinalubong ang animo'y nagsusumamong mga mata ng kanyang asawa.
"Please...don't..." anitong bigla na lamang napayakap nang mahigpit ang mga braso nito sa beywang niya. "Don't leave...don't leave me, please..."dagdag nito na hindi nakalampas sa pandinig niya ang pagkabasag ng boses ng kanyang asawa.
Damn.
Did she heard him cracked his voice?
Seriously?
Surpresa at hindi makapaniwala sa narinig na bahagyang iniatras niya ang katawan at tiningnan ang mukha ng kanyang asawa.
At ano itong nakikita niya sa mga mata ng kanyang asawa?
No way!
Hindi makapaniwalang napakagat siya sa kanyang labi sa nakitang namumuong mga luha sa mata ng kanyang asawa. At ang puso niya ay animo'y hinahaplos ng maiinit na kamay dahil sa nakikita niya.
Sa nakikita niyang naiiyak ang kanyang asawa?
"R-Russel---"
"Don't..." napailing ito na mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap ng mga braso sa beywang niya. Pakiramdam nga niya ay halos madurog na ang maliit niyang beywang sa mahigpit na pagkakayakap nito na animo'y nagmistulang bata na takot mawala sa kanyang ina. "Don't leave me, please. Promise me you won't leave me..." patuloy nito kasabay nang pagbagsak sa gwapong mukha nito ang namumuong luha na nakikita niya sa mga mata nito.
She was speechless for a few seconds, habang ang labi niya ay napaawang na nakatingin sa mukha ng kanyang asawa.
Hindi siya makapaniwala. Hindi siya makapaniwalang umiyak ang kanyang asawa sa harapan niya.
But hell.
It's real. It's so fucking real that he was crying in front of her. At iyon ay hindi niya kayang paniwalaan kahit nakita niya ito ng harap harapan na siyang mas lalong nagpapalito sa kanya na ang isang sikat na si Russel Medina ay umiiyak sa harapan niya?
"R-Russel..."she whispered and shook her head as she raised her hand to wipes his tears. "I was just...kidding," she added.
Muli siyang napakagat sa sariling labi nang mariin na pinunasan ng sariling mga kamay ang luhang lumandas sa gwapong mukha nito nang hulihin nito ang mga kamay niyang nasa mukha nito at tinitigan siya sa kanyang mata.
"Don't leave, promise me you won't leave me," anitong tila nagmamakaawa sa kanya na hinihintay ang sagot niya rito.
"I told you I was just kidding," she replied.
"But still, you promise me you won't leave me again, coz I won't let you to do that. Never."
Mas lalong hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kanyang mga kamay na ngayon ay pareho nitong dinala iyon sa labi nito habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa kanyang mga mga mata na hinihintay ang sagot niya.
Ni hindi naman niya alam kung anong sasabihin dito dahil maliban sa pagkabigla sa kanyang nasaksihan ay nalilito din siya sa inaakto ng kanyang asawa dahilan para hindi siya makapag-isip ng tama.
"Promise me, please promise me," ulit nito hinalikan ang mga kamay niya dahilan nang pagsitayuan ng mga balahibo niya.
Ang weird lang na hindi niya maintindihan kaya napabuntong hininga na lamang siya't sumang-ayon sa gusto nito. In fact, tulad ng sinabi niya kanina ay biro lang naman niya ang sinabi niyang iyon kanina at wala naman siyang balak na dagdagan ulit ang kasalanan niya sa kanyang asawa.
"Alright, I promise," aniyang napabuntong hininga na sinundan nang pagguhit ng ngiti sa kanyang labi na nakatitig sa mata ng kanyang asawa. "I was just kidding a while ago and I'm sorry for that I didn't meant to hurt you or to say that word, I swear. And I promise I won't leave you as what I've said earlier. It was just a joke I swear," paliwanag niya sa hindi nakapagsalitang asawa niya na nakatitig lamang sa kanyang mga mata. "What? Hindi ka naniniwala sa sinabi ko?" Tanong niya sa walang reaksyong asawa. "I am telling you the truth, I swear," dagdag pa niya na hindi alam kung paano niya ito mapapaniwala ng mga oras na iyon.
"Maniniwala ba ako sa sinasabi mo?" Mayamaya ay balik-tanong ni Russel sa kanya.
"Yeah, you should," tugon niya.
"How can I? You even joking---"
"And I said I'm sorry for that, hindi mo ba ako patatawarin?" Agaw niya sa sasabihin pa sana nito sa kanya na hindi na niya binigyan ito ng pagkakataong magreklamo pa dahil ayaw na niyang pahabain pa ang sinabi niyang iyon dito dahilan ng pag-iyak ng kanyang asawa na hanggang ngayon ay ayaw pa rin niyang paniwalaan.
"Ofcourse, pinapatawad na kita pero hindi mo maialis sa akin ang mangamba dahil bigla-bigla na lamang nawawala ka and it scare me. I am scared that as of now we are okay but later...you are gone again....because you left me just like that."
"I promised you already that I won't. I won't leave you, okay?" Pag-a-assure niya rito ngunit hindi muli sumagot ang kanyang asawa na nakatitig na naman sa kanyang mga mata na para bang binabasa nito sa mga mata niya ang mga katagang lumalabas sa labi niya kung nagsasabi siya ng totoo o hindi.
Kung bakit pa kasi siya nag-joke ng ganoon, eh, nasa gitna pa naman sila ng animo'y isang maladramang eksena sa isang pelikula.
Heto tuloy at halos ayaw siya nitong paniwalaan sa sinabi niya and blame that damn joke of her.
Napabuntong hininga tuloy siya at mariing napapikit ng kanyang mga mata.
"Alright, anong gusto mong gawin ko para maniwala kang nagsasabi ako ng totoo?" Mayamaya ay sabi niya nang iminulat niya ang kanyang mga mata at nagpakawala nang malalim na paghinga. "Nag-promise na nga akong hindi na aalis, eh, ayaw mo naman maniwala sa akin, ano na lang ang gusto mong gawin ko para maniwala ka sa akin? Sabi mo gusto mong mag-promise ako, ngayong nag-promise na nga ako, ayaw mo naman akong paniwalaan. Eh, ano na lang ang gagawin ko? Sige nga, sabihin mo nga sakin." Napalitanya tuloy siya ng wala sa oras ng hindi man lang tumugon ang kanyang asawa. And it makes her feel desperate, kung paano niya mapapaniwala ang kanyang asawa na, this time, ay nagsasabi na siya ng totoo. And she meant it. She swear.
But hell.
Bakit ayaw siya nitong sagutin?
Bakit nakatitig lamang ito sa kanya at hindi nagsasalita?
Nagmumukha na nga siyang tanga sa kakasalita pero hindi man lang siya nito sinasagot.
Pinaglalaruan ba siya ng kanyang asawa?
"Oh, ano na? Pinagmumukha mo naman akong tanga, eh, kanina lang gusto mo akong promise, tapos may iyak-iyak ka pa ngang nalalaman. Ngayong nagpromise na ako, ayaw mo naman akong kausapin o sagutin man lang. Magtitigan na lang ba tayo rito? O baka naman niloloko mo lang ako at ginagawang tanga dahil sa---" hindi na niya nagawang tapusin ang kanyang paglilitanya nang bigla na lamang nitong angkinin ang labi niya.
BINABASA MO ANG
My Runaway Wife (Second Version)
RomanceAlak ang naging sagot ni Noorell para makalimot sa kanyang pagkabigo sa buhaypag-ibig. Kaya natagpuan na lamang niya ang sariling naglalasing sa isang bar. Ngunit isang pakialamerong ubod ng gwapo ang walang pakundangang nakialam sa kanyang pananahi...