Chapter 70

1.7K 56 1
                                    

My Runaway Wife
By: CatchMe

Chapter 70

"THE FIRST TIME I LAID MY EYES ON YOU..."

Nakangiting nakatingin si Noorell sa kanyang asawang si Russel na siyang nagsasalita ng wedding vow nito sa kanya. Hawak nito ang mga kamay niya na tulad niya ay nakatingin din sa kanya ang mga mata. Nakalarawan sa magagandang mga mata nito ang pagmamahal habang binibitiwan ang bawat katagang lumalabas sa labi nito nang saglit itong mapahinto at mapangiti. At tulad ng kanilang mga bisitang naroon ay nakangiti rin siya at excited siyang marinig ang sasabihin nito sa kanya ng mga oras na iyon. Napataas ang isang kilay niya ng may ngiti sa labi nang nagpatuloy sa pagsasalita ang kanyang asawa sa harap niya, sa pari at sa harap ng mahal nila sa buhay na naroon.

"I took my breathe and closed my eyes for a moment...and I don't know why I acted that way back then...but...seriously...you caught my attention right away."

Mahina siyang tumawa sa sinabi nito kasabay ng mga taong naroon nang nagpatuloy sa pagsasalita ang kanyang asawa.

"Nalingat lang saglit ang pansin ko pero bigla kang nawala nang lumingon ako para tingnan ka muli at aaminin kong...nanghinayang ako nang hindi na kita makita. Pero...naniniwala akong nasa panig ko ang swerte ng mga panahon na iyon nang ilang sandali lang muli kitang nakita. Alam kong hindi ka aware kung sino ako ng mga oras na iyon, ni hindi nga tumagal ang tingin mo sa akin that time...coz you were happy and occupied of the other things that moment. And seeing you that happy makes me feel so happy too and I don't know why. Maybe because I found you so cute and very attracted back then. Well, mas lalo kang maganda ngayon kaya nga nabihag mo agad ang puso ko," hindi nito napigilan ang matawa na siyang sinabayan niya rin ng tawa pati na rin ng kanilang mga bisita. "To make a long story short, nasa panig ko na nga siguro ang swerte kasi... I ended tying the knots with you not only once, but twice." Muli itong natawa bago nagpatuloy. "I know it happened so fast but I have no regrets of marrying you because when I saw you, I knew...that I...finally found you. And I promise to love you more for the rest of our lives."

Walang pagsidlan ng saya ang puso ni Noorell na tanging ang nagawa ng mga oras na iyon ay ang malawak na ngumiti nang marinig ang sinabi ng kanyang asawa. At aminin niyang saglit siyang hindi nakapagsalita dahil sa sobrang kasayahang nararamadaman niya habang hawak ng mahigpit ang kamay ng kanyang asawa.

Saka lamang siya nagsalita nang makabawi at may malawak at matamis pa rin sa labing nakatingin sa kanyang asawa na ngayon ay siyang naghihintay naman sa kanyang wedding vow para rito na siyang hindi niya napaghandaan dahil sa sorpresang kaganapang iyon na siyang pakanan ng kanyang asawa rin.

"I don't know what to say coz seriously I still can't believe that all of these are happening now. At ni hindi man lang ako nakapaghanda sa sorpresa mong ito sa akin, but I admit that you never fail to surprise me and I am so happy right now. I am so happy for everything you've done to me, for loving me and caring me, I wish you'll never change—,"

"I won't, promise" mabilis na sambit ni Russel na siyang ikinatawa niya saka siya muling nagpatuloy na nakatingin pa rin sa nakangiti niyang asawa.

"Thank you, thank you for loving me as who I am, and I promise you...to be a better wife to you. And thank you so much for everything...especially  for this...that you yourself planned all of these with our love ones around us...we once again legally married together with the people we love. I have nothing more to ask from you but...thank you and I love you," pagtatapos niya na siyang masuyo siyang niyakap ng kanyang asawa.

Pakiramdam ni Noorell ay nasa alapaap siya habang nagpatuloy ang seremonyas ng kanilang kasal ng kanyang asawa. At sa sobrang kasayahang nararamdaman niya ay ni hindi na niya namalayaang patapos na pala ang kanilang kasal kung hindi pa niya narinig ang sinabi ng pari na "You may now kiss the bride," na siyang nagpabalik sa kanyang pansin nang iharap siya ng kanyang asawa at itinaas ang nakatakip na belo sa kanyang mukha. Saka siya nito nakangiting tinitigan sa mata at dahan-dahang ibinaba ang mukha palapit sa kanya at inangkin ang labi niya na siyang ikinapikit niya ng kanyang mga mata at buong pusong tinanggap ang halik na iyon ng kanyang asawa.


"HEY!"

May kalakasang napasigaw si Noorell dahil sa pagkabigla nang pagkalapat ng pintuan ay walang pasabing binuhat siya ng kanyang asawang si Russel.

Madaling araw na iyon at kakarating lang din nila sa bahay pagkatapos nila manggaling sa reception na pinagdaosan ng kasal nilang dalawa.

Plano ng kanyang asawang si Russel na doon na sila tumuloy sa pinareserba nitong hotel ngunit nagpumilit siyang umuwi na lamang sa bahay nito para mas lalo silang makapagpahinga.

Nagpresinta naman ang kaibigan niyang si Cattleya na ito na ang bahala sa mga regalong bigay ng kanilang mga besita maging ang pag-asikaso ng kanyang magulang ay ang kaibigan niya rin ang bahala. Ayon dito wala raw siyang dapat pang ipag-alala at isipin pang iba at e-enjoy na lamang niya ang gabing iyon bilang asawa ng hinahangaan nitong aktor na siyang ikinatawa na lamang niya.

Loka-loka talaga ang kaibigan niyang iyon.

"You don't have to do this," natatawang sambit niya na mabilis namang iniyakap ang mga braso sa leeg ng kanyang asawang si Russel para suportahan ang kanyang bigat habang buhat-buhat siya nito.

"But I love to," nakangiting tugon nito na tinungo ang sofa.

Saka ito naupo roon at kinandong siya na iniyakap ang mga braso sa baywang niya. Kasabay niyon ay ang mainit na pag-angkin nito sa labi niya na siya namang mainit at buong pusong ginantihan niya nang ipinikit niya ang kanyang mga mata.

My Runaway Wife (Second Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon