Chapter 68

2.3K 64 2
                                    

My Runaway Wife
By: CatchMe

Chapter 68

ILANG SANDALING hindi nakapagsalita si Noorel dahil tila sasabog ang puso niya ng mga oras na iyon dahil sa sobrang kaligayahan.

Ang mga mata niya ay tila balon na ayaw tumigil nang pag-agos ng masagana niyang mga luha na dumaloy sa kanyang mukha.

Habang ang kanyang asawa namang si Russel ay nanatiling nakaluhod sa kanyang harapan hawak pa rin ang singsing na inaalay sa kanya nang may malawak na ngiti sa labing naghihintay ng sagot niya.

Maging ang kanyang magulang at magulang ng kanyang asawa ay kapwa sumagot ng "Yes" na animo'y ang mga ito ang inalok ng asawa niya ng kasal ng mga oras na iyon.

Hindi rin maitago sa boses ng mga ito at reaksyon na tila kinikilig pa ang mga itong naghihintay rin ang maging sagot niya sa alok ng kanyang asawa.

"Babe, will you marry me, again?"

Napapunas siya ng kanyang luha nang muling magsalita ang kanyang asawa sa kanyang harapan saka niya pinilit ang sariling makabawi sa pagkabigla't pagkasorpresa sa proposal ng kanyang asawa ng mga oras na iyon.

Hindi kasi niya inaasahan na ang sorpresa palang tinutukoy nito sa kanya ay ang proposal nitong iyon na sa pangalawang pagkakataon ay papakasalan siya nito at ginawa pa nito ang proposal na iyon sa harap mismo ng mga magulang niya.

At may gana pa ba siyang tatanggi sa proposal nito? Gayong tulad ng kanyang asawa ay mahal din naman niya ito ay ayaw niya itong mawala sa kanya?

Hindi niya napigilan ang mapahikbi nang ibigay niya ang kanyang kamay sa harapan ng kanyang asawa sabay sabi ng "Yes" at muling pagbagsak ng kanyang mga luha sa maganda niyang mukha.

"Yes, I'll marry you, again," naghalo ang hikbi't tawa niya nang muling sabihin iyon na sinundan naman ng masayang palakpakan ng kanilang mga magulang nang abutin naman ng kanyang asawa ang kamay niya.

Saka nito isinuot ang kumikislap na singsing sa daliri niya kung saan ay naroon ang unang wedding ring nilang dalawa.

Nang tuloyang maisuot ang singsing sa kanyang daliri ay saka naman tumayo si Russel at hinalikan siya sa labi saka niyakap ng mahigpit.

Napayakap din siya sa asawa habang naiiyak nang magsilapitan naman sa kanila ang kanilang mga magulang at binati silang dalawa.

"Akala ko po ba umuwi na kayo sa probinsya?" agad na tanong niya sa kanyang mga magulang ng yakapin siya ng mga ito.

At talagang pinaghandaan pa talaga ng mga ito ang proposal na iyon ng kanyang asawa dahil halos naka white evening gown pa ang kanyang ina.

Maging ang kanyang ama ay naka-suot naman ng itim na slacks at puting polo na sinapawan ng itim na amerikana.

At teka lang.

Hindi lang yata ang kanyang mga magulang ang nakapaghanda sa proposal na iyon dahil tulad ng suot ng kanyang mga magulang ay ganoon din ang suot ng kanyang boss maging ang asawa nitong ina ng kanyang asawa na lumapit din sa kanya at niyakap siya.

As in.

Naghanda ang mga ito?

Para lang sa proposal ng kanyang asawa na pakasal siya muli?

Bongga.

"Seriously, Ma? Talagang naka-gown ka? I mean...kayo?" Nang makabawi sa pagiging emosyonal kani-kanina lang ay hindi niya napigilang sabihin iyon sa kanyang kinikilalang ina ang nasa isip niya.

"Aba, dapat lang dahil kasal niyo na ang sunod sa proposal na ito ng asawa mo," masaya namang sagot ng kanyang ina na tinapunan ng tingin ang suot na gown at masayang binalik ang tingin sa kanya nang magsalubong ang mga kilay niya sa sinabi nito. "Oh, hindi mo pa pala alam?" muling wika nito na bumaling naman sa kanyang asawang si Russel na siyang sinundan niya ng tingin.

"A-anong ibig sabihin nito?" aniya sa asawang hindi napalis ang matamis na ngiti sa labi nang harapin niya muli.

"Well...kakatanggap mo lang ng proposal ko 'di ba?" masuyong wika nito na hinawakan ang dalawa niyang mga kamay.

"Yeah, I know but---"

"At ano ang sa tingin mo ang sunod na mangyayari sa proposal?"

"K-kasal?"

"Exactly!" mabilis na sagot nito sabay tawa. "And we're getting married, Babe. Right now."

"What?! Seriously?" bulalas niyang hindi makapaniwala sa sinabi nito. Seryoso? Magpapaksal sila ngayon mismo? "C'mon...you are kidding me right?"

At hindi pa man nakasagot ang kanyang asawa ay bigla na lamang sumulpot mula sa likuran niya ang masayang mukha ng matalik niyang kaibigang si Cattleya na siyang nagpalingon sa kanya.

Kasabay niyon ay ang muling pag-awang ng labi niya sa sumalubong sa kanyang mga mata.

Maliban kasi sa magulang nila ng kanyang asawang si Russel ay naroon din ang kuya niya. Maging ang mga kapatid ng kanyang asawa at mga pinsan nitong sina Queen at iba pa ay naroon din na masayang nakatingin sa kanila.

"Surprise!"

Hindi pa man nakabawi sa bumulaga sa kanya ay mahigpit na yumakap sa kanyang ang kaibigan niyang si Cattleya at binati siya.

"Hey brat! You betrayed me!" natatawang sambit nito nang gumanti siya ng yakap sa kaibigan.

Walang ibang salitang namutawi sa mga labi niya ng mga oras na iyon kundi ang ngumiti na lamang at tumawa dahil sa sobrang galak na nararamdaman niya.

"Hindi ko inaasahan na kaya mo palang ilihim sa akin na nag-asawa ka na pala? At ang haba ng hair mo, ha? Si Russel pa talaga ang napili mong asawa? Wow! Ang taray lang..." Muling wika nito na hindi napigilang kurotin siya sa kanyang braso.

"I didn't meant to---"

"I know, I know," agaw rin ng kaibigan niya sa sasabihin pa sana niya. "Naipaliwanag na sa akin ni Russel. At ang masasabi ko na lang sa ngayon ay...ang swerte mo. Promise," kinikilig na dugtong nito na siyang tinawanan lamang niya. Hindi niya masisi ang kaibigang kiligin ng ganoon dahil hindi naman lingid sa kaalaman niya na malaki ang paghanga ng kaibigan niyang si Cattleya sa kanyang asawa.

"But...seriously..." nasambit niyang ibinalik ang tingin sa kanyang asawa nang dumaan ang ilang saglit.. "You surprised me...really," wika niya rito nang pahiran nito ng panyo ang munting luhang namumuo na naman sa kanyang mga mata at muli siyang niyakap nang mahigpit.

"I'm glad you are," mahinang tawa nito na hinahaplos ang buhok niya. Ilang saglit lang ay nailayo nito ang katawan mula sa kanya nang kapwa nila marinig ang pagbati ng boses ng isang babae mula sa likuran niya na siyang agad niyang ikinalingon rito para lamang magsampok ang kilay niya na mabilis na napatingin sa kanyang asawa na napangiwing sinalubong ang kanyang mga mata.

"I said congratulations," matamis ang ngiting ulit ng babae na inilahad pa ang kamay sa harapan niya na hindi niya nagawang tanggapin. Bagkos ay tiningnan lamang niya iyon at muling ibinalik ang mga mata sa kanyang asawa.

"What the---"

"Babe, I know what you are thinking..." Mabilis na wika ni Russel na siyang nagpatigil sa kanya na agad nitong ikinulong ang kanyang mukha sa mga palad nito. "But let me explain about this, okay?"

"At paano mo naman e-explain sa akin na maliban sa pamilya natin ay imbetado rin pala dito ang ex mo?"

"She's here because we need her---"

"No. We don't need her here."

"Yes, we are." Insist naman ng kanyang asawa nang biglang tumawa ang kaharap nilang babae na siyang ex ng kanyang asawa na nakita nila kanina sa hotel dahilan nang pagkasira ng kanyang mood kaya nagwalk-out siya ng wala sa oras. At anong ginagawa nito at pati dito ay nandito rin ang ex ng kanyang asawa? At may gana pang tumawa na animo'y aliw na aliw na makita siyang pinipigilan ang galit ng mg oras na iyon?

"Russel, stop it..." sambit pa nito na mahinang hinampas sa braso ang kanyang asawa. "I'm sorry for ruining your night, Noorell. But it was all your husband ideas."

Mas lalong nag-isang linya ang mga kilay niya na binalingan ang kanyang asawa na napakamot sa ulo nito. "Alright, I'm sorry," sambit nito na niyakap siya. "She's my ex, Babe. My ex-make-up artist," dagdag nito na hindi napigilang matawa muli nang bigla na lamang niyang hinampas ito sa balikat.

My Runaway Wife (Second Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon