Chapter 25

4.2K 157 19
                                    

My Runaway Wife
By: CatchMe

Chapter 25

“C-CHILD?!” Hindi pa man nakabawi sa pagkabulalas dahil sa sinabi ng asawang si Russel ay sabay naman silang napalingon sa pinagmulan ng boses sa likoran nila na pagmamay ari ng boss niya na siyang ama ng kanyang asawa. “You’re pregnant, hija?” surpesang dagdag nito.

“No! No, I’m not,” natatarantang sagot niya habang ang kanyang asawa ay pangiti-ngiting napailing sa inakto niya sa kanyang tabi. “We’re just talking about--- ”


“Having a baby, Dad.”

“What?!” baling niya sa asawa na mabilis na dinugtungan ang sasabihin sana niya na siyang mas lalong  ikinainis niya.


“Oh, I see, but then, good to hear that,” segunda naman ng ama nito na malawak ang pagkakangiti sa kanila. “…and the sooner the better. Para naman makita na namin ang apo namin sa inyong dalawa. I’m sure ang gu-gwapo’t gaganda ng mga magiging apo namin saa inyo. Tiyak na matutuwa ang mommy mo nito, hijo,” masayang dugtong  nito.

“Naku, hindi po---”

“Dad, we’re assured you that your soon to be grandchildren were all handsome and beautiful,” agaw naman ni Russel na tila tuwang tuwa pa nang hindi niya magawang tapusin ang dapat sana niyang sabihin sa ama nito na siyang ikinatuwa naman lalo ng ama nitong lumiwanag pa ang mukha sa sinabi ng magaling niyang asawa.

Kung wala lang sana sa harap nila ang ama nitong boss niya ay tiyak na kanina pa siya nakikipagratratan ng debate sa magaling niyang asawa dahil sa pinagsasabi nito.

At ang hudyo, mukhang tuwang tuwa pa talaga sa ideyang magkakaroon sila ng gu-gwapo’t magagandang anak.

Seriously, as in…for real?

“We’re having a baby? We will? As in? And when? Sooner? Later? Am I ready for that? Am I ready for having a baby?” sunod-sunod na kausap niya sa sarili sa kanyang isipan. “Bagay naman kaya sa akin ang magkaroon ng anak? At maging ina ng magiging anak namin ni Russel Medina?” Wala sa sariling napangiti siya sa kanyang naisip habang sa kanyang isipan ay naglalaro ang eksena kung saan ay nakahinga siya sa kama at katabi ang kanyang asawa.  Marahan nitong hinahagod ang malaki niyang tiyan at malawak ang ngiti habang kinakausap ang magiging anak nila na nasa sinapupunan niya.

Napabuntong hininga siya na tila may mainit na kamay na marahang  humagod sa puso niya nang maisip iyon. Saka siya napangiti nang bigla siyang matigilan nang magtama ang mata nila ng kanyang asawa na tila aliw na aliw na pinagmamasdan siya.


What the heck?

“What the hell am I thinking just now?!” lihim niyang inalog ang utak niya para bumalik ang kanyang katinuan. At bakit naman kung saan saan tumakbo ang pag-iisip niya. “Seriously, Noorell? Naiisip mo ‘yon? Naisip mong magkaroon ng anak sa isang….Russel Medina? What the hell?! Umayos ka, Noorell, umayos ka!” kastigo niya sa sarili.

“You’re dreaming,” napangiting sambit ng asawa niya na hindi inaalis ang mga mata sa kanya.

“What? Dreaming of what?” aniyang tinaasan ito ng isang kilay. At ang lakas naman yata ng radar ng kanyang asawa at alam na alam nitong lumilipad sa kung saan ang takbo ng utak niya?


“Dreaming of having our kids?” biglang tawang sagot nito na tila alam na alam nga nito ang takbo ng isip niya.


“Ha-ha-ha! Very funny!” plastik na tawa niya para pagtakpan ang sarili. Bigla kasing uminit  ang pisngi niya sa sinabi nito na tila nabuko siya nito sa isang bagay na pilit niyang tinatago. “Umayos ka nga! Hindi ito ang tamang lugar para magbiro ka. Baka nakakalimutan mong nandito tayo dahil---”

“I know, I know, I’m just kidding, okay?” natatawang sabat ni Russel na hindi na pinatapos ang sasabihin niya at hinawakan ang kanyang kamay. “Sinasakyan ko lang yong sinasabi ni Dad, para ma divert yong pag-alala niya kay Mommy. Sorry if I’m pissing you off because of that,” mahinang sambit nito na siyang ikinalambot ng awra ng kanyang mukha.


“Oh…I see,” aniyang tinapunan ng tingin ang masayang mukha ng ama nitong nakatingin sa kanila. “O-okay,” dagdag niyang ngumiti rito.



“Bakit hindi na lang kayo umuwi hijo, nang sa ganoon ay makagawa na kayo ng magiging apo namin ng mommy niyo.”



“Po?!” biglang sambit niya sa sinabi ng boss niya.


“Yes, hija. Umuwi na lang muna kayo ni Russel at kami na ang bahala rito sa mommy niyo. I’m sure kailangan niyong dalawa ng oras para….alam mo na,” malawak aang ngiting sagot nito na humarap sa kanilang mag-asawa.


“Naku, okay lang po kami dito, Sir, alam ko namang mas kailangan ang presinsya ni Russel dito---”


“Hija, it’s okay. We’re  okay here, nandito naman sila para samahan ako rito.” Turo nito sa kapatid ng asawa niya. “You two can go home now. I know you’re tired too because you work hard today. So, it’s okay with us, kung umuwi na kayo ni Russel at magpahinga na rin. We’re fine here, okay?”


“Dad…”


“C’mon, Russel, stop acting as if you don’t like this idea. You’re my son and I know you.”



“Sabi ko na nga Dad, eh, we’re going now,” natatawa namang napakamot sa ulo na sagot ni Russel.



“What? Pero Russel…they need us here. Dapat nandito ka pag nagising na ang Mommy mo.” Protista niya nang hilahin nito ang kamay niya para lisanin ang hospital.


“It’s okay. Babalik na lang ako bukas dito.”


“Pero…”


“No more buts, hija. Go, go home with you husband.”


“We will, Dad. See you tomorrow then,” nakangiti namang sagot ni Russel habang siya naman ay napangiwi na lamang nang tuloyang hilahin ng kanyang asawa ang kamay niya palabas ng kwartong kinuha ng mag-ama para sa ina nito.


Gusto sana niyang magprotista muli at kumbinsihin ang asawang si Russel na manatili roon pero wala na siyang nagawa dahil halata namang pinapalayas na siya roon ng boss niya para magsolo silang dalawa ng kanyang asawa.


And talking of “SOLO” anong gagawin niya o nila ng kanyang asawa kung silang dalawa na lang?


Ihahatid na ba siya nito pauwi? O iuuwi na siya nito sa bahay nito?

My Runaway Wife (Second Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon