Chapter 6

6.7K 232 19
                                    

My Runaway Wife

By: CatchMe

Chapter 6

BAKAS sa mukha ni Noorell ang takot at pagkalito na napaharap sa asawa. "Russel..." tanging sambit niya at napahilamos sa kanyang mukha dahil sa walang maisip na sasabihin dito.

​"So, kumusta naman ang aking asawa?" nakangiti ngunit bakas sa boses ang sarkastikong tanong nito sa kanya.

​"Russel, we'll talk about this. But, not now and not here," napabuga siya ng hangin para mabawasan ang samo't saring emosyon na lumulukob sa kanya.

"Yeah, you're right. We really need to talk about this. And I hope you won't run again."

​Biglang nag-init ang kanyang mukha dahil sa sinabi nito kaya napayuko siyang muli. "Paano mo nalamang... nandito ako?" lakas loob niyang tanong nang wala nang maisip na sasabihin at hindi na nagawang mag-aangat ng mukha dahil sa takot.

​"We owned this company."

​"You what!?" bulalas niyang mabilis na nag-angat ng mukha. "Ano bang pinagsasabi mo? Nababaliw ka na ba?" nagsalubong ang kanyang mga kilay na tanong dito.

​Sandali itong natawa dahil sa kanyang reaksyon at biglang sumeryoso na naman ang mukhang humarap sa kanya. "Baliw na ba ang tingin mo sa akin, Noorell? O baka ngang totoong baliw ako dahil nagpakasal ako sa babaeng hindi ko lubusang kilala at iniwan ako bigla pagkatapos ng kasal namin."

​Biglang umurong na naman ang kanyang dila at muli siyang sinalakay ng matinding kaba. And this time, talagang nabibingi na siya sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya. At ang mukha niya ay nag-iinit na naman na hindi niya maintindihan. Dagdag pa ang bumangon na takot sa kanyang katawan. Ano ngayon ang isasagot niya rito?

Oh God!

Natahimik siya bigla at mariing napapikit ng kanyang mga mata. Kasabay niyon ay ang sunod-sunod niyang paglunok ng kanyang laway. Kahit na pakiramdam niya ay nanunuyo ang kanyang lamunan.

​"Bakit ka umalis, Noorell? Or should I say...Bakit ka tumakas?" sumbat nito sa kanya.

​Napamulat siya at napasapo sa kanyang noo ng muling magsalita ito. Dahil pakiramdam niya sasabog iyon anumang oras.

Napabuntong hininga rin siya at napabuga ng hangin dahil sa walang makuhang sagot.

"I'm asking you, Noorell. Bakit ka umalis!" muling tanong nito sa kanya.

Halatang galit ito sa kanya at nagawa pa nitong itulak siya pasandal sa pader dahilan upang mabitiwan niya ang kanyang hawak na folder.

​"R-Russel, I-I'm sorry... I was...I was confused and..." napabuga siya ng hangin. "...scared..."

​"Scared? Saka ka pa natakot pagkatapos ng lahat, Noorell?"

​"I'm sorry... I'm really, really, sorry, Russel..." napayuko siya at pilit na itinulak ito palayo sa kanya.

​"Sorry? Sorry na lang ba ang maririnig ko mula sa'yo, Noorell? Ganun lang ba 'yun? Sorry, dahil tumakas ka at naglaho bigla? Sorry dahil pagkatapos kumalat ang balita na nagpakasal ang isang Russel Medina ay nagising na lang isang umaga na wala na ang asawa niya para maiharap sa media dahil sa kumakalat na balita? Sorry dahil pati sarili kong pamilya ay sumama ang loob dahil ang anak nila ay nagpakasal na pero ni hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakikilala ang asawa ng anak nila? Ganun na lang ba 'yun? Ha? Ganun na lang ba 'yun, Noorell?" mariing sambit nito na marahas siyang hinawakan sa braso at muling isinandal sa pader ng elevator kasunod ang katawan nito.

​Sinubukan niya ulit na itulak ito palayo ngunit sadyang mas malakas ito kaysa sa kanya. Dagdag pa ang galit na nakikita niya sa mga mata nito dahilan nang mas lalong panginginig ng kanyang tuhod. "R-Russel, nasasaktan ako."

​"Then answer me, dammit!"

​"I already told you! I'm sorry! I'm really, really, sorry, dahil magulo ang utak ko noon at natatakot ako!" pasigaw din niyang sagot dito na pilit nilalabanan ang takot na nararamdaman. "Pwede pa naman nating ayusin ito di ba? I mean, sabihin mo na lang sa media na hindi totoo 'yung kasal o 'di kaya ay naghiwalay na tayo at nagpa-divorce," dagdag pa niya. Ngunit mas lalong pa itongnagalit.

​"No! We have to face this," mayamaya ay wika nito.

​"H-how?"

​"You'll live with me."

​"What?! Are you kidding? No! I won't!" bulalas niyang itinulak ito palayo sa kanya.

"And why not? In the first place, we're married," anito.

"Kahit na. Ayoko!" tanggi pa rin niya na hindi lubos maisip na magaganap sa kanya ngayong araw ang kinatatakotan niya---ang makaharap ang asawa niyang si Russel Medina.

​"Well, sorry na lang dahil hindi na kita pagbibigyan ngayon. Two months is good enough to think about what happened. And this time, oras na para lumantad ka, lalong-lalo na sa aking pamilya."

​"No," napahilamos siya sa kanyang mukha nang muling marinig ang boses nito.

​"You don't have a choice... but to meet them soon. And as of now, let's start meeting with my father..."

​"Your father?As in now? W-where? When?" nalilitong napaangat siya ng kanyang mukha rito.

​"Here."

​"Dito? N-nandito ngayon ang ama mo?" nasorpresang tanong niya. "Oh, my god!"

Napahawak siya sa kanyang dibdib.

​"Yeah, and you're working with him for almost two months, Noorell."

​"What?!" bulalas niyang tanong muli at nanlaki pa ang kanyang mga mata. Paano niya naging amo ang ama nito? "Who is he?"

"The President and CEO of this company," sagot nitong hindi inalis ang paningin sa kanya.

​Napaawang naman ang labi niyang hindi nakapagsalita dahil sa pagka-shock!

Ang President and CEO ng Quiwa's Financial Holdings Inc., ay ama ng asawa niya?

Unbelievable!

Napailing siya at mahinang napatawa. So ibig sabihin ang isang Russel Medina na tinaguriang "The Total Package" title holder of Showbiz Industry na siyang pinakasalan niya't tinakasan, at ang misteryosong panganay na anak ng kanilang presidente na hinding-hindi pa nila nasisilayan ay iisa?

Seriously?

Or was this a joke?

Damn.

Hindi siya makapag isip ng maayos. Ni ayaw tanggapin ng utak niya ang sinabi nito sa kanya. At kung totoo ngang ang misteryosong panganay na anak ng boss niya at ang lalaking pinakasalan niya na nasa harapan niya ngayon ay iisa, ano na lang ang gagawin niya?

OH. MY. GOD!

Why is this happening?!

My Runaway Wife (Second Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon