Chapter 73

1.6K 61 5
                                    

My Runaway Wife
By: CatchMe

Chapter 73

"NO! HINDI MO AKO NAIINTINDIHAN!"

Sa kabila nang kagustohang pag-isahin na ang katawan nilang mag-asawa ay napilitan si Noorell na itulak sa dibdib ang asawang si Russel na siyang ikinabigla nito sa inakto niya. Kasabay niyon ay ang pagpupumilit niyang makaupo muli para paghiwalayin ang katawan nila na halos ay kunting kunti na lang at pwede nang mag-iisa ang katawan nila kung pipilitin siya ng kanyang asawa.

Pero karapatan nitong malaman ang katotohanan bago pa man siya nito angkinin na siyang ikinakakatakot niya na maging reaksyon ng kanyang asawa. Ngunit wala na siyang dahilan pa ng mga oras na iyon kundi ipaalam dito ang katotohanang hindi niya masabi-sabi sa kanyang asawa tuwing may mangyayari sana sa kanilang dalawa.

"Babe—"

"I'm sorry..." mabilis niyang wika na iniyoko ang mukha para iwasan ang nagtatakang mga mata ng kanyang asawa na hinawakan siya sa kanyang mga kamay. "B-But..." napakagat siya sa kanyang labi at napatigil nang ikulong naman nito ang kanyang mukha sa dalawang palad nito.

"Babe...what's wrong?"

"I'm sorry...b-but...I-I am not...I am not—"

"You are still not ready for this to happen?" Mabilis nitong agaw sa sasabihin pa sana niya na siyang ikinailing ng kanyang ulo at napapikit ng kanyang mga mata.

"That's not what I mean."

"Then what do you mean? And you are sorry f0r what?" Masuyong tanong nito na hindi pinakawalan ang pagkakakulong ng kanyang mukha sa mga palad nito. Bagkos ay inilapit pa nito ang mukha sa kanya na siyang mas lalong ikinaiwas niya ng kanyang mukha para hindi makita ang mga mata nito kung saan nakalarawan ang pagkalito't pag-alala na siyang mas lalong ikinakunsinsya niya.

And how she hated herself for not telling him the truth since then where it puts her into this situation that she don't know how to handle now and she's scared for his reaction if ever she tell him about it. Plus the fact that he married her for the second time but what she had done to him is betrayed him for not telling him the truth. The truth that she can't bare to tell him every time he wanted to make love to her.

"Babe?" Ulit nito na mas lalong inilapit ang mukha sa kanya at wala na siyang magagawa pa kundi aminin dito ang katotohanang hindi niya magawang sabihin sa kanyang asawa simula pa man.

"I...I am not v-virgin anymore..." halos pabulong na wika niya na pinigilan ang sariling huminga't hinintay ang reaksyon nito nang saglit itong hindi nakahuma sa sinabi niya.

"You said what?" Mayamaya ay tanong nito nang makabawi ngunit unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ng mga palad nito sa pisngi niya na siyang mas lalo niyang ikinabahala at napasalubong ang kanyang mga mata sa nakakunot niyang asawa na nakatingin sa kanya.

"I'm sorry..."

"You are kidding me, right?"

Pilit ang tawang kumawala sa kanyang asawa sa pag-aakalang nagbibiro lamang siya ngunit napailing siya at napahawak sa braso nito nang tuloyang kumawala ang pagkakakulong ng kanyang mukha sa mga palad nito.

"Russel, I'm sorry...I did not meant to—Russel!" Muli siyang napahawak sa braso nito para pigilan ang kanyang asawa nang bigla na lamang itong tumayo mula sa kama. "Listen to me first, please."

"You betrayed me!"

"I did not meant to, please let me explain first—"

"For what?!"

Bigla siyang napipi nang tumaas bigla ang boses ng kanyang asawa na marahas na iwinaksi ang nakahawak niyang kamay sa braso nito. At ang kanina'y gwapong mukha nito ay napalitan ng hindi maipintang galit na napatingin sa kanya. At ang kanina'y nag-uulap nitong mga mata dahil sa pagnanasang maangkin siya ay biglang napalitan nang panlilisik na tila gustong lusawin siya na siyang dahilan nang pagyuko niya ng kanyang mukha. Kasabay niyon ay ang pag-agos ng kanyang luha dahil sa magkahalong pagkapahiya, takot at kaba na nararamdaman niya.

"I'm sorry..." napahikbi na lamang niyang sambit na pinanginigan pa ng labi nang sambitin iyon ngunit tinalikuran lamang siya ng kanyang asawa na siyang mas lalong ikinabahala niya at walang pag-aalinlangang mabilis siyang bumaba sa kama na tulad ng kanyang asawa ay hubo't hubad din ngunit wala siyang pakialam sa kanyang kahubarang iyon na hinabol ang kanyang asawa at pinigilan muli sa braso. "Russel please, let me explain first—"

"Para ano pa? You betrayed me dammit! Not only once, twice but damn, Noorell. Ilang beses mo na ba akong pinagmukhang tanga?"

"Hindi ko sinasadya—"

"At hindi mo rin sinasadyang itago sa akin na hindi ka na pala—shit! Dammit!" Napamurang pag-iiba nito at napabuga ng hangin. "Pinaasa mo lang pala ako, Noorell? Pinaasa at niloko mo lang pala ako? You don't know how I tried to control my self these past few nights because I thought you are still not ready for this but hell! You are just fooling me like an idiot!"

"Hindi totoo yan!" Mabilis niyang wika na siyang mas lalong nagpadagdag ng daloy ng kanyang luha dahil sa sinabi ng kanyang asawa. "Please stop it!"

"Are you happy now? Are you happy for fooling me, Noorell?"

"Russel, please..." napailing siyang pinahid ang kanyang luha gamit ang kanyang isang kamay habang ang isa niyang kamay ay nakahawak pa rin sa braso ng kanyang asawa. "Hindi ko naman intensyong itago iyon sa iyo in fact sasabihin ko naman sana sa iyo ang katotohanan pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula."

"What? Hindi mo alam kung paano sasabihin sa akin iyon pero ang dali mo namang sabihin sa akin na pakasalan ka noon? Oh, c'mon, Noorell. Stop fooling me now, will you?"

"Hindi naman kita niloloko—"

"Oh," putol nito sa sasabihin sana niya na patuyang tumawa. "Baka pati yong sinabi mong nahuhulog na ang loob mo sa akin at napamahal na ako sa iyo ay puro rin kasinungalingan?"

"No! Hindi ako nagsisinungaling—"

"Guess I'm a real idiot," muli nitong putol na hindi man lang nagawang makinig sa mga sinabi niya. "I am nothing but an idiot who you always fools around, Noorell. Marrying you not just once but twice because I thought you finally loved me as how I love you since then but I think I am wrong. Because ever since...you are just fooling me. You are just fooling me until now. And what's next? You'll runaway from me just what you did before? Fine. Sino ba naman ako dito? I am just nothing but an idiot, right?"

"Russel, listen—" Napatigil siya nang itaas nito ang mga kamay at muling patuyang tumawa.

"Ang tanga-tanga ko ano? Ang tanga-tanga kong umasa sa pag-aakala kong..." itinaas nito ang balikat at napabuga ng hangin na hindi itinuloy ang sasabihin. Bagkos ay marahas nito muling iwinaksi ang kamay niyang nakahawak sa braso nito at tinalikuran siya.

Ni hindi niya nagawang gumalaw sa kinatatayuan niya at mas lalo pang napaluha sa pagtalikod sa kanya ng kanyang asawa. "I'm sorry, I'm really sorry..." at ang tanging nagawa niya ay paulit-ulit na pagsambit ng katagang iyon habang tila nauupos na kandilang sinusundan niya ng tingin ang likod ng kanyang asawa.

My Runaway Wife (Second Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon