Chapter 79

2.5K 83 13
                                    

My Runaway Wife
By: CatchMe

Chapter 79

MARIING naikuyom ni Russel ang mga kamao habang lihim na nakamasid sa kaniyang asawa ng mga oras na iyon.

Hindi siya nabigong masundan ang mga ito hanggang sa humantong ang mga ito sa isang restaurant kung saan nakaupo ang mga ito sa halos tago ng parte ng restaurant na kinaroroonan nila.

At sa tulong ng suot niyang jacket, sombrero at maitim na sun glasses na nakita niya sa kanyang kotse kanina ay laking pasalamat niyang walang may nakapuna sa kanya ng pumasok siya sa naturang restaurant na iyon.

Pumuwesto siya sa dulo at hindi mataong parte ng restuarant at sapat lang ang layo niyang iyon para matanaw ang kinaroroonan ng kanyang asawa.

Hindi siya nag-abalang tanggalin ang suot niyang sobrero at shades sa mata nang lumapit sa kanya ang waitress at nakayuko ang ulong nagturo ng oorderin niya sa menu list at muling ibinalik iyon sa waitress na nakatayo sa gilid niya.

Nang maka-alis ang waitress ay muli siyang napakuyom ng kanyang mga kamao nang matanaw na magiliw na tumawa ang lalaking kaharap ng kanyang asawa habang ang kanyang asawa ay nakatingin lamang dito.

Hindi napigilang napabuga siya ng hangin na napasandal sa kanyang kinuupuan habang lihim pa ring nakatanaw sa dalawa sa hindi kalayuan.

Hanggang sa dumating ang inorder niya at hindi man lang niyang nagawang tapunan ng pansin ang mga pagkaing inihain sa harapan niya bagkos ay nakapukos ang mga mata niya sa mesa ng kanyang asawa.

Hindi niya alam kung ilang minutos or inabot na ba siya ng oras doon na nakabantay lang sa bawat galaw ng kanyang asawa at ng dati nitong kasintahan.

At aminado siyang nagpupuyos ang kalooban niya tuwing napapahawak ang dati nitong kasintahan sa kanyang asawa at hindi man lang umiwas ang kanyang asawa sa dati nitong kasintahan.

Bagkos ay wala sa sariling napatayo pa siya nang bigla na lamang umiyak ang kanyang asawa sa hindi niya alam na dahilan.

Kasunod niyon ay ang pagkusa nitong yumakap sa dati nitong kasintahan na kahit umiiyak ay hindi naitago ang tuwa sa maganda nitong mukha.

Natatawa namang gumanti ng yakap ang dati nitong kasintahan na napahaplos pa sa likod ng kanyang asawa dahilan para lisanin niya ang lugar na iyon bago pa siya mag-eskandalo sa nasaksihan ng kanyang mga mata.

Hindi niya nagawang lumingon sa kinarooonan ng kanyang asawa at malalaki ang mga hakbang na lumabas ng restuarant na iyon matapos niyang mag-iwan ng pera sa mesa.

At tila sasabog ang puso niya ng mga oras na iyon habang pakiramdam niya ay sinasaksak ng ilang beses ang puso niya ng napakatulis na kutsikyo sa kanyang nakitang iyon dahilan ng pagdilim ng paningin niya nang marating ang kanyang kotse na agad niyang binuksan at ubos lakas na isinara iyon.

At bago pa niya paandarin ang kanyang kotse ay naramdaman na lamang niya ang pagbagsak ng kanyang masagang luha sa kanyang mukha.

Agad niyang tinanggal ang suot niyang shades at pinunasan ang kanyang luha gamit ang likod ng kanyang palad.

Marahas din niyang tinanggal ang suot niyang sombrero at hinampas iyon sa tabi niyang upuan na animo'y doon ibinunton ang galit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

At ano ang susunod niyang gawin pagkatapos niyang masaksihan ang yakapang iyon ng kanyang asawa at dati nitong kasintahan?

Nagkaintindihan na ba ang mga ito at may balak nang magkabalikan?

At paano naman siya ngayon?

Oras na ba para hiwalayan at iwan siya muli ng kanyang asawa tulad ng ginawa nito sa kanya mula pa sa simula nang pakasalan niya ang kanyang asawa?

Muling namuo ang kanyang luha sa mga mata at akma na sana niyang punasan iyon ay mabilis naman iyong bumagsak muli sa gwapong mukha niya.

Dagdagan pa nang maalala niya ang nakita niyang resignation letter ng kanyang asawa na nakapatong sa mesa nito kanina ay halos gusto na niyang pagsusuntokin ang manibela ng kanyang kotse sa isiping iiwan na nga siya ng kanyang asawa at babalik na ito sa dati nitong kasintahan kung saan ay naging unang parte ng buhay nito kaysa sa kanya.

"Damn! Damn! Damn!" Napasabunot sa sariling buhok na wika niya at napahilamos sa namamsa niyang mukha dahil sa luha niya.

Hindi niya matatanggap na iiwan siya ng kanyang asawa nang ganoon lang kadali tulad nang pang-iwan nito sa kanya noong unang gabi ng kanilang kasal na bigla na lamang naglaho na parang bula.

MULING napatayo si Noorell sa kinuupuan niyang sofa at lumapit sa pintuan at sumilip doon.

Kanina pa siya hindi mapalagay habang hinihintay ang kanyang asawang dumating ngunit mag-aalas onse na ng gabi ay hindi pa rin ito umuwi ng bahay.

Alam niyang galit sa kanya ang kanyang asawa at mas nadagdagan pa ang galit nito sa kanya nang mas pinili niyang sumama sa dati niyang kasintahang si Ronel kanina kaysa sa kanyang asawa.

Wala na kasi siyang ibang choice kanina at mas pinili nga niyang sumama sa dating kasintahan dahil mas nanaig sa kanya ang malaman kung bakit ito biglang naglaho sa kasal sana nila noon.

At hindi niya masisi ang kanyang asawa kung mas lalo itong magalit sa kanya dahil may rason naman itong magalit sa kanya ngunit kahit ganoon pa man ay hindi niya pinagsisihan ang pagsama niya sa kanyang dating kasintahan kanina.

Lihim siyang napangiti nang maalala ang usapan nila ng kanyang dating kasintahan at wala sa sariling napatingin sa kanyang daliri. Partikular na sa palasinsingan niya kung saan naroon ang wedding ring niya at marahang hinaplos iyon.

Saka siya mabilis na napatingin sa labas nang marinig niya ang pagdating ng kotse ng kanyang asawa at sa hindi niya maintindihang kadahilanan ay biglang sinalakay ng kaba ang dibdib niya.

Alam kasi niyang galit ito sa kanya at hindi niya alam kung paano niya ito kakausapin o kung paano niya ito pakiharapan at kausapin tungkol sa nangyari kanina.

Paano kung hindi na naman ito makinig sa paliwanag niya tulad ng ginawa nito sa kanya kagabi?

Napahugot siya nang malalim na paghinga at nag-ipon ng lakas ng loob para harapin ang kanyang asawa. Pilit niyang pinakalma ang kabang nararamdaman niya ng mga oras na iyon nang tuloyang namatay ang makina ng kotse ng kanyang asawa.

At ilang saglit lang ay bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang kanyang asawa na saglit na napapatda ng makita siyang nakatayo roon at nakatingin rito na hindi alam ang gagawin.

"R-Russel..." nang makabawi ay pinilit niya ang sariling humarap dito at tinungo ang kanyang asawa nang pilit itong tumawa na nakaharap lang sa kanya.

"Wow! Look who's here? My runaway wife is still here?" anitong pabagsak na isinara ang pintuan na siyang ikinagulat niya. "I never thought that you are still in here. Ang akala ko pa naman ay umalis ka na just like what you always did---my runaway wife!" Mariing patuloy nito na dinaanan lamang siya at tinungo ang hagdanan para umakyat sa itaas ng bahay.

Lihim siyang napangiwi nang manuot sa kanyang ilong ang matapang na amoy ng alkohol nang daanan siya ng kanyang asawa na agad naman niyang sinundan.

"Russel...I know you're mad at me and I am sorry," aniyang nakasunod sa kanyang asawa habang paakyat ng hagdanan. "Hindi ko naman masisi na magalit ka sa akin kasi kasalanan ko naman talaga kaya...kaya dapat nating mag-usap tungkol doon. I mean...pag-usapan natin yong tungkol sa atin, tungkol sa pagsasama natin at tungkol sa hindi natin napagkaintindihan. Alam kong marami tayong hindi napag-alaman simula pa lang at hindi tayo nagkakaintindhihan sa mga bagay-bagay na dapat sana ay sa simula pa lang ay alam na natin ang tungkol sa bawat isa sa atin." Mabilis niyang wika na pinigilan sa braso ang kanyang asawa nang kapwa makarating sa itaas ng bahay. "Russel please, pakinggan mo naman ako---ouch!" Napapiksi siya nang marahas nitong iniwaksi ang kamay niya at muli siyang tinalikuran na tinungo ang kwarto nila.

Ngunit hindi na lamang niya ininda ang reaksyon ng kanyang asawa at muli itong sinundan para muling magpaliwanag.

"Russel, please...listen to me first okay? Alam kong may mali ako and I am sorry for that. I just want to know the truth about---ah, nevermind about that...What I want to do now is to tell you that I---"

At hindi pa man niya natapos ang sasabihin ay napatda na lamang siya nang biglang napatigil at humarap ang kanyang asawa at marahas na inangkin ang labi niya.

My Runaway Wife (Second Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon