Chapter 67

2.1K 74 2
                                    

My Runaway Wife
By: CatchMe

Chapter 67



"WHERE ARE WE GOING?" Baling ni Noorell sa asawang si Russel na nagmamaneho ng kotse nito. Ni wala siyang ideya kung saan sila pupuntang dalawa at ang alam lamang niya ng mga oras na iyon ay nasa Makati area lamang sila. Wala siyang alam kung may pupuntahan doon o ime-meet ang asawa niya dahil hindi na niya nagawang magtanong kanina nang paandarin nito muli ang makina ng kotse nito matapos nilang mag-usap.

Well, hindi naman kasi pumasok sa utak niya ang magtanong dahil sa nararamdamang kasayahan sa sinabi ng kanyang asawa.

Ni hindi pa nga siya makapag-move-on sa sinabi nito kanina at tila lumilipad pa rin siya sa alapaap ng mga oras na iyon. At iyon ay dahil sa asawa niyang si Russel.

Napapangiti na lamang siya tuwing sumasagi sa isipan niya ang sinabi nito kasabay ng mainit na bagay na humaplos sa puso niya.

"I'm yours, Babe...I'm yours."

Tila musikang paulit ulit na bumalik sa utak niya ang sinabi nito dahilan para mas lalong tumaba ang kanyang puso at muli siyang napangiti at napapatingin sa nagmamaneho niyang asawa.

Sobrang saya niya ng mga oras na iyon at wala na siyang mahihiling pang iba kundi ang makasama ito ay sapat na sa kanya. Dagdagan pa ang sinabi nito kanina na wala naman siyang dapat ikabahala dahil hindi naman ito mawawala sa kanya.

Sapat na ang sinabi ng kanyang asawa para mapanatag ang kanyang loob na kanina lang ay nag-aalburuto dahil sa sobrang selos na nararamdaman niya.

At mula ngayon ay pipilitin niyang iwasan ang magselos dito lalo na at hindi naman niya maiiwasang lapitan ng mga babae ang kanyang asawa dahil sa katayuan ng buhay nito.

Napatingin siya sa kanyang kaliwang kamay nang nakangiting hawakan iyon ng kanyang asawa at saglit siyang tinapunan ng tingin bago nakangiting ibinalik ang mga mata sa kalsadang tinatahak nila.

"Surprise," anitong mahinang tumawa dahilan nang pagsalubong ng kanyang mga kilay na hindi inalis ang mga mata sa kanyang asawa.

"Surprise?" ulit niya rito. At ano naman kaya ang sorpresa nito sa kanya sa pagkakataong iyon?

Unti-unting gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi nang binalingan siya nito at nakangiting napatango bilang sagot at muling binalik ang tingin sa daan.

Hayyy...ang asawa nga naman niya, oh. At mahilig talagang sorpresahin siya lagi. Na-excite tuloy siya kung anong sorpresa ang tinutukoy nito na naghihintay sa kanya ng mga oras na iyon.

"What is it?" aniya na malawak ang ngiti sa labi. Naiisip niya baka lilipat lamang sila ng ibang hotel para ituloy ang naudlot nilang date umano dahil sa pagwalk-out niya kanina.

"Surprise nga, hindi ba?"

"Sinasanay mo talaga ako sa mga sorpresa mong 'yan, ha," sagot naman niyang natatawa rito.

"Well...masanay ka na, Babe."

"Seryoso?" nakataas ang isang kilay na tugon niya na may ngiti pa rin sa labi.

"Hmmm..."

"Baka naman sa umpisa lang iyang mga sorpresa mo sa akin, but later on---"

"Hep, hep..." putol nito na napatingin sa kanya. "Yan ka na naman...iba na naman ang iniisip mo sa akin."

"I am just stating the fact---"

"And what kind of fact you are stating just now?" Mabilis na wika nito sa kanya. "Na sa umpisa lang itong ginagawa ko sa iyo tulad ng iba?"

My Runaway Wife (Second Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon