Chapter 8

7.2K 252 26
                                    

Sorry sa late update. Busy kasi ang katawang lupa ko, hehehe! Salamat sa lahat ng mga nagboto, at nagcomments. Hay labyu to the highest level, hehehehe!

---

My Runaway Wife

By: CatchMe

Chapter 8

"OH MY GOD! Russel Medina?" narinig ni Noorell na bulalas ng kaibigan niyang si Neszie kaya napaangat siya ng tingin at biglang nagsalubong ang paningin nila ng kanyang asawa.

Pinaikot lang niya ang kanyang mga mata nang makita ang mga kaibigan niyang nagsilapitan dito at halos ay himatayin na sa kaharap nilang si Russel Medina.

Muli siyang napayuko at hindi pinansin ang nag-iingay niyang mga kaibigan. Ni hindi niya alam kung ilang minuto siya sa ganoong ayos nang bigla na lamang siyang napaigtad nang mag-ring ang telepono sa kanyang mesa.

Napatingin siya sa kanyang paligid at wala na ang kanyang asawa. Malamang ay pumasok na iyon sa private office ng kanilang President and CEO na ama pala nito. At mas lalo pang lumakas ang kabang nararamdaman niya habang nakatitig sa nag-iingay na telepono at hindi niya naiwasang manginginig ang kamay na iniangat niya iyon.

​"Quiwa's Financial Holdings Inc., good morning," bati niya nang marinig ang boses ng kanyang boss. "Moment, Sir," muling sagot niya at agad na inayos ang files na hinihingi nito.

​"Oh-My-God! I can't believe it! The one and only 'Total Package', title holder, Russel Medina, is here!" kinikilig na wika ng kaibigan niyang si Jhoana nang lumabas siya ng kanyang cubicle.

​"Did you see him, Noorell? Russel Medina was here!" wika naman ni Arianne.

​"Yeah, and he hugged me, I can't believe it, gosh!" si Neszie naman habang yakap ang isang folder.

Hindi niya nagawang sumagot kaya pilit na lamang siyang ngumiti at nanginginig ang mga tuhod na lumapit sa pintuan ng private office ng kanilang President and CEO.

She took a deep breath para sandaling pakalmahin ang sarili saka dahan-dahang binuksan ang pinto at pumasok na rin.

Agad na sumalubong sa kanya ang seryosong mukha ng kanyang asawa na bahagyang napatigil sa pagsasalita nang makita siya. Kaya mabilis niyang iniwas ang paningin dito dahil pakiramdam niya ay hindi siya makahinga sa mga oras na iyon.

"Excuse me, Sir. Nandito na po 'yung hinihingi ninyong files," kinakabahang sambit niya at nanginginig pa rin ang tuhod na lumapit sa kanilang Presidente at nakayukong ibinigay ang hawak na mga folder.

​"Thanks, Miss De Vera," anitong ngumiti sa kanya. "By the way, meet my eldest son, Mark Russel Quiwa. And I think, pamilyar na siya siguro sa'yo. 'Cause he was also known as Russel Medina in showbiz," nakangiting pakilala nito.

​Pigil niya ang sariling mapasinghap sa narinig mula sa kanyang boss. Ang katotohanang anak nga nito ang kanyang pinakasalan pitong linggo na ang nakalipas.

Pero teka lang! Naguguluhan yata siya hanggang ngayon.

Kung isa itong Quiwa, ibig sabihin... walang bisa ang kasal nilang dalawa?

Malamang!

Dahil ang pinakasalan niya ay isang Russel Medina, at hindi Mark Russel Quiwa!

Nabuhayan siya ng loob na maiaayos pa nila ang gulong pinasok niya. Kaya napaangat siya ng tingin at pilit ang ngiting ibinigay sa kanyang boss.

​"Y-yes Sir..." aniya rito. "And nice to meet you, Sir," aniyang hindi pa rin makatingin sa pares ng matang kanina pa nakatitig sa kanya.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin siyang lumabas na at saka pa siya nakahinga nang maluwag ng tuluyan na siyang makalabas ng private office ng kanyang boss.

My Runaway Wife (Second Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon