Chapter 34

3.1K 116 5
                                    

My Runaway Wife
By: CatchMe

Chapter 34

"BABE..."

Sinalubong ni Noorell ang namumungay pang mga mata ng asawang si Russel na napatingin sa kanya.

"What's wrong?"

Sa kabila ng pamumungay ng mga mata nito ay nagtatakang tanong nito na nakalarawan din sa mga mata nito ang pagkabahala kung anong problema sa inaakto niya.

Mas lalo tuloy siyang nalito at sapilitang itinulak ito palayo sa kanya ngunit hindi siya pinakawalan ng kanyang asawa. Bagkos ay hinuli nito ang mukha niya at ikinulong sa mga palad nito na tinitigan siya.

"Why? What's the matter?" Anitong ginawaran pa ng halik ang labi niya na siyang iniwas niya ang mukha mula rito.

Napailing siya at muling itinulak ang asawa palayo sa kanya. "J-just..." napailing siya muli at napabuntong-hiningang iniwas ang paningin dito. "I can't...I'm sorry," aniyang pilit makawala rito ngunit nabigo siya.

Mahigpit kasi ang pagkakahawak nito sa magkabilang pisngi niya dagdagan pang nakadagan ito sa kanya kaya halos hindi siya makagalaw sa pagkakakulong mula sa hubad na katawan nito at ng kanilang kama.

"Why?" Ulit nitong pilit hinuhuli ang mga mata niya ngunit umiling lamang siya na ipinikit ang kanyang mga mata. "Just tell me, why?"

"I'm sorry, please, let go of me, Russel," nag-iinit ang mukhang sambit niya na pilit itinulak ito para makawala sa kahubaran nitong nakadagan sa kanya.

Napakislot pa siya at pinag-initan ng katawan nang maramdaman ang katigasan pa rin nitong nasusundot sa hita niya maging sa pribadong parte ng pagkababae niya  kaya sunod-sunod siyang napalunok ng kanyang laway sa samu't sariling emosyong lumukob sa kanya ng mga oras na iyon.

Inaamin niyang kani-kanina lang ay nagugustohan niya ang ginagawa nito sa kanya. Maging ngayon ay pinag-iinitan siya, pero...hindi niya maintindihan ang kanyang sarili.

She was scared, confused and don't know what to do.

Alright, they were married and that was given. But still...isn't enough to have sex with him?

Kunting panahon pa lamang ang pagsasama nila. In fact, wala pang biente kwatro ang lumipas ng pagsasama nila.

How dare her to be in this room sharing the bed with him and having sex with him?

Nababaliw na ba siya?

Hindi pa ba siya nadadala sa nangyari sa kanya kaya iniwan siya ng dating kasintahan niya?

Paano kung...paano kung pagkatapos nang may mangyari sa kanila ay iiwan din siya nito tulad nang ginawa ng dating kasintahan niya sa kanya?

Paano kung paaasahin lang din pala siya nito at iiwan din sa bandang huli?

Ni hindi pa naman nila kilala ng lubusan ang isa't isa at heto siya halos kinalimutan na niya ang dahilan kung bakit siya naikasal dito ng hindi inaasahan.

Paano kung malaman din nito ang katotohanan sa pagkatao niya, at dahilan kung bakit siya iniwan ng dating kasintahan niya ay kilalanin pa ba siya nitong asawa nito pagkatapos may mangyari sa kanila?

O tulad ng dati niyang kasintahan ay iiwanan din siya na parang basahan?

Paano na siya pagkatapos?

Mariin siyang napapikit nang makaramdam ng paninikip ng kanyang dibdib dahil doon. Dagdagan pa ng tila may matalim na kutsilyong humiwa sa puso niya nang maalala na naman ang pang-iiwan ng kanyang dating kasintahan.

Hanggang sa mapahikbi na lamang siya  at muling pinilit makawala rito. "I'm sorry...I can't," ulit niyang napahawak sa kanyang ulo. Biglang nakaramdam kasi siya ng kirot dulot siguro ng kanyang nainom kanina.

"Sshhh....it's okay, if you don't want me to---"

"I'm sorry..." putol niya rito na mabilis na kinuha ang comforter nang makawala sa pagkakadagan sa hubad na katawan ng kanyang asawa at mabilis na tinakpan ang kanyang kahubaran.

"It's okay...and I'm sorry if I am forcing you to do this---"

"Just go, please," muli niyang putol na hindi na pinatapos sa pagsasalita nito. Kasabay niyon ay mabilis siyang bumaba sa kama at patakbong tinungo ang banyo na hindi man lang tinapunan ng tingin ang nalilitong mukha ng kanyang asawa na sinundan siya ng tingin.

Pagkasara ng pintuan ng banyo ay agad niyang ini-lock iyon at doon ay pinagpatuloy ang kanyang pag-iyak.

Ni hindi niya pinansin ang pagkatok ng kanyang asawa sa pintuan ng banyo bagkos ay tinakpan pa niya ang kanyang tenga na ipinagpatuloy ang pag-iyak doon.

Hanggang sa hindi na niya namalayan kung ilang minuto siyang umiyak doon o inabot ba siya ng oras sa loob ng banyo  nang maisipang lumabas doon. At laking pasasalamat niya nang hindi makita ang kanyang asawa sa kwartong iyon nang tuloyan siyang makalabas sa banyo. Ni agad niyang ini-lock ang pintuan ng kwarto bago siya bumalik sa kama at muling isinuot ang damit niyang hinubad kanina ng kanyang asawa.

"PERFECT!"

Napasipol pang sambit ni Russel nang matapos ihanda ang niluto niyang agahan para sa kanila ng asawang si Noorell.

Balak sana niyang gisingin ang asawa kanina ngunit naka-lock pa rin ang pintuan ng kanyang kwarto na gamit nito kagabi, kaya napagdesisyonan niyang magluto na lang muna ng makakain nila.

Tamang tama lang na kapag nagising na ang asawa niya ay nakapagluto na siya.

Sinulyapan niya ang wall clock na naroon sa kusina niya at nakita niyang mag aalas-nwebe na iyon.

Nagsandok na siya ng niluto niyang bean sprout soup para sa hang-over ng kanyang asawa at nilagay iyon sa mesa.

Saka niya na desisyonang akyatin ito muli sa taas para gisingin na para makapag-agahan na silang dalawa.

"Galit kaya siya sa akin?" Kausap niya sa sariling napakamot sa ulo. Naalala kasi niya ang nangyari kagabi at hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya sa inakto ng kanyang asawa.

Inaamin niyang nadadarang na siya at gustong gusto na niyang angkinin ang asawa kagabi ngunit biglang na lamang siya nitong itinulak palayo.

Napabuntong hininga siya nang maalala ang pag-iyak nito. And seeing her crying makes him feel so weak. Tila binuhusan ng malamig na tubig ang nag-iinit niyang katawan nang makita ang pagluha nito. Bigla tuloy namatay ang naniningas niyang naramdaman ng mga oras na iyon.

"Is she okay?" Muling tanong niya sa sarili na siyang ikinakibit balikat niya. "How I wish," muling wika niya nang maisipang buksan ang telebisyon nang madaan ang sala. Saka siya umakyat ng hagdan at tinungo ang kanyang kwarto.

Pinihit niya ang seradura ngunit naka-lock pa rin iyon kaya kumatok na lamang siya. "Breakfast is ready," may kalakasang wika niya ngunit wala siyang narinig na tugon sa loob kaya mas lalo niyang nilakasan ang pagkatok niyon. "Babe...open the door," muling katok niya rito.

"What is she doing inside?" Kausap niya ang sarili napakamot sa ulo. "Sana hindi na lang ako lumabas kagabi," ani pa niya na muling kinatok ang asawa sa loob. Sa guest room kasi siya natulog kagabi para sandaling bigyan ng privacy ang kanyang asawa dahil sa nangyari.

"Babe, open the door. The foods are getting cold now," muling may kalakasang wika niya ngunit wala pa ring tugon mula rito kaya nabahala na siya.

Paano kung...

No!

She can't!

Dahil sa naisip ay mabilis siyang bumaba muli at kinuha ang spare keys ng kanyang kwarto. Nang makuha ang susi ay patakbo siyang umakyat muli at binuksan ang kanyang kwarto gamit ang spare key para lang mapamura sa sa sumalubong sa kanya.

My Runaway Wife (Second Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon