Chapter 31

3.2K 131 10
                                    

My Runaway Wife
By: CatchMe

Chapter 31

"P-PUT ME DOWN! Hindi s-sabi ako las-sing...ano ba?!"

Hindi pinansin ni Russel ang paulit-ulit na paghampas ng asawa niyang si Noorell sa braso niya. Nang marating ang kanyang kwarto ay dahan-dahan niyang ililapag ito sa kama habang panay pa rin ang reklamo nito sa kanya.

"S-sabi ko sa'yo....h-hindi ako lasing..." paulit-ulit na sambit nito sa kanya. "H-hindi ako las-sing...okay? I'm fine. Now...p-put me down. P-put me down...kaya ko na...kaya ko na ang s-sarili ko, okay?"

"What the..." tumawa't napailing na lamang si Russel na nakatingin kay Noorell na patuloy pa rin ang pagrereklamo sa kanya kahit nasa ibabaw na ito ng kama at malayang nakahiga. "Yeah...you're right...you're not drunk." Sambit na lamang niya na natatawang humakbang papasok sa banyong naroon sa kwarto.

Kumuha siya ng maliit na palanggana at nilagyan ng maaligamgam na tubig mula sa heater na naroon sa banyo niya.

Kunuha na rin siya ng malinis na bimpo saka siya bumalik sa kinaroroonan ng kanyang asawa na patuloy pa rin sa pagsasalita.

"Yeah, naniniwala na akong hindi ka nga lasing, okay? Now, sit her so I can help you to wash your face."

"Promise?" Napangiting tumagilid ito ng higa at tumitig sa kanya. Sandali itong hindi nakapagsalita habang nakakatitig lamang sa kanya at napabuntong hininga. Saka ito tumalikod sa kanya at ibinaon ang mukha sa kama.

"Why? What's wrong?" Nag-alalang umupo siya sa kama katabi nito para tingnan ang mukha nito nang marinig niyang umiyak ito.

She cried again as if she was in pain that made him took his deep breathe and run his fingers through his hair.

What he hated most is seeing her crying just like what she did now.

"Hey...are you okay?" Pilit niyang iniharap ito sa kanya para patatahanin ito sa pag-iyak tulad kanina. "Shhh...it's okay. Everything will be okay," mahinang sambit niya na hinagod ang mahabang buhok ng asawa. "Come...look at me," aniyang pilit iniharap ito sa kanya habang patuloy itong umiiyak. "Shhh...don't cry...please, don't cry." Tila pinipiga ang puso niyang pinunasan ang basang mukha nito nang tuluyan itong humarap sa kanya.

Ilang sandali lang ay tumahan naman ito sa kakaiyak at muli na namang natawa.

"Damn...w-why am I crying?" Tanong pa nitong kinusot ang mga mata. "I g-guess I'm d-drunk."

"Yeah, you are...come, I'll help you," hawak niya sa braso para tulongan itong makaupo sa kama.

Agad niyang kinuha ang bimpong nasa loob ng palanggana at piniga iyon. Saka niya idinampi sa magandang mukha nito ang maaligamgam pang bimpo para punasan ang asawa. 

Nang ilang sandali lang ay pinigilan nito ang kamay niya at sinalubong ng namumula pang mga mata nito ang kanyang mata.

"T-toilet. I n-need to use---"

"Yeah, yeah, come," mabilis naman niyang sambit at agad na inilalayan itong makababa sa kama hanggang sa tuloyan itong makapasok sa loob ng banyo. "You sure you will be okay here?"

Yumuko ito bilang sagot saka sinenyasan siyang lumabas na. Ayaw man niyang iwanan ito sa pag-alalang matumba ito roon ngunit wala siyang magawa ng itulak siya nito palabas ng banyo at isinara iyon.

Ilang saglit siyang naghintay sa labas nang marinig ang kalabog sa loob ng banyo niya.

"What happened? Are you okay?" May kalakasang tanong niya sabay katok at hawak sa seradura ng pintuan. Laking pasalamat niya ng biglang bumukas iyon at hindi nito na-i-lock ang pintuan. "Are you okay? Hey! What are you doing?!" Mabilis siyang lumapit rito at pinatay ang nakabukas na shower. "Tingnan mo, basang basa ka na," aniyang hinablot ang nakasabit niyang tuwalya at ibinalabal dito.

My Runaway Wife (Second Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon