Chapter 76

1.8K 64 6
                                    

My Runaway Wife
By: CatchMe

Chapter 76

"HELLO?" muling sambit ni Noorell nang walang may marinig sa kabilang linya na siyang ipinagtaka niya. Nang masigurong walang tao nga ang sa kabilang linya ay lihim siyang napabuga ng hangin at ibinaba ang cradle ng telepono.

Malakas pa rin ang tahip ng dibdib niya na napatingin sa telepono at muling napabuga ng hangin na napasandal sa kinauupuan niyang silya nang mapalingon siya sa cubicle ng kaibigan niyang si Neszie nang tawagin nito ang pangalan niya.

"May naghahanap daw sa iyo sa ibaba," sagot ng kaibigan niya na hawak pa ang teleponong nakatingin sa kanya na siyang ikinasalubong ng kanyang mga kilay. "Ronel daw ang pangalan, gusto mo bang kausapin?" Dagdag pa nito na itinaas ang hawak na cradle ng telepono sa kanya na siyang nagpalaki ng kanyang mga mata at pag-awang ng labi niya.

"S-sino?" Pagkuwa'y tanong niya sa kabila ng pagdoble ng kabog ng dibdib niya ng marinig ang pangalan ng taong naghahanap sa kanya.

At tama nga ba ang narinig niyang pangalan ng dati niyang kasintahan ang naghahanap sa kanya sa ibaba?

At paano nito nalamang...

No, no, no.

Mabilis din niyang putol sa isipan dahil malamang ay nalaman iyon ng dating kasintahan niya mula sa balitang nagpakasal siya sa kanyang asawang si Russel Medina.

Pero anong dahilan nito na puntahan siya rito sa trabaho niya?

At bakit ngayon pa ito nagparamdam sa kanya kung saang malaking problema ang hiniharap niya sa ngayon sa kanyang asawang si Russel?

"Hey! Naririnig mo ba ako? Noorell?!"

"Huh?" tila nahimasmasang napatingin siya muli sa kaibigang si Neszie na magkasalubong ang mga kilay na nakatingin sa kanya.

"Sabi ko gusto mo ba sagutin itong telepono? Tumawag daw sila sa iyo diyan pero hindi mo nasagot ang tawag kaya dito sa akin sila napatawag para ipaalam na may naghahanap sa iyo sa ibaba. Kung gusto mong kausapin dito---"

"No, no, no, no!" Mabilis niyang sagot sabay tayo mula sa kinauupuan niya at sumenyas pa sa kaibigan na huwag ibigay sa kanya ang telepono.

Yumuko naman ang kaibigan niya bilang sagot bago nito muling binalikan ang kausap sa telepono at ibaba na ang cradle niyon at muling humarap sa kanya.

"Bababa na lang ako," aniyang pilit na ngumiti sa kaibigan para itago ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

Ang nararamdaman niyang hindi mapakali kung anong gagawin ng mga oras na iyon nang malamang naroon sa ibaba ng gusaling pinagtatrabahohan niya ang dating kasintahang nang-iwan sa kanya.

At ano ang balak nito o kailangan at pinuntahan pa siya roon?

"Anong gagawin ko?" Hindi alam na sambit niya at wala sa sariling dinampot niya ang kanyang bag para puntahan ang dati niyang kasintahan sa ibaba.

Hindi pa man  siya tuloyang nakalabas ng kanilang opisina ay muli siyang pumihit pabalik at tumigil sa harap ng cubicle ng kaibigan niyang si Jhoana na napaangat ng mukha sa kanya.

"Jhoana, aabsent muna ako ngayon, ahm...personal---no, no, emergency lang. Tama. Emergency, okay?" aniyang mabilis iniba ang rason niya.

My Runaway Wife (Second Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon